2: Savior

127 5 1
                                    

Minulat ko ang aking mga mata ng may marinig akong mga malalakas na yabag at matinis na tunog ng mga metal. 
Nakita ko ang mga kabayong nagsisisuguran sa isa't-isa at mga taong nag-lalaban gamit ang mga espada at kung anu-ano pang patalim.
Nanaginip ba ako?
Nagtataasang mga puno at nagbabagsakang mga dahon ang nakapaligid sa'kin.

"ahhhh" sigaw ko ng nakita ang isang malaking lalaki na susugod sa'kin. I closed my eyes becuase I don't want to see what'll happen next.

Kung isa man tong panaginip, gusto ko nang magising.

Hinintay ko na lamang na pasukan ang katawan ko ng isang matulis at malamig na bagay, pero wala. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at nakita ko ang isang lalaking nasa harap ko, na nakikipag espadahan sa lalaking balak akong patayin, kuhanin.

Nakita ko na rin ang biglang pagdami nila, Sinubukan kong makatayo pero di ko maggawa dahil sa sobrang panginginig sa sobrang kaba
Nang biglang may humatak sa'kin patayo at inalayo ako sa lugar na yun.

"Dito ka lamang" command nya sa'kin at umalis.

Iniwan nya ako sa malayo sa kanila pero nag-iisa ako, I don't know this place. Siraulo ba sya?.

Sinubukan kong tumayo ng biglang may nanghatak sa akin mula sa likod.
"ahhhhh" napasigaw na lang muli ako . Di ko maintindihan.

Sinubukan ko syang sipain pero nakaiwas sya, sa bilis ng pangyayari ay nagawa nya na'rin na lagyan ako ng tela sa bibig para di makasigaw. Nagpupumiglas ako sa kanya at pilit isinasakay sa kabayong dala nya.

Mom!Dad! Someone help me...

Bigla na lang tumulo ang luha ko at nanghina ang buong katawan.

Bago pa ako mawala sa sarili ay nakita ko ang lalaking kaninang nagligtas sa'kin na bumabalik at nakikipaglaban sa taong balak akong kidnappin.
Napaupo na lang ako sa panghihina ko habang pinagmamasdan syang makipaglaban. Stand up Revee! Wag kang tumunganga. But--- I can't. I think I have a balance disorder. I have a  floating sensation na di ko naman alam kung bakit ko nararamdaman.

Nakita ko mula sa likod na may gusto panain sya, Dahil may sapal pa ako sa bibig ay agad ko itong tinanggal pero mahigpit ang pagkakalagay.

"uhmmmm!!!!" 

Pagkasaksak nya sa taong mukhang uranggutan ay agad syang lumingon sa likod ngunit huli na ang lahat, natamaan na sya ng pana sa paa. It's too late.

Bigla na namang dumami ang tao at pinatay ang pumana habang sya pilit akong nilalapitan.
Napaluhod sya sa harap ko at gamit ng espada mula sa likod nya ay pinutol ang nakatakip sa bibig ko.

Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang syang bumagsak sa harap ko.

Nakita ko na rin na di lang pala isang pana ang tumama sa kanya, meron din sa likod malapit sa puso.

Nilapitan sya ng kung ano mang tawag sa kanila at tinulungan syang makatayo. Meron namang dalawa lalaki ang umalalay sa akin pagtayo, inaangkas ako sa isang kabayo. Sobrang naguguluhan ako ngayon. Kumapit ako sa lalaking nakasuot ng makakapal na armor. My vision became blurred.

Oll DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon