Matapos malaman ni Noah ang lahat mula kanila Francine at Ysabel at sa mga kaibigan nila, walang nagawa si Noah kundi ang patawarin sila. Alam nyang kung nabubuhay man si Khairyn ay ito ang gagawin nya - to forgive them.
"Tol, ano nang plano mo ngayon?" tanong ni Izzy habang nasa diner sila
"Hindi ko alam Izzy. Pakiramdam ko ay tapos na ang lahat."
"Noah, yung kwarto ni Khairyn, hindi mo pa ba alam kung nasan ang susi nun?"
"Hindi pa rin Gab. Si Mrs Roe ang naghahanap dun, wala pa syang balita hanggang ngayon sakin."
"So ganito na lang yun?" untag ni Gab sa kanya
Napabuntong hininga na lang si Noah at napatingin sa labas. Tatlo na lang sila na naghahanap sa mga bagay na wala pa ring sagot. Bumalik na kasi si Lucas dahil kailangan sya sa kumlanya nila, si Francine ay umalis na ng Lockle, maging si Ysabel. Si Allison ay nasa ibang city na, ganun din sila Michelle, Jae, at Claire. Nasa Maru pa rin si Phillip at Maurine, habang si Trance ay nasa isang maliit na komunidad sa dulo ng Maru.
"Wala man lang bang nasabi si Henry tungkol sa binigay nya sayo?" taning ni Gab
"Wala. Bukod sa hindi ko dapat buksan igon hangga't di ko nababasa ang sulat ni Khairyn para sa kin."
"Pero nasan ang sulat?" tanong ni Izzy
Sakto namang lumapit si Morgan sa kanila.
"Anong problema? Kanina ko pa kayo nakikita na parang di kayo kumportable."
"Morg, may gamit ba si Khairyn sayo?" tanong ni Noah
"Gamit? Teka, may locker sya dito sa pagkakatanda ko. Sandali, kukunin ko ang susi."
Pagbalik ni Morg ay nakita nya ang hawak nitong mga susi.
"Heto, kayo na lang ang magcheck, burado na ang pangalan ng mga susi kasi."
"Sige Morg." sagot ni Noah
"Tol, mas maigi na ikaw na lang magcheck, aalis na kami ni Izzy, may delivery sa shop na dapat kong makita, isasama ko na si Izzy para naman makatulong sya sa pag aayos ng sarili nyang kotse."
"Okay lang Gab, salamat. Balitaan ko na lang kayo."
Nang maka-alis si Gab at Izzy ay agad na nagpunta si Noah sa locker room ng mga staff sa diner, isang lumang locker na kinakalawang na din ang naroon.
Sinubukan nya ang ilang mga susi hanggang sa isa sa mga ito ang magpabukas da pinto ng locker.
Isang maliit na bag at jacket ang naroon, naisip ni Noah na maaring nakalimutan nang kunin ni Khairyn na kuhain ang mga ito dahil may pagkamalimutin din sya minsan. Pagkakuha nya ng mga gamit ni Khairyn ay isinara nya na ang locker at isinauli kay Morgan ang mga susi. Nagdesisyon syang umuwi at doon tignan ang gamit ng kababata.
NOAH
Agad kong pinagpagan ang bag na nakita ko sa loob ng locker ni Khairyn, at ng mapagtanto ko na iyon ang bag na niregalo ko noong 16th birthday nya ay napangiti ako - isang kulay violet na may sunflower design ang bag na yun.
May isang notepad akong nakita pero panay drawing lang ang nandun, isang pen na wala ng tinta, isang lagayan ng face powder, panyo, payong at isang sobre.
Binuksan ko ang sobre at isang susi ang nakita ko, maliit lang ito at parang susi sa isang kahon o maliit na drawer.
Bigla kong naalala yung kahon na bigay ni Mrs Roe, agad kong kinuha ang box na nasa kwarto ko at nang buksan ko ito ay panay greeting cards ang nakita ko at isang maliit na box.
BINABASA MO ANG
When She Died [Completed]
NouvellesDeath. Disappearance. Lies & Truths. Questions & Answers. All the words written describe the life she came across and the same fate he would. Kung may pinagkaiba man, she's not there anymore and he is in a quest in finding the reasons that pushed h...