[Sylvie's POV]
Nakatanga lang ako dito sa salamin kanina pa. Hindi ko parin alam kung bakit ako dinala dito ng amo ko.
Pero hindi ko parin nakakalimutan yung bonding namin kahapon. Hindi pa pala siya nakakakain sa Jollibee.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang dress na suot ko ngayon.
Parang kahapon lang ay nakatingin ako sa magjowa na bumibili sa boutique na pinasukan namin kahapon.
Flashback....
"Honey gusto mo ba ito?" Tanong ng lalaki sa kasama niyang babae. Kanina pa ako dito nakatayo at nakikinig sa pinag-uusapan ng magjowa sa likod ko.
Nakatingin lang ako sa gawi ni Shieka. Hindi parin siya tapos sa pamimili ng dress.
"Cute pero hindi ko type." Rinig kong maarteng sagot ng babae sa lalaki.
Minuto ang lumipas at hindi ko na narinig na nag-uusap sila sa likod ko. Tinignan ko ang tinutukoy nilang dress. Ang cute nga pero bakit kaya hindi type ito ng babae?
Hinanap ko ang price ng dress pero nanlaki ang mata ko.
"20,000 pesos?!!!" Napaatras ako sa dress na iyon.
Hindi parin ako makapaniwala sa presyo ng dress. Kaya na nitong ipambili ng pang 3 buwang gamot ni nanay.
Napailing nalang ako at napatingin sa gawi ulit ni Shieka. Rich Kid... Hayy...
Present...
"Hindi pa din ako makapaniwalang suot ko ang dress na pwedeng pang 3 buwan ng gamot ni nanay.. Huuu!"
Kamusta na kaya sila nanay? 2 araw na akong walang komunikasyon sa kanila. Wala kasing sumasagot sa tawag ko. Nag-aalala na tuloy ako sakanila.
Napatingin ako sa gawi ng cellphone ko ng magvibrate ito.
'Baba ka na. Huwag mo kalimutang ngumiti ng malapad habang pababa ha... By the way happy birthday' text saakin ni Shieka, anak ng amo ko.
Nagtataka man ay napangiti ako. Mabuti pa siya naalala ang birthday ko. Sila nanay hindi ko matawagan. Wala din akong natanggap ni text man lang sa kanila.
"Siguro wala lang load" Kumbinsi ko sa sarili ko.
Tumayo na ako at bumaba. Peeo laking gulat ko ng makita ang pangalan ko.
'Sylvie Ann Netura'
May picture pa ko doon. Iyon ang profile picture ko sa Facebook.
Nilibot ko ang paningin ko. Napahikbi na ako ng makita ko sila nanay at ang mga kapatid ko. Nakatingin silang lahat saakin.
"Let's all welcome our debutant Ms. Sylvie Ann Netura" Natawa ako dahil kilala ko ang boses ng nagsalita.
Pwede ko palang maramdaman na maging malungkot at the same time ay maging masaya. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko habang nakangiti sa lahat ng tao ngayon sa bahay ng mga amo ko.
Nakita ko ang mga kaibigan ko. Mga pinsan ko sa side ni nanay. At yung mga malalapit na tao sa buhay ko. Tumingin ako sa gawi ni Shieka.
"Salamat" Yun lang ang nasabi ko.
Sobra akong nagpapasalamat sakanya. Ipinaranas niya saakin ang ganitong ka engrandeng selebrasyon na hindi ko inaakalang mangyayari sa tanang buhay ko.
Napakaswerte ko sa bagong kong naging amo. Akala ko noong una ay pareho lang sila sa mga naging amo ko na porket may pera ay itatrato ng basura ang mga kagaya naming mahihirap.

YOU ARE READING
SECRETUM LIBER
FantasyIn life we all have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love.