"Sino naman ipapakilala mo sa akin Marco"hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko ngayon dahilan na may ipapakilala siya sa akin at pero nakapagtataka lang talaga bakit ako lang yung sinama niya dito na ang lahat ng mga kaibigan namin nandoon kanina sa Nautica.
"Someone important"sabi ni Marco na nakangiti.Ngayon ko lang siya nakita ganito ka saya mukhang excited din siya tulad ko.
Siguro ang parents niya , bakit niya naman ipapakilala sa akin?Weird.
"Mukhang excited ka ha.."
Tumango siya sa akin habang nakakatutok parin ang pag mamaneho ng kaniyang sasakyan.Tinext ko si Ian na kinakabahan ako sa ipapakilala ni Marco hindi siya sumagot kaagad baka busy ng pagmamaneho pauwi.
"Marco bakit mo naisipang pakilala yang someone important mo sa akin?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko wala na akong magagawa diyan hindi naman kasi mahilig mag kwento si Marco huminga nalang ako ng malalim at tinitigan ang mga dinadaanan namin. Maya maya dumating kami sa isang cafe.
"Alia you deserve to know about this"sabi niyang nakangiti at hinawakan ang aking mga kamay. Lalo akong nanlamig sa ginawa ni Marco. I'm confused right now hindi ko alam ang mga pinagsasabi ni Marco.
"I said stop calling me Alia"I hate that name talaga!
Bumaba na kami sa kaniyang sasakyan at sabay kaming lumakad ni Marco hindi mapawi ang mga ngiti sa kaniyang labi lalo ako namangha sa gwapong mukha ni Marco, ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya.Siguro mahal na mahal niya talaga ang parents niya.Nauna pumasok si Marco sa akin sinundan ko naman siya patungo sa isang table.
Palapit na kami doon at may nakita akong babaeng ubod ng ganda nakayuko siya busy na binabasa ang makakapal na libro na parang nag rereview.Nagulat siya ng makita niya si Marco paparating sa kaniya.Magkakilala ba sila?
Gayon lang ang panghihina ko ng makita kung hinalikan ni Marco ang babae sa mga labi nito.Parang dinudurog ang aking puso sa mga nakikita ko ngayon.Huminga ako ng malalim and I let go all my feelings right now. Kailangan kung maging matatag ngayon. Sanay naman akong masaktan at balewalain ang mga nararamdaman ko.
I always suffered in silence..
Ngumiti ako ng napakapait habang palapit sa kahalikan ni Marco.Hindi ko pa naranasan noon ang ma saktan, gusto ko ng umuwi at umiyak buong magdamag.Gusto kung sampalin si Marco pero wala akong karapatan dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin.Ayaw kung mapahiya ngayon hindi ako pwedeng maging palpak sa harap nila.
Tama si Ian ako rin pala ang masasaktan sa huli..
"Vien meet Sophia Cadello my girlfriend"sabi ni Marco na nakangiti.
They don't have any idea how worthless I felt right now. Sana nanaginip lang ako ngayon...
Sophia smiled and hugged me automatically, bumitaw naman ito kaagad at umupo kami sa kaniyang table.Magkatabi sila ni Marco habang hawak hawak ang mga kamay nito.Wala akong magagawa kundi iinda ang sakit na nararamdaman ko.
Kailangan kung maging matatag ngayon...
"So Vien Alia Lim right? Naikwento ka kanina nina Benedict and Patricia sa akin."ngiti niyang sabi niya
"Yes hehe I'm a new student in La Montaña University"
"Nice meeting you Vien, alam kung ngayon lang sinabi sayo to ni Marco,I want our relationship private kasi.. diba babe?"
YOU ARE READING
Suffering in Silence
RomanceAn 18 year old girl named Nairi Zin Lim known as Dee is a bubbly,liberated, and a smart ass kid.From rags to riches Nairi transferred to a prestigious school which is the La Montaña University.Many of the students labrish her because of her identity...