🍒Chapter 18: I Love You🍒
---
Nasa sementeryo kami ngayon dahil de*th anniversary ngayon ni Jungkook. Kasama ko si Hoseok hyung at Sky at sinindihan ko ang kandila.
Nakatitig ako sa tombstone ni Jungkook at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinunasan ni Hoseok hyung ang mga luha ko at inakbayan ako.
"Daddy Tae, Daddy Hobi, sino po sya?" Tinuro ni Sky ang pangalan ni Jungkook na naka-ukit sa tombstone.
"He is... he is one of my closest friend. He helped me to get through the struggles i've been to. Kaibigan namin sya ni Daddy Hobi mo and i'm so thankfull na nagkakilala kami."
"Daddy Tae, do you miss him?"
"So much, baby."
Napangiti ako nang niyakap ako ni Sky. Binuhat ko sya at niyakap nya ang leeg ko.
"Don't be sad Daddy Tae. Sky is here to cheer you up!" Sabi nya habang nakangiti at hinalikan ang pisngi ko.
"Thank you, baby. I miss you my bunny." Binalik ko ang tingin ko sa tombstone ni Jungkook.
「A Few Months Later」
Ilang months na ang nakalipas at mag-bbagong taon nanaman. Nandito kami sa bahay nila Seokjin hyung at Namjoon hyung kasama sila Jimin hyung, Yoongi hyung at ang inampon nilang kambal na si Jinho at Jinhee.
Nasa malaking balcony kaming lahat at hinihintay ang bagong taon. Ilang minuto nalang ay bagong taon na.
"Guys malapit na!" Excited na sabi ni Hoseok hyung at inakbayan ako.
"Countdown! 10.."
"9.."
"8.."
"7.."
"6.."
"5.."
"4.."
"3.."
"2.."
"1!!!"
Pagkatapos namin mag-countdown ay saktong nagsiputukan ang mga fire works at manghang-mangha ang mga bata pati narin kami dahil magagandang kulay nito nagpapa-liwanag sa madilim na langit.
"Happy new year, baby." Hoseok hyung pecked my lips and smile to me.
"Happy new year!" Nag-cheers kami gamit ang mga baso namin na may laman na wine at uminom.
Binuhat ni Hoseok hyung si Sky para makita ng malapitan ang mga fireworks.
Happy new year rin Jungkook...
「The Next Day」
Kakauwi lang namin mula sa bahay nila Namjoon hyung. Sa guest room kami natulog kahapon.
Ngayon ko lang naalala na malapit na pala ang birthday ni Sky in a few days. Nilapitan ko sya na nakupo sa sofa habang nanonood ng paborito nyang cartoon.
"Sky, diba malapit na ang birthday mo? Anong gusto mo? Lahat ibibigay namin ni daddy Hobi."
"Um... I want a baby sister!" He exclaimed.
Nabulunan si Hoseok hyung habang umiinom at tumingin ako sa kanya.
"You want a baby sister, baby?" Tanong ni Hoseok hyung at tumabi kay Sky.
"Yes! Wala kasi akong kalaro eh."
"Pero palagi mo naman kalaro si ate Yunmi, Jinhee at Jinho ah?" Tanong ko.
"Pero tuwing pumupunta lang tayo sa kanila. I want to be a big brother." He pouted.
"Uhh..." Tumingin ulit ako kay Hoseok hyung at sinenyasan sya na sya na ang bahala.
"Uh... if that's what my son wants, then sige."
"Yay! Thank you Daddy Hobi!" Niyakap nya si Hoseok hyung "Thank you daddy Tae!" Niyakap nya rin ako.
---
Kakatapos ko lang maligo at umupo ako sa gilid ng kama sa tabi ni Hoseok hyung. Si Sky ay natutulog sa kwarto nya.
"Natawagan mo na yung bahay ampunan?" Tanong ko habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang twalya ko.
"Oo. Ang sabi nila pumunta daw tayo doon para pag-usapan yun."
"Sige... hay.. nakaka-stress." Bumuga ako ng malalim na hininga at pinatong ang ulo ko sa balikat nya.
"Inaantok ka na?"
"Hindi pa."
"Then... you want to watch a movie?"
"Hm." I hum as a response.
Nagulat ako nang buhatin nya ako in bridal style.
"Anong ginagawa mo?" Natatawa 'kong tanong.
"Just let me. Diba pagod ka? At minsan ko lang naman toh nagagawa sayo since pareho tayong busy sa trabaho."
Ngumiti nalang ako at alam 'kong nag-bblush na ako ngayon. Binuhat nya hanggang sa sala at inupo ako sa sofa at nanood kami ng movies buong gabi.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA✓
FanfictionGusto kong maalala mo ang mga magaganda nating alaala para kahit wala na akong matandaan ay i-promise mo sa akin na hindi mo ako kakalimutan.