6: Help

58 4 0
                                    

I opened my eyes at nakita ko si Lee Min Ho looked-a-like na nasa ibabaw ko.

Wait yung! bogshshs!

Napapikit yung isa kong mata . aww Sakit nun, nabagsakan sya nung bakal na pinagsasabitan ng tela.

Agad syang umalis sa ibabaw ko, at umupo sa tabi. Umupo rin ako at ramdam ko ang sakit ng likod ko dahil sa tigas ng papag, I looked at him at hinihamas yung ulo nya.

Galit yung mukha nyang tumingin sa'kin.

"Ano bang ginagawa mo?!" galit na naman na tanong nya.

"oh galit na naman sya" I murmured

I looked at him at mukhang narinig nya. Nag peace sign ako. Tinignan ko yung pinto at nataggal yung pakong pinaglalagyan ng bakal.

I sighed.

"Eto muna suotin mo" He said habang pinupulot at inaabot sa'kin. Kulay red na may black at mahaba ang ito, di ko alam pero feeling ko ang daming patong nito.

"Thanks" I said at tumingin sa kanya.

"Ibig kong sabihin , Salamat" tsk. umayos ka nga Sandara! Wag kang mag English ng mag-English, Di ka Englishera.

"Siguro ay nagmula ka sa langit" he said. Di ko alam kung magugulat ako o matatawa sa sinabi nya.

Umiling lang ako habang  pinipigil ang tawa.

"Sabi mo, ipapadala mo 'to?" I asked habang chine-check ang damit na binigay nya.

"Oo, kaso napag-isip kong ako na lang" Abat! mabait din pala ito.

"Ngunit bakit ka nagsisira ng gamit" he said while looking sa may pader na pinaglalagyan nga pako. Okay binabawi ko na, hindi sya mabait makapangbintang.

"Excuse me, inaayos ko yan ng bigla kang sumulpot , bwiset ka" I rolled my eyes.

Inilapag ko muna ang mga damit tsaka pinulot yung rod na bakal at inilagay yung tela. Then inaabot ko na para ilagay sa may pako. Tumingkayad na ako lahat lahat di ko maabot.

"ahhh" Wohh! muntik na akong mahulog buti na lang may----

Teka!

Tinignan ko yung lalaking nasa tabi ko at nakahawak sa waist ko. Wahhh

Lumayo ako at agad nya namang nasapo yung rod, at sya na ang nagkabit.

Then bumaba sya at itunulak ko na pabalik yung papag. Nang maibalik ko na yun at tinigan ko na ulit sya para sabihin umalis na sya at magpapalit na ako.

"Masyado ka atang magugulatin" he said habang nakasandal sa pader. He looks cool.

Naunahan nya akong magsalita.

"Ei! nanggugulat ka! Tsaka labas na, magbibihis ako" I said.

Tumayo sya ng maayos.

"Kumain ka muna" Aya nya, wow may pagkain din. Omg. Maraming salamat.

Alam kong naging puppy eyes yung mata ko dahil sabik na na akong kumain. Sumunod ako sa kanya, at pumunta ulit kami sa silid nilang may kalakihan kaysa sa tinutulugan ko.

Nung pumasok kami ay nag-smile na ako kay Ricarte at nag-wave ng hand. Nag-smile din sya. Tinignan ko si-- Anong name nito? Di ko pa pala natatanong , mamaya I'll ask him.

Nakita ko ang lahat na biglang nagiba ang direksyon ng tingin. Habang sinusundan sya ay tinignan ko ang baba ko, kitang-kita pala ng binti ko. Gashh, nakakahiya sa kanila.

"Aww" nauntog ako sa kung saan. Tumingin ako sa taas at sya pala, naundog ako sa dibdib nya may armor pa kasing suot ang sakit.

Ginalaw nya lang yung ulo nya at nakita ko yung pagkain na nakahanda na.  Umupo ako at mga gulay ang handa, di ko alam kung anong tawag pero halatang mga healthy at last! May tubig.

Agad akong uminom ng tubig na nakalagay sa bamboo, ang sarap ng tubig. Naubos ko agad yun.

First time kong makakain ng ganto pero sarap na sarap ako siguro ay dahil gutom lang ako, di ko na sya pinansin basta kumain lang ako. 

/burp/ Oppps!

Tinakpan ko yung bibig ko at tumingin sa kanya, nakita ko ang konting pagngiti nya.

"Sige, Salamat, Magpapalit na ako" I said tsaka tumayo at nag-inat.

"Gusto mo bang maglinis muna sa ilog?" he asked me

"Sure, Sige.. Ay! Wait!--" I paused dahil may naisip akong kalokohan.

"Wag mong sabihing ikaw ang kasama ko?" Pangjo-joke ko.

He nodded. Ay! Seryoso!

"Wag kang mag-alala. Wala akong gagawin at mahirap na pag ikaw lang mag-isa" he said.

Naamoy ko na ang sarili ko at gusto ko man lang maligo

"hmmm, bago ang lahat, Pwede ko bang makita yung mga sugat mo?" I asked habang sobrang nagpapa-cute na talaga.

He just looked at me at tumalikod. Then naglakad na sya. Aish! 

"Okay! Fine Fine! Kung ayaw mo edi wag!" pabulyaw kong sabi at inunahan ko na sya sa paglabas.

Aurgh! Nakakabastos sya ha! Sa ibang tao di ko magawang magpa-cute Aba! Pasalamat sya dahil may tao pang concern sa kalagayan nya kahit ganun ugali. Bwiset talaga.

Napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang stress sa kanya.

Kinuha ko yung damit na binigay nya at inilagay sa telang binigay nya sa'kin na may kahoy pang hawakan. Woh? Ang cute, parang sa cartoons ko lang 'to nakikita ah.

"teka, wait! Walang underwear?!" gashh. Seryoso, wala?!

Kalma lang Sandara. Di rin naman ako magtatagal sa lugar na'to . woooh.

Lumabas na ako at nakita ko si bwiset na nakasakay sa kabayo. Wah! Don't tell me sasakay ako dun? May trauma na ako dyan sa kabayo na yan.

"Ahh~ dyan talaga tayo sasakay?" I asked at mahinahon na talaga ko ng bongga. Di sya sumagot at tinignan lang ako. Yung totoo? Tapalan ko kaya ng medical tape.

"okay. okay." I said then bumaba sya ng kabayo. Anong nangyayari? Nakita ko na lang ang paglapit nung isang lalaki sa kanya at hinawakan si horsey sa tali, then umalis. So ganun? Wala na kaming sasakyan? Hala! baka nagtampo yung kabayo.

"Joke lang naman yun. Gustong-gusto ko ngang sumakay sa kabayo ei he-he" sabi ko na may awkward na tone. Bakit kasi ang choosy ko pa. Face Palm. 

"Hindi ko sya maaring gamitin ngayon dahil masama ng pakiramdam nya" paliwanag nya sabay lakad na naman palayo sa'kin. Wow, buti pa sa kabayo concern sya sa sarili nya aurgh! Ewan ko sayo. Pero pahiya ako dun ah.

"Waiiit! hinatayin mo 'ko!" sigaw ko dahil medyo malayo na sya sa'kin at palabas na sya ng malaking gate.

Oll DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon