Gaano kasakit ang malaman ang isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi mo man lang inasahan?
... Ang malaman ang katotohanan sa sarili, at ang malaman mong hindi ka na din magtatagal pa?
Sabi nila, masakit ang ayawan at iwan ng walang dahilan, pero paano kung ang mga dahilan ay naging pipi?
Gawin mo mang itanong ay di kayang bigkasin dahil sa pag-aakala na ang .ga dahilan ay tila isang ideya na hindi dapat marinig -
NOAH
Kinabukdan ay tinawagan ko si Morg para ipaalam na pupunta ako ng Gaunlet, hindi ko alam pero ito na pala ang huling buwan ng aking paghahanap.
Uuwi ako na dala ang isang masamang balita, isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi ko kailanman inasahan.
"Morg, pupunta ako sa Gaunlet, kung pwede sana ay wag mong ipaalam kanila Gab at Izzy... Yeah, I need to do this alone from here. Para sa akin ang bagay na ito. Sigurado ako... Sige salamat, Morg."
'Can I take it really from here?'
Isang buntong hininga ang isinalubong ko sa hangin - ang bigat, nakakakaba, hindi ko alam kung bakit.
Nagsimula akong magmaneho patungo sa Gaunlet - may kung ano talagang nabagabag sakin, naisipan kong makinig ng musika sa stereo ng sasakyan.
Pero ang isip ko ay dinala ako sa mga bagay na gusto kong itanong sa kanya noon pa man.
Naalala ko ang araw na umakap sya sakin at umiyak ng malaman nyang nagkabalikan na si Francine at Lucas.
"Noah..."
"Bakit, anong nang-"
"Bakit ang sakit?"
Hindi ko magawang magsalita sa kanya.
'Ako din Khairyn, nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing umiiyak ka dahil kay Lucas.'
"Bakit hindi na lang ako yung nakita nya, bakit si Francine pa? Noah bakit? Bakit ako na naman yung naiwan?"
'Hindi ka iniwan Khairyn, nandito pa ko. Nandito ako. Ako na lang, please. Ako na lang Khairyn. Ako na lang.
Sana ako na lang Khairyn.
Dahil sa bawat oras na sya ang nasa isip mo, sa bawat oras na sya ang bukang bibig mo, at sa bawat pagluha mo ay sya ang dahilan, nadudurog ako.
Nasasaktan ako Khairyn.'
BINABASA MO ANG
When She Died [Completed]
Historia CortaDeath. Disappearance. Lies & Truths. Questions & Answers. All the words written describe the life she came across and the same fate he would. Kung may pinagkaiba man, she's not there anymore and he is in a quest in finding the reasons that pushed h...