4: 2nd Time

94 5 0
                                    

I wake up at the sound I heard outside.
Agad akong tumayo at binitbit ang bag ko. Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga lalaking may kanya-kanyang dala, na kung anu-ano, basta yung iba tela at di ko na maidentify yung iba.
I saw Ricarte, napatingin naman sya sa'kin kaya ngumiti ako, ganun din sya.

"Good morning" bati ko.
Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nya. May sinabi ba akong mali?
Sabi ko 'good morning' oh anong-'-'ahhh Nasa ibang year at lugar nga pala ako, siguro ay di sila nakakaintindi ng salitang Ingles.

"Ahhh I mean, ah! Ibig kong sabihin, Magandang umaga" I said tsaka nag-smile.

"Magandang umaga rin sayo" bati nya.

"Ahh, saan kayo pupunta?" I asked.

"Sa ilog" he answered.

Sa ilog, gusto kong sumama kaso naisip ko na baka ma-OP ako and I have no time to have fun ngayon , at nalaman ko na di lang pala ako nananaginip.

"Anong gagawin nyo dun?"

"Maglilinis ng aming mga sarili" 
so ganun? maliligo sila ng walang sabon, shampoo, toothbrush or whatever?
Ay sigee, titiisin ko muna na di maligo kahit kadiri, dahil wala rin naman akong pamaliit at isa pa, makakaalis na rin ako sa lugar na 'to. Pwe.

"Ahh ganun ba, Kasama nyo ba yung lalaking--uhmm yung matipuno yung katawan---" napahinto ako dahil marami ang matipuno ang katawan sa kanila, ganun din tong si Ricarte. 
Naghihintay lang sya ng susunod ko pang sasabihin "uhnm yung matangkad, mga ganto katangkad" pagpapaliwanag ko na may kasama pang hand gesture kung gaano katangkad yung lalaki , until I realized yung kamay ko ay nakatapat sa ulo ni Ricarte-- ang shunga ko, Magka-height pala sila.
/face palm/
Nakita ko na naguluhan ata sya sa mga sinasabi ko.

"ah! Yung Ka look-a-like ni Lee Min ho" I said na ngiting-ngiti, siguro naman ay kilala nga na iyun.

"ha?" tanong nya.

"si Lee min---" napatigil ulit ako sahil na-realize ko na wala nga palang tv dito at sa mga oras na 'to ay di pa buhay si Lee min ho. Talaga naman oh. Ito ang nagagawa ng walang kain.

"Ahhh, nevermind, sige alis na kayo."

"Sige, mauna na kami" he said tsaka lumakad na palayo.

Bago ako maglakad paalis, inisip ko muna kung saan ako pupunta, ano dun na naman ako sa silid ko? tsk. Anong gagawin ko dun? 
Hahanapin ko na lang yung mayabang na Lee'min'ho look-a-like. Akala nya ha.

Lumabas ako sa malaking bahay na ito, and good di ako naligaw.
Babalikan ko ang lugar kung saan ako nagmula, sa may gubat dun, baka sakaling nandun ang sagot kung paano ako makakalabas at baka nandun na'rin ang iba kong gamit.

Di pa ako nakakalayo ay nakita ko na ang maraming tao, para itong palengke na mga handmade ang gawa at may mga hayop na rare na lang. Rare oo, sa present time rare na lang yun pero ngayon para ang dami-dami nila tulad ng mga pawikan at may iba't-ibang laki pa, meron ding mga Whale . woooooh.

Medyo malayo-layo na rin ang nalakad ko pero wala man lang akong gubat na makita.

"ahhhhh"

"nandito na naman sila!"

"Nayyyy!"

Nakita ko na lang ang pagrami ng mga tao, lahat sila nagtatakbuhan kung saan-saan. Wait anong nangyayari? Wa-wala namang akong ginawa diba? yung iba ay kanya-kanya sa pagdala ng mga paninda. Balak ko pang tulungan yung isa pero sinanggi nya lang ako.

"ija, Umalis ka na."

"Aray" sigaw ko ng may humatak sa'kin at dinala ako sa eksinita. Bago pa ako makasigaw at namukaan ko na sya.

Gotcha!

"Ikaw na naman?!" pero bago ba ako makasagot ay hinawakan nya ako sa magkabilang braso ko.
"Wag kang aalis dito." he commanded. Wait. Bakit?
Tumakbo na sya palabas ng eskinita at iniwan na naman ako.

Ayoko dito, madilim, nakakatakot at kakaiba ang amoy.

Kahit malakas ang pagtibok ng puso ko sa kaba ay nagawa ko pa'rin maglakad at sumilip sa labas.

Dugo.

Di ako takot sa Dugo, pero kakaiba 'to. Pinapatay nila ang isa't-isa.

Nagulat na lang ako ng isang pamilyar na mukha ang nasa harap ko, isa sya sa mga kasama ng papatay sa'kin. Nakita ko sya noon- di ako nagkakamali at kaparehas nila ito ng damit at hindi kagaya ng kila Ricarte.

Bago ako makatakbo at hinatak nya ang buhok ko.

"Bakit ka tatakas." he said at tinignan ako mula ulo pababa.
He's pervert!

Sinipa ko sya sa groin kaya iyun, ewan ko na lang kung mahabol nya pa ako sa sakit.

Habang patuloy ako sa pagtakbo ay tinignan ko sya sa likod medyo malayo na ako sa kanya at pilit akong pinapatay sa mga titig nya. At mas nakaktakot pa ay yung itinapat nya yung hawak nyang sword sa'kin. 

"Bleehhh! magpauso ka ng Duck walk mo!" sigaw ko sa kanya. Well, nag-aasar ako. Sana maasar yung mukhang tsunggo na yun! Ha! Akala nya.
Pinipilit ko na lang na di tumawa dahil basa panganib pa ang buhay ko. Binilisan ko pa ang takbo ko at naliligaw na ako, halos nagulo na ang daan.

"Ahhhhh!" sigaw ko ng may humatak sa'kin mula sa taas.
Tinignan ko sya ng masama at balak ko na sana syang i-martial arts. Kahit hindi ako marunong nun.
Hanggang sa namalayan ko na lang na nakasakay ako sa kabayo,
Wait paano nya ako naangat? Ang lakas nya naman.

Tumino na ang isip ko ng pinabilis nya ang kabayo.
gasshh! muntik na akong mahulog kaya napahawak ako sa kanya or let us say, napayakap.

Nakita ko na rin sila Ricarte na nakasakay sa kabayo at iba pa nilang kasama. Nagkatinginan kami. Magka-opposite kami ng direction kaya masasalubong namin sila.

"Ikaw muna ang bahala" sabi ng lalaking nasa harap ko.
Nag-nod lang si Ricarte sa kanya.

Nag-smile ako kay Ricarte, na astigan ako dahil sya ang mamumuno. Nakaka-amaze sya. Pero sila yung makikipaglaban dun? Hala! Mapanganib dun. Nilingon ko sila para sigawan na mapananib sa pupuntahan nila nang biglang---

"ay kabayong palaka!" Bwiset to. Di man lang sasabihin na aandar na tong kabayo.

Bago makalimutan yung sugat nya sa likod, it's my time to check it. Bwahahaha.

Kaso may armor na nakaharang. Tinaas ko yung amor pero parang nakadikit ito sa katawan nya.

Paano 'to? aurgh.

Ginalaw-galaw nya yung likod nya kaya tumama yung mukha kong nakita pa nakadikit dun.

"aray! wag kang malikot" inis na sabi ko habang pinagmamasdan yunh likod nya.
Nakanuot ako nakatingin sa kanya, Nakatitig lang sya. gash nakakalusaw.
Tinigan ko ang buong paligid at nasa malaking bahay na pala kami.

Ahhh bababa na ako, paano ba bumababa dito?
Bumitaw ako at tsaka patalon na, nang bigla nya ako hawakan at sya ang unang bumaba. Di ko alam ang gagawin nya, iiwan na naman ulit nya ako dito? Dito habang nakasakay sa kabayo?

Pero hindi, inilahad nya ang kamay nya tsaka ako inalalayan pababa, pag katapos ay binitawan nya rin agad ako. Ang sensitive!
Sumakay ulit sya sa kabayo. wow. Sabi na ei, mangiiwan ulit sya.

"Dun ka muna sa isang silid, wag kang lalabas basta-basta" sabi nya ng di man lang nakatingin tsaka pinaandar yung kabayo. Di ko alam kung saan sya pupunta pero dahil na rin sa takot akong mamatay ay nagtatatakbo ako papuntang silid.

Agad akong humiga, Feeling ko pagod na pagod ako.
/cruuuu/ /cruuu/ 
Gutom na'rin ako.

Ay, I forgot to ask his name. Aurghhh.

Hinawakan ko yung tiyan ko na kanina pa naggegera. Saan ako kukuhang pagkain.
Nade-dehydrate na'rin ako. Pinagsisihan ko na rin ang pag skip ng meal.
Gusto ko nang bumalik sa'min.

Oll DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon