Hindi alam ni Noah kung paano at saan magsisimula, he lost her. He lost the love of his life, and she's not coming back.
Still, naglakas loob syang tawagan ang mga magulang nya para ibalita na babalik na sya sa Hermes. He left Lockle in much pain. Umalis sya matapos sabihin kay Morgan at kanila Gab ang totoo.
"She what?!" saad ni Izzy
"You heard me, Izzy, she's gone and it's real" sagot ni Noah
"Tol, paanong may Leukemia sya eh ang lakas nya pa non!" giit ni Izzy
"Izzy, tama na!" awat ni Gab
Hindi naka-imik si Izzy sa sigaw ng pinsan nya.
"Tingin mo ba madali lang para kay Noah to? Kababata nya si Khairyn tol, tingin mo madali lang para sa kanyang tanggapin ang lahat? Alam natin pareho nila Lucas na mahalaga sa kanya si Khairyn, at kahit anong mangyari si Khairyn ang huling tao na gusto nyang masakta-!"
'"Gab, I'll be fine. Babalik na din ako sa Hermes bukas." saad ni Noah
"Noah..." ani ni Morgan
"Morg, wag kang mag-alala, makakaya kong sabihin sa kanila ang nangyari, kakayanin ko."
Ngiti ang naging tugon ni Noah sa malungkot na emosyon ni Morgan, at kinabukasan nga ay umalis na si Noah. Habang nasa loob ng tren papunta sa airport ay muling nanumbalik ang lahat kay Noah,
Alam nyang mahirap at masakit ang lahat pero kailangan nyang tatagan ang loob nya.
Pagdating ni Noah sa bahay nila sa Hermes, ay sinalubong sya ng mama nya ng yakap.
"Noah!"
"Ma..."
"Noah, Bakit? A-anong problema? Where's Khairyn?"
At the instant na narinig nya ang pangalan na iyon ay bumagsak na ang luha nya.
"Ma, she's gone. Khairyn died. Patay na sya"
"What?! W-Anong ibig mong sabihin?"
Umiling si Noah, "Wala na sya ma. Wala na po si Khairyn."
Para syang batang umiyak sa bisig ng kanyang ina, dinaluhan sila ng kanyang ama ng marinig ang balita tungkol kay Khairyn.
"Noah..." pagpapakalma ng mama nya pero wala, inakap nya ang ina at umiyak.
Somewhere in the City of Lhaji in Lockle, sa isang mansyon, isang aparato ang maririnig mula sa isang kwarto sa kanang bahagi ng pasilyo, isang dalaga ang nakaratay dito.
BINABASA MO ANG
When She Died [Completed]
Kısa HikayeDeath. Disappearance. Lies & Truths. Questions & Answers. All the words written describe the life she came across and the same fate he would. Kung may pinagkaiba man, she's not there anymore and he is in a quest in finding the reasons that pushed h...