"Welcome to the land of book world Shieka"
"S-sino ka?" Takot na tanong ko.
"Ako? Ako ang tagabantay ng librong ito. Ang Secretum Liber."
"H-ha? S-secre-tum L-liber?" Utal na saad ko.
"Oo, at pinalabas mo ako sa librong yun sa mahigit na 30 taon na pagkakakulong ko." Masayang kwento niya saakin. Nakita siguro niya ang takot sa mga mata ko.
"Huwag kang mag-alala hindi kita sasaktan" Ngumiti ito ng magiliw saakin.
"T-teka book world? Nasa mundo ako ng libro?!!?" Gulat na tanong ko. Tumango siya saakin bilang sagot.
"Pero hindi ako taga dito! Kaya ba hindi ko kilala ang mga tao dito? Pero bakit ganun parin ang pangalan ko? Bakit Shieka parin ang pangalan ko!" Naguguluhang tinignan ko siya sa kanyang mga mata.
"Hindi ka taga dito?" Gaya ko ay mukhang naguluhan din ito.
"Oo, hindi ako taga dito. Ang naaalala ko ay nakita ko ang librong sinasabi mo sa attic namin. Pagkatapos... Wala na akong maalala!" Naiiyak na ako.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka naman binibiro mo lang ako?! Baka naman nandito lang sila daddy at Sylvie!" Paninigurado ko dito.Umiling ito saakin. Sa pagkadismaya ko ay hindi ko na napigilan ang hagulgol ko.
Kaya ba hindi ko na nakikita si daddy? Tapos hindi ko kilala ang mga tao pero ako kilala nila? Tumakbo akong banyo para tignan ang mukha ko kung pati ba ito ay nagbago pero hindi, ganun parin ang mukha ko.
"Handa ka bang harapin ang buhay mo dito sa book world? Sa secret world?"
"Hindi! Gisingin mo ako! B-baka, baka nananaginip lang ako. Gigising na ako" Kumbinsi ko sa sarili ko. Kinurot ko ng sobrang lakas ang pisngi ko.
"Ouch!" Sigaw ko sa sobrang sakit. Tinignan ko ng masama ang lalaking naka color red ang buhok ng tumawa ito.
"Hindi ka nananaginip Shieka. Kung totoo nga ang sinasabi mong hindi ka dito nagmula sa secret world. Ibig sabihin hindi mo alam kung ano ang pangalan mo?"
"Of course alam ko ang pangalan ko"
"Sige nga! Ano ang pangalan mo?" Hamon niya sakin.
"Mister, my name is Shieka Vonn Pereze"
"Nah-ah-ah" May halong pa itong pag iling sa ulo.
"Your name miss, is Shieka Jinn Friesch"
"W-what? Pati pangalan ko nag-iba?" Tango lang ang sagot niya saakin.
"Zach Griffin Friesch is your father and Mellany Claud Friesch is your mother"
"Sila ang mga kasama mo sa bahay na ito."
"S-sila ang mga magulang ko?" Di makapaniwalang tumingin ako sakanya.
"Yes, gusto mo na rin bang makilala ang iba pa sa mga kasama mo dito sa secret world?"
"Bakit ko naman sila kailangang kilalanin?"
"Bakit nga ba sa tingin mo?"
"Sige, gusto ko silang makilala" Bakas sa boses ko ang pagsuko. Kailangan ko nga naman kasi silang makilala. Totoo ba to? Nasa book world ako?
"Xane Marie Schmitz, iyong frenny. Gyro Bethan McLeod, feeling vlogger, siya rin ang friend mong friend ng lahat sa school niyo."
"Teka, ano ang pangalan ng School namin?"
"Weds Vuevo Academy" Ipinakilala pa niya saakin ang iba pang kaklase ko. Maging ang mga guro ko.
Sa sobrang tagal naming magkausap ay hindi ko na namalayan ang oras.

YOU ARE READING
SECRETUM LIBER
FantasiIn life we all have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love.