[Shieka's POV]
"Wake up sweetheart"
"Mom 5 more minutes"
"No darling kanina pa naghihintay sayo si Khan."
"Ahhh!!! Gusto ko pang matulog" Angal ko.
"Sweetheart pwede namang matulog ka nalang ulit mamaya. Nakakahiya naman sa manililigaw mo kung paghihintayin mo pa siya ng isa pang oras."
Wala na naman na akong magagawa kaya bumangon na ako at inayos ang sarili ko.
"Good morning princess" Dad greet me.
"Good morning dad"
"Good morning Shieka. You look prettier today" Siya ang tinutukoy ni mommy.
Si Khan David Lozano. My long time suitor. Ilang taon na siyang nanliligaw sakin pero hindi ko pa din siya sinasagot. Ilang beses ko na rin siyang nireject pero ayaw niya talagang sumuko. Minsan naiinis na ako sakanya dahil hindi na makaporma saakin ang mga boys sa school kasi tinatakot niya.
"Bakit ang aga mo?" Mataray na tanong ko sakanya.
"Nabalitaan ko kasing nagpunta kang hospital kahapon kaya dinalaw kita agad. Ayos ka lang ba?" Lumapit siya sakin pero nagtago ako sa likod ni daddy.
"Princess hindi ka naman kakagatin ni Khan. Bakit kailangan mo pang magtago sa likod ko?" Natatawang tanong sakin ni daddy.
"Bakit kasi kailangan mo pang lumapit?! Pwede namang magtanong ka nalang!" Sigaw ko sa kanya. Pero nagtatago parin ako sa likuran ni daddy.
"Gusto ko lang namang icheck if oka.."
"Okay ako" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Umalis na ako sa likod ni daddy.
"Tapos ka na?" Mataray na tanong ko ulit sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.
"Okay! Matutulog na ulit ako.. Good morning ulit daddy!" Lumapit ako kay daddy at humalik sa kanya. Tumingin naman ako sa gawi ng bisita ko o mas tamang tawaging bwisita ko.
"Ikaw, umuwi ka na. Sinisira mo beauty rest ko.. Hmmppp" Tumalikod na ako sakanilang lahat at bumalik sa kwarto ko.
____
"Hi Shieka"
Tinignan ko ang taong bumati sakin. Oh my god self si Edgar!!!
"H-hi E-edar" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil namali ang sabi ko ng pangalan niya..
Edgar Allen Witz my long time crush. Kung meron akong long time suitor meron din akong long time crush.
"Pauwi ka na ba?" Sinabayan niya akong maglakad.
"Oo eh, kaso matatagalan pa daw yung driver namin."
"Edi haitd na kita" He winked at me....
Self kinindatan niya ako. Busy ako sa pag-intindi ng pagkakilig ko pero nagulat ako ng.
"Ako na magdadala nito" Tukoy niya sa bag ko.
Self kalma. Si crush lang yan. No big deal.
Pinaypayan ko ang sarili ko. Kung may salamin lang siguro ngayon kasing pula na ako ng lipstick ng best friend ko.
Nandito na ako ngayon nakaupo sa loob ng sasakyan niya. Kung saan saan na napupunta ang dalawa kong eyeballs. Ang bango ng sasakyan. Amoy Edgar talaga... Hmmmm...
Talandi mo self. Haha.. Sabi nga nila grab the opportunity minsan lang toh...
Beeepp!!!... Napakapit ako sa handle ng sasakyan. Bigla kasi siyang pumreno. Tinignan ko siya.
YOU ARE READING
SECRETUM LIBER
FantastikIn life we all have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love.