The Sentiments of Her Supposted Lovers

24 2 0
                                    

Part I

May mga oras na para bang gusto kong habulin ka, at sabihin sayo na tulungan mo kong ngumiti ulit.

Pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit ikaw ang hinahanap ko gayong mali dahil may ibang taong laman ang puso ko, alam kong mali dahil ayokong paasahin ka, pero hindi ko maiwasan.

Jack Rabbit, nasan ka na ba?

GABRIEL (Gab)

Nang tumawag sakin si Noah ay nasa shop ako at hindi ko nakita ang caller ID kaya napatanong ako sa tumawag.

"I want to know what happened to her and bring her death to justice."

Hindi ko alam - pero kinabahan ako sa sinabi ni Noah, like seriously?

He wants to bring Khairyn's death to justice?

Itinigil ko ang ginagawa ko at ipinaalam kay Izzy ang sinabi ni Noah, agad naman syang umalis para hanapin at sabihin kay Lucas.

"I'll help Noah and make them pay."

Sa totoo lang, my grandfather was the head of the police when Khairyn's disappearance happened in 1997, he retired at 69 dahil kahit gusto nya pang magtrabaho, kinailangan nyang huminto for lola's sake.

Sila na lang ang meron ako, and knowing my lolo Mill he won't stop until he knows what he wanted. Pero ngayon wala na sila pareho ni Lola, he died almost 3 years ago, at bago sya mamatay, he told me to continue looking about Khairyn Carter. Honestly, akala ko hindi na babalik pa si Noah sa Lockle, I guess he is the one who time wants to track whatever.

Tanda ko pa ng malaman kong may nagpadala ng invitation kay Noah - gayong hindi sya intensyong padalhan ng student board kung saan naging 4th year college represenatitive si Allison - Francine's BFF. May ilang taga-student board din ang may ayaw sa kanya dahil sa pagiging MVP nya at biglang pag-alis, na sa iba ay tila ba naging duwag syang lumaban ulit, pero alam namin nila Izzy na desisyon ng mama nya ang pumunta sya sa Hermes.

Bigla akong kinilabutan sa mga naalala ko,
'Sino nga ba ang nagpadala ng invitation kay Noah?'

Kahapon ay kinontak ko ang mga ilang kakilala ko sa student board at organizers ng re-union kung sila ang nagpadala ng invitation kay Noah, pero lahat negative.

Maging si Coach, este, ang Dean ng L.U ngayon na si Sir Hansel ay sinabi sakin na hindi nya pinadalhan si Noah, nagulat na lang sya ng mag-appear sa data base ng mga imbitado ang pangalan ni Noah.

'Hindi kaya... Pero sana naman hindi. Hindi kaya, si Khairyn ang may gawa? Is she haunting us all? Kasi hindi naman malabong mangyari yun, may mga palabas na ganun ang nangyayari - sana naman hindi, dahil hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan naming lahat nito. She's an angel when she's here - when she's alive, but now that she's dead, could it be... She is revenging through Noah?'

Nawala ako sa iniisip ko ng magring ang telepono sa opisina.

"6pm? Wala naman akong expected call ngayong araw? Bukas pa dapat, 10am, sino naman kaya ang tatawag?" nag-aalangan kong tanong sa sarili habang papalapit ako sa telepono.

"Hello? Oh Morg, i-ikaw pala, napatawag ka? Bukas? Sa diner sana, yeah, sure, thanks Morg, see yah."

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang si Morgan ang tumawag.

When She Died [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon