🍒Chapter 10🍒

45 3 0
                                    

🍒Chapter 10: Promise🍒

---

Nasa kwarto ako ngayon at nasa harap ko ang dalawang box na binigay sa akin ng nanay ni Jungkook. Kinuha ko ang box na puno ng mga letters at binuksan ang kulay purple na envelope na may nakalagay na 1 sa baba nito at binasa ang laman na letter.

'Hello hyung. Naalala mo ba yung pangako ko sayo na magkakaroon tayo ng sarili nating bahay kapag kinasal na tayo? Naalala mo yung bahay na pinuntahan natin noon sa Busan? Ang sabi ko sayo noon ay doon tayo titira kasama ang mga anak natin pero wala na siguro ako ngayon habang binabasa mo ito. Pwede 'bang ikaw naman ang mangako sa akin na doon kayo titira ng bagong mahal mo kasama ang mga anak ninyo?'

「4 Years Ago」

"Hyung! Gumising ka na." Hinila ni Jungkook ang paa ko at mahigpit na humawak naman ako sa headboard ng kama.

"Ayoko inaantok pa ako."

"Gising." Inalog nya ako ng malakas at parang masusuka na ako dahil sa hilo.

"Jungkook, tama na. Inaantok pa ako." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan.

"Sige. Bahala ka iiwan kita dito at isasama ko si Yeontan at hindi na kami babalik."

Napaupo ako nang marinig ko ang pangalan ni Yeontan.

"Hoy Jungkook, wag mong isasali ang anak ko sa mga kalokohan mo." Humiga ulit ako.

"Hindi ito kasali sa mga kalokohan ko. May gusto lang akong ipakita sayo."

"Ano ba yun?" Tumingin ako sa kanya.

"Magbihis ka muna."

"Tinatamad ako." Tinakpan ko ulit ang mukha ko gamit ang unan.

"Taehyung." Tawag nya sa pangalan ko gamit ang malalim nyang boses.

Argh! Oo na ikaw na nanalo.

"Eto na nga eh. Give me 20 minutes."

Tumango sya at kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako mula sa kwarto at nakita si Jungkook na nakaupo sa sofa habang nilalaro ang cellphone nya. Napangiti ako nang makita 'kong soot soot nya ang sweater na binigay ko sa kanya noong birthday nya.

"I'm done."

Lumingon sya sa akin at tsaka ngumiti. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Ang cute talaga ng boyfriend ko." Pinisil nya ang pisngi ko.

"Aray! Anong cute sa akin?"

Tumaas baba sya ng tingin sa akin at alam ko na kung ano ang ibig-sabihin nya. Nakasoot ako ng kulay orange na sweater at jumper at glasses.

"Tara na?"

Tumango ako at hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas mula sa apartment namin. Sumakay kami sa kotse nya at sinoot ang seatbelt.

"Saan ba tayo pupunta?"

"You'll see."

Nagsimula syang mag-drive at binuksan ko ang radio at sumabay sa kanta.

「Jungkook's POV」

Habang nag-ddrive ako ay napansin 'kong nakatulog na si Taehyung. 2 oras na ang nakalipas simula nung magsimula akong magdrive.

Nakita ko syang gumising at nag-stretch.

"Asaan na tayo?" Tanong nya at tumingin sa bintana.

Hindi ako sumagot at nagfocus sa pagddrive.

"Jungkook, nagugutom ako." Nakangusong sabi nya habang hinimas ang tiyan nya.

"Uh... tigil muna tayo sa convinience store?"

Tumango sya at nagpark ako sa nakita 'kong convinience store at pumasok kami sa loob.

Bumili kami ng ramen, snacks at tubig. Umupo kami sa bakanteng table at kinain yung ramen.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Jungkook?" Tanong nya ulit.

"Busan."

"Busan?!" Napatayo sya at nagtinginan ang mga tao sa amin.

"Hinaan mo ang boses mo."

Umupo ulit sya sa upuan nya.

"Busan? Bakit tayo pupunta dun?"

"May ipapakita ako sayo."

"Ano ba kasi yun?"

"Wag ka na magtanong. Kumain ka nalang."

Ngumuso sya at pinagpatuloy ang pagkain.

---

Nakarating na kami sa pupuntahan namin at nasa harap namin ngayon ang binili 'kong bahay dito sa Busan.

"Wow! Ang ganda. Kaninong bahay toh?" Sabi nya habang manghang mangha tinitignan ang buong bahay.

"Sa atin." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"B-Bahay natin?"

"Oo. Naisipan ko na bumili na ng bahay ngayon para wala na tayong iintindihin kundi ang kasal nalang natin. Kahit medyo mahal ay worth it naman dahil alam 'kong ikaw ang makakasama ko dito." Hinawakan ko ang kamay nya.

"Jungkook, seryoso ka ba? Hindi ba masyadong malaki ang bahay nato?" Hindi sya pakapaniwala dahil sa nakikita nya ngayon.

"Oo. Gusto ko na komportable ka at ang mga magiging anak natin dito."

"Hindi naman ako manganganak." Natatawang sabi nya.

"Magaampon tayo? Ilan ba gusto mong anak? Isa? Dalawa? Tatlo? O lima?"

"Lima? Masyado naman marami yun. Gusto ko tatlo lang." Nakangiti nyang sagot.

"Halika. Pasok tayo sa loob."

Tumango sya at pumasok kami sa loob ng bahay habang magkahawak ang kamay namin.

"Wow!"

Malaki ang sala at mayroon ding malaking kitchen. Mayroon apat na kwarto sa taas. Isa para sa amin dalawa at yung tatlo naman ay para sa mga aampunin namin. Pinakamalaki ang kwarto namin at mayroon rin walk in closet para sa amin dalawa. Mayroon ding tigiisang banyo bawat kwarto pati sa baba.

"Nagustuhan mo ba?"

"Sobra." Umiiyak na sagot nya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Wala. Masaya lang ako. Maraming salamat, Jungkook." Niyakap nya ako ng mahigpit at niyakap ko sya pabalik.

"Hindi mo kaylangan mag-thank you sa akin, okay? Ako ang dapat na mag-thank you sayo. Dahil sayo natuto akong magmahal. Pangako ko sayo na ikakasal tayo, mag-aampon ng anak at dito tayo titira. Tayo lang."

Hinalikan ko ang noo nya.

NOSTALGIA✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon