🍒Chapter 13🍒

44 3 0
                                    

🍒Chapter 13: Moving On Pt.2🍒

---

Buong araw ay naggala kami sa Paris at ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito.

Palubog na araw at nakaupo kami sa bench kung saan makikita ang Eiffel Tower. Sayang wala sya dito. Hindi nya makikita kung gaano kaganda ito. Isa rin ito sa mga pangako nya na dadalhin nya ako dito sa France at sabay namin titignan ang kagandahan ng Eiffel tower.

"Bakit ka umiiyak?" Naramdaman ko ang kamay ni Hoseok hyung sa mukha ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Wala. I just miss him so much. Sayang wala sya dito para makita ang Eiffel Tower."

"You can cry all you want. Andito lang ako." Sabi nya at nilagay ang ulo ko sa balikat nya.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Yung may nagaalaga sa akin. Making me feel safe and special.

"Thank you, hyung." Sabi ko sabay ngiti.

"No problem. Basta tawagan mo lang ako tuwing nalulungkot ka. Andito lang ako."

---

"Tae.."

Nandito kami sa hotel room ko habang nakamtambay sa terace.

"Hm?" I hum in response.

"Uh... siguro alam mo na toh noon pa pero... gusto kita."

Napatingin ako sa kanya at halatang kinakabahan sya.

"Matagal na kitang gusto... simula noong high school tayo." Nahihiyang sabi nya at sabay kamot sa batok nya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ko.

"I mean... masaya ka noon kay Jungkook at ayokong sirain kayo pati ang friendship natin kaya hinayaan ko nalang."

Hindi ako sumagot at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

"Will you be my... boyfriend?... uh.. kung okay ka na. I mean, hindi mo naman kaylangan sumagot kung hindi ka pa handa o kung hindi okay lang rin yun--"

Imbis na sumagot ako ay niyakap ko sya at halata ang gulat sa kanyang mukha. Niyakap nya ako pabalik at nakahinga sya ng maayos at ngumiti.

I think it's really the time to move on from him. Thank you Jungkook. Thank you for the times we spent together. You don't know how much happy i am. I promise, tutuparin ko lahat ng mga pangako natin sa isa't isa.

「The Present Day」

"Kuya Tae! Akin na yung lipstick ko!" Sigaw ni Yunmi habang hinahabol ako sa buong bahay "Dada oh si Kuya Tae!" Pagsumbong nya sa dada nya.

"Kailan ka pa natutong mag-lipstick ha? Hindi na baby si Yunmi ko huhu." I fake cry while standing on the sofa.

"Hoy Kim Taehyung, bumaba ka dyan sa sofa. Mahal yang sofa na yan." Sabi ni Jin hyung.

Bumaba ako mula sa sofa at nilabas ang dila ko kay Yunmi at nang asar.

"Daddy, si kuya Tae inaasar ako." Sinumbong nya ulit ako sa daddy nya.

"Taehyung, wag mo nang asarin 'tong baby girl namin. Dalaga na sya." Sabi ni Namjoon hyung at umupo sa sofa.

Hinablot sa akin ni Yunmi ang lipstick at nilabas din ang dila nya sa akin.

"Thank you, dad. Bleh."

"Hay nako Taehyung. Hindi ka pa talaga nagbabago. You're still as immature as before." Nakangiting sabi ni Jin hyung.

"Oo nga eh. Siguro mahihirapan ako kapag inampon na namin si Sky. Dalawang bata ang aalagaan ko." Nakangiting sabi ni Hoseok hyung at tinapik ang ulo ko.

"Kelan nyo nga pala sya aampunin?" Tanong ni Namjoon hyung.

"Siguro next week. Aayusin pa namin yung mga papers." Sagot ko.

"Mabuti yan. I'm proud of you Tae." Seryosong sabi ni Jin hyung.

"Bakit naman?"

"You're finally getting to move on from him."

"Tinutupad ko lang yung pangako ko sa kanya na magiging masaya ulit ako at tutuparin yung  pangako namin."

NOSTALGIA✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon