"Good morning sweetheart. Gising na baka malate ka sa school!" Binuksan na ni mommy ang kurtina kaya wala na akong nagawa kundi bumangon.
"Good morning mom" I gave her a hug bago tumakbo sa banyo.
Nang matapos sa ginagawa ko ay bumaba na ako para kumain ng almusal.
"Good morning dad!, Good morning mom!" Humalik ako sa pisngi nilang dalawa bago umupo.
"Why did you stop by the hospital yesterday? Is there something wrong baby?" Tanong sakin ni dad. Binaba na niya ang diyaryong binabasa niya at tinignan ako.
"I'm perfectly fine dad. May tinanong lang ako kay Doc Nick" Ngumiti ako sa kanilang dalawa para ipakitang okay na okay lang ako.
Ayokong nakikitang nag-aalala si dad at mom sakin. Hindi ko man sila tunay na magulang pero dapat na ituring ko silang parang tunay na magulang ko talaga.
Tumingin ako kay dad. Wala naman sigurong sinabi si Doc Nick kay dad about sa napag-usapan namin kahapon diba?.
Binilin ko kasi sakanya na huwag ng sabihin kay dad ang about doon. Siya na din naman ang nagsabi na walang dapat ipag-alala.
After naming mag breakfast ay hinatid na ako ni mom sa school. May importanteng business meeting kasi si dad kaya si mom nalang muna ang maghahatid sakin.
Napansin kong habang naglalakad ako ay hindi na ako pinag-uusapan ng mga edtudyante ng WV Academy. Hindi pareho kahapon na parang isa akong artista.
(Skltsh!!)
"Shieka!" Nilingon ko ang sumigaw saakin.
"Nanggaling ka daw ng hospital kahapon"
....
[Sylvie's POV]
"Kamusta na po siya?"
"She's still in coma" Malungkot na sagot saakin ni doc.
"Mga ilang weeks po ang possible na magising siya?"
"For now, stable naman na siya. We hope na by this week ay magising na ang pasyente" Nagpaalam na ito saakin dahil madami pa daw siyang titignan na pasyente.
Lumapit ako sa kama ni maam Shieka.
"Shieka gumising ka naman na oh. Hindi pa nga ako nakapag pasalamat sa iyo." Pinunasan ko ang mga luhang nag uunahan sa aking mga mata.
"Shieka, alam mo ikaw pa lang ang naging amo ko na mabait sa kanyang katulong." Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Hindi mo ako itinuring na basura. Na isang dukha. Kaya napakapalad ko at sa wakas nakahanap din ako ng amo na kagaya mo. Na hindi tumitingin sa aming mahihirap bilang isang basura bagkus ay isang napaka mahalagang bagay. Maraming salamat. Sa susunod, ililibre kita sa paborito mong kainan. Ang Jollibee. Pero dapat gumising ka na" Kinuha ko sa bag ko ang libro na nakita ko sa sahig nung gabing nakita ko siyang walang malay.
"Hindi ko alam kung ano ang meron sa librong ito. Pero dinala ko. Nalaman ko kasing kahit naka coma ka ay kaya mo paring makarinig ng mga bagay bagay."
Sinimulan ko itong buksan. Nagtataka ako sa librong ito dahil iba ang lenggwahe na nasa labas at iba din ang nasa loob nito.
[Shieka's POV]
Dahan dahan ko itong nilingon.
"Oo" Mahinang tugon ko.
"Bakit? Anong nangyari? May problema nanaman ba yang lintik na puso mong yan?!" Pasigaw niyang tanong.
Bakit ganon? Hindi ba siya concern sakin? Kaya siguro wala pa akong boyfriend. pshh.
"Wala naman" Gusto ko siyang sigawan pero hindi ako hinahayaan ng katawan kong gawin iyon.
YOU ARE READING
SECRETUM LIBER
FantasyIn life we all have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love.