Chapter 2

9 2 0
                                    

Days later...

"Dad" Tawag ko kay daddy.

Lumingon naman siya saakin. Nasa harap siya ng laptop niya. Nagtatrabaho nanaman.

"Yes princess?" Lumapit ako sakanya at yumakap.

"Dad gusto ko sanang ipabilang sa listahan ang pangalan ng nanay ni Sylvie" Nakatingin lang siya saakin. Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sakanya.

"May sakit po kasing brain tumor ang nanay niya at wala siyang sapat na pera para ipagamot ang nanay niya. Tapos may dalawa pa siyang kapatid at patay na daw po ang tatay niya." Paliwanag ko.

"Okay ka lang ba princess?" Tanong saakin ni dad kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Of course I'm okay!. Why?" Naguguluhan ako sa tanong saakin ni dad. Sinabi ko lang naman sakanya na gusto kong ipabilang niya sa listahan ang pangalan ng nanay ni Sylvie tapos tatanungin niya ako kung okay lang ako? Anong connect?.

"Hindi ka na galit kay Sylvie? Hindi ka na galit saakin?" Tanong sakin ulit ni dad.

"Noong una oo, para kasing pinabayaan niyo na po si mommy, parang wala na kayong pakealam sakanya. Atsaka wala naman ata akong karapatan na magalit kay Sylvie. Hindi naman niya kasalanan na kailangan niyang magsikap para lang mabilhan ng gamot ang nanay niya. At diba ito naman talaga ang gustong gawin ng organisasyon natin. Ang tumulong sa mga taong walang sapat na pera para makapag pagamot?"

"Okay sige, ililista ko ang pangalan niya. And about your mom," Napatingin akong bigla ng mabanggit ni dad si mom.

"Kumuha ako ng pwedeng mag iimbestiga ulit kung ano ba talaga ang totoong nangyari." Sa sobrang tuwa ko sa sinabi ni dad ay hindi ko napigilang yakapin siya ulit.

"Talaga po dad?!!" Tumango naman siya saakin. Hinigpitan ko lalo ang yakap ko sakanya sa sobrang saya ko.

"Pero princess," Tinignan ko siya.

"Ikaw kasi ang inaalala ko. Paano kapag totoo ang sinasabi ng aunt nana mo? Baka kung mapaano ka." Halata sa boses ni daddy na concern siya para saakin.

Huminga akong malalim at ngumiti sakanya. Ilang araw ko na itong pinag-isipan.

Kung gusto ko talagang mapatunayan na inosente si mommy kailangan kong ihanda ang sarili ko sa magiging resulta.

"Kaya ko po dad. Kakayanin namin nitong puso ko" Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib ko.. Kailangan kong kayanin.

"And by the way dad. Gusto ko po sanang magpa-party dito sa bahay sa 28" Paalam ko.

"Party? Why?"

"Sa 28 na po kasi ang birthday ni Sylvie. She will be turning 18 and I think every girls deserve to experience a wonderful debut"

"Did she agree?"

"Actually hindi ko pa nasasabi sakanya. I think susurpresahin ko nalang siya." Kinindatan ko si daddy at bumalik na sa kwarto ko.

Since nabalik na naman na saakin ang cellphone ko ay sinumulan ko ng tawagan ang mga malapit kong kaibigan.

"Napatawag ka?" Tanong saakin ni Cebby.

"I just want to invite you. May gaganapin kasing party dito sa bahay"

She's my best friend. Her name is Cebby Lynn Garcia. Never ko yata nakitang hindi bloody red ang bibig niya. I mean ang labi niya. She like it that way kaya hindi ko siya pinipigilan.

"Sissy are you okay?" Hindi ko man siya kaharap ay naiimagine ko na ang mukha niya.

"Yeah, so pupunta ka ba?"

SECRETUM LIBERWhere stories live. Discover now