13: Plan

33 1 0
                                    

Nice Sandara, Good Job, buti na lang ang talino mo.

I whispered to myself.  

"Bye, my-so-called-silid and to everyone" I said

After ng kalokohang iniisip ko, wala pa'rin talaga akong alam kung paano makakabalik sa timeline ko. 

Pero ang plano ko, kung full moon ako nakapunta dito. Sa susunod na full moon ay babalik ako kung saan ako bumagsak, natagpuan, napunta or whatsoever.

Wala na'rin naman akong gagawin dito. At ayokong maging tagapaglingkod ng palayso, Excuse me? Gusto raw akong makita ng tinatawag nilang Mahal na Reyna at Hari. No way , gusto ko maging flight attendant at hindi utusan. Marami pa akong pangarap.

At ayon kay Ricarte, sa susunod na linggo raw ang susunod na full moon. Kung paano nya nalaman yun? I don't know. Pero sabi nya dun daw kay Tandang Selyo ba yun, marami raw nalalaman yun at maraming libro sa lugar nya. Wow para syang librarian kung ganun. Gusto kong mapuntahan. Baka may matutunan akong bago.

Tinignan ko ang buong silid. Puro kung anu-anong halaman, ginawa ko nang graden 'tong tinutuluyan ko. That's for my experiment. I want to produce a medicine for them. 

I sighed.

Bakit ba kasi ako napunta dito. Before that, lumabas na ako dala ng sulat ng mahal na prinsesa para kay Marxus, ginawa pa akong postman ni Ricarte. Pero okay lang, ang hirap humindi sa kanya e.

Saktong paglabas ko ay nakita ko si Marxus. Bingo!

"Marxus!" tawag ko, agad naman syang tumingin.

"Aalis na ako sa susunod na linggo. And I'm so happy! OO! Sobrang saya ko" Sabi ko, masaya talaga ako pero wala pang kasiguraduhan yung mga pinagsasabi ko. 

He nodded.

Wow nice respond.

"Ahh tsaka, pwede mo bang ituro yung daan kung saan tayo unang nagkita?" I asked

"Babalik ka na sa langit?" He asked. At ang cute ng tanong nya.

I laughed a little.

I nodded. "Siguro?" sagot ko.

"Sige." matipid nyang sabi

"Okay! Nga pala may pinapaabot si Ricarte galing sa Prinsesa" inilibas ko sa bulsa yung scroll. Inabot ko sa kanya.

"Kailan pa ito?" tanong nya.

"Uhmmm kaninang umaga, may ginagawa kasi si Ricarte kaya sa'kin na lang pinaabot, muntik ko ngang malimutan e hehehe per-----" Di pa ako nakakatapos magsalita ay tumakbo sya paalis. At nabastos ako ng bwiset na yun!. Sa sobrang inis ko ay pinagpapadyak ko yung paa ko ng may makita akong bato at ibinato yun sa direction ni Marxus. At sa di sinasadyang pagkakataon ay tumama yun sa ulo nya. Bago pa sya malaingon ay tumakbo na ako palayo.

Aurgh! Bwiset ka Marxus! Wala man lang utang na loob, di man lang nag-Thank You! Pero I'm so happy, pwede pala ako sa baseball ang galing kong babato e.

Speaking of bato, halos lahat na ata ng bato sa tabi ko ay binato ko na sa ilog. I want to clean myself at wala naman sigurong nambubuso sa'kin ngayon. Mamimiss ko yung paliligo dito pati paggamit ng kahoy na 'to na pangsabon.

This fresh air.

This beautiful scenery.

And Perfect Human like me.

I closed my eyes para damhin yung hangin.

Napadilat ako ng may maranig akong yabag ng kabayo na papalapit dito. Agad akong umahon at nagbihis kahit basang-basa pa ako. Grabe yung kabog ng dibdib ko.

Kinuha ko yung maliit na bagay na ginawa sa'kin ni Ricarte, para syang kutsilyo. I called it The Great Ricarte 2.0, pauso lang.

Nagtago ako sa malaking puno. Tahimik na yung lahat kaya dahan-dahan akong sumilip.

Wait? Familliar yung taong yun. Tinfig pa lang nya. Tinignan ko sya mukha at nabwiset ako. Si Marxus.Tinatanggal nya yung armor na suot nya at nilapag yung mga nakasakbit na kung anu-ano sa katawan nya.

"Tsk." Sya lang pala.

Wait! Bakit ba ako nagtatago? Kinuha ko na yung mga gamit ko at umakyat pataas para umalis na sa lugar na 'to. Pabitiin ng ligo , epal aurgh.

Nadaanan ko sya pero di ko sya pinansin. Wala syang galang sa mga babae. 

"Ikaw." narinig kong sabi nya. 

Ano raw? Ako? Ikaw ba name ko? O baka naman may iba syang kausap kaya di ko sya nilingon.

"aurgh! Bwiset ka!" Bulong ko sa sarili ko.

Nang makalayo na ako ay nilingon ko sya, pero di ko na sya makita kaya useless ang paglingon ko.

Pagbalik ko ay dumiretso ako sa silid at inayos yung gamit ko.

Kumain muna ako ,pagkatapos ay pumunta ako sa likod kung saan maganda abangan yung sunset.

"Kumusta" Di ko pa sya tinitingan ay alam kong si Ricarte na yun. Automatic na nag-smile ako.

"Ayos lang," Wala man lang nag-inform na dito pala yung tagpuan naming dalawa

"babalik na ako sa amin" I said

"Masaya ako para sayo"

"Salamat" Di ko syang magawang tignan dahil feeling ko ang laki ng ginawa kong mali pag umalis ako dito.

"Wag kang malulungkot" He said

"Ikaw din"

Biglang sumikip yung dibdib ko sa way ng pagpapaalam ko sa kanya.

"Ah tanong ko lang," Kanina ko pa kasi iniisip 'to.

"Magkaanu-ano si Marxus at yung Prinsesa?" this time tinignan ko na sya.

"Marxus," He said and smiled

"ahhh, Ayoko kong magsalita tungkol dyan, paumanhin" dugtong nya. Yumuko sya , di ko alam kung para saan yun, dahil ba malungkot sya o iniiwasan nya lang magsalita.

"Ay! Sorry. Paumanhin sa natanong ko" 

Nag-smile sya

"Hindi, wala lang iyun" sagot nya. I smile back.

"Uhmm, Ricarte, Maarii mo ba akong samahan sa sinasabi mong lugar kila Tandang Selyo, tama ba?" 

He nodded.

"yan na yung sunset!" I said sabay turo sa harap namin.

Ngayon lang ako naging masaya sa panunuod ng sunset. Mas gusto kong manuod ng horror kaysa sa 10 secs. sunset.

After nun ay madilim na, and it's time na maghihiwalay muna kami ni Ricarte. Gusto ko sana syang maka-usap lang buong magdamag pero hindi pwede dahil marami syang ginagawa.

But I'll enjoy this moment right now, dahil baka di ko na ulit 'to maranasan.

Napatingin ako sa may likod ko ng may nakita akong lalaking nakatingin sa'min pero saktong pagtalikod nya kaya hindi ko nakita yung mukha.

"Marxus?" I whispered

Napatingin din si Ricarte.

"Marxus?" he asked

"Si Marxus ba yun?" I asked. 

Wala na agad sya.

"Sa tingin ko rin ay si Marxus yun" sagot nya. Pero bakit? Mano naki-join din sya sa'min. Gusto nya rin palang manuod ng sunset sana sinamahan nya kami. He's weird.

"Naibigay mo ba ang sulat sa kanya?" he asked.

I nodded

"Maraming salamat"

Oll DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon