🍒Chapter 6: Concert🍒
「The Present Day」
Nasa practice room at nagppractice para upcoming concert. Nagpahinga muna ako at umupo sa gilid. Uminom ako ng tubig at kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko nang marinig ko na nag-ring ito at nakatanggap ako ng tawag mula sa nanay ni Jungkook. Sinagot ko ang tawag nya.
"Yes Mrs. Jeon?"
"Taehyung, busy ka ba?"
"Hindi naman po. Nagppractice lang po para sa concert."
"Pwede ka 'bang pumunta dito? Nawawala si Jungkook." Narinig ko ang kaba mula sa boses ng nanay ni Jungkook.
I froze on my sit and i couldn't move as if someone cast a spell on me.
"Papunta na po ako dyan." Ilang segundo ang inabot ko bago ako makagalaw ulit.
"Sige. Salamat Taehyung."
Pinatay ko ang tawag at tinawagan si Sejin hyung habang nagmamadaling ayusin ang mga gamit ko.
Umabot ng tatlong ring ang tawag bago nya sagutin.
"Hello Taehyung. Bakit ka napatawag?"
"Hyung, cancel all my schedules today. Nawawala si Jungkook. Kaylangan ko syang hanapin."
"Ha!? Malapit na ang concert! Kaylangan mong magpractice at marami ka pang aayusin ngayon."
"Please hyung. Kaylangan ko talagang hanapin si Jungkook. Bukas ko nalang tatapusin ang mga kaylangan kong gawin."
"Pero Taehyung, nakalimutan mo na ba na idol ka? At sikat ka?! Paano kung dumugin ka ng mga fans mo?"
"Mag-iingat ako, hyung. I promise."
"Bahala ka. Basta mag-iingat ka. Lagot nanaman ako sa daddy mo kapag may nangyaring masama sayo."
"Aalis na ako."
Tinapos ko ang tawag at nagmadali akong pumunta sa parking lot at sinakyan ang kotse ko. Nag-seatbelt ako at nagsimulang mag-drive.
Please Jungkook, wag kang lalayo. Tutuparin ko pa yung pangako ko sayo na mapanood mo ako sa malaking stage habang kumakanta.
Nakarating ako sa bahay nila at nakita ko ang nanay ni Jungkook na nakaupo sa sofa habang tinatawagan at halatang takot na takot sya na baka may nangyaring masama kay Jungkook.
Nang ibaba nya ang telepono ay nilapitan ko sya.
"Mrs. Jeon."
"Tinawagan ko na ang mga guard para hanapin si Jungkook."
"Tutulong po ako para mahanap si Jungkook."
"Ayos lang ba yun? Paano kung dumugin ka ng mga fans mo?"
"Okay lang po. Tsaka itatago ko naman po ang mukha ko."
"Sige. Marami talagang salamat Taehyung."
"Wang anuman po."
Sinoot ko ang face mask ko na nakalagay sa bag ko at ang sunglasses ko. Nagpaalam ako sa nanay ni Jungkook bago lumabas para hanapin si Jungkook.
Sinimulan kong tanungin ang mga guard kung nahanap na nila si Jungkook pero wala. Sinimulan kong magtanong tanong sa mga dumadaan na mga tao pero hindi nila nakita si Jungkook.
Nakakita ako ng isang grupo ng mga babae na mukhang mga high school.
"Excuse me. May nakita po ba ang lalaking toh?" Pinakita ko sa kanila ang pucture ni Jungkook.
![](https://img.wattpad.com/cover/236098486-288-k294502.jpg)
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA✓
FanfictionGusto kong maalala mo ang mga magaganda nating alaala para kahit wala na akong matandaan ay i-promise mo sa akin na hindi mo ako kakalimutan.