Chapter 1

3 1 0
                                    

                   Valeen's POV

"Dad ayoko please, mom pigilan mo siya!" pagmamakaawa ko sa aking ina. Lumapit ito sa akin tsaka pinunas ang luha sa aking mga mata.

"matanda na ako Valeen! bilang na lang ang araw ko dito sa mundo kaya gusto kong makita kung sino ang lalaking pakakasalan mo!" galit na sigaw sa akin ni daddy.

Napaupo na lang ako sa sahig tsaka umiyak.

"Hayaan niyo naman po sana ako na pumili kung sino ang pakakasalan ko-"

"Huwag ng matigas ng ulo Valeen! Ayaw kitang saktan kaya kung ako sayo sumunod ka sa sasabihin ko! Pakakasalan mo si Erroze at yun ang masusunod!"

muling sigaw nito tsaka ako tuluyang iniwan.

"Anak" tawag sakin ni mommy tsaka ako inalalayang tumayo mula sa sahig.

"Mommy boyfriend ng kaibigan ko si Erroze. Siguradong magagalit sa akin si Jaya kapag nalaman niya to. Please mom! pigilan mo si dad"

Muli kong pagmamakaawa sa aking ina. Wala itong ibang ginawa kundi ang haplusin ang aking buhok habang yakap ako nito.

"Gustuhin ko man anak, wala akong magagawa. Desisyon ito ng daddy mo" sagot nito na mas lalong ikinakirot ng puso ko.

"Kakamuhian ako ni J-jaya" Hagulgol ko.

Matalik kong kaibigan si Jaya at ayoko na nang dahil sa kalokohang ito ay mawawala lahat ng pinagsamahan namin.

Apat na taon na sila ni Erroze, nasa ibang bansa lang si Jaya dahil sa pag-aaral niya. At ngayon, malalaman ko na lang na si Erroze ang mapapangasawa ko? na mismong kasintahan ng kaibigan ko?

malaking kagaguhan 'to!

Ni hindi manlang ako binigyan ng chance para pumili ng lalaking pakakasalan ko. Sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit pa ako?!

Nagkulong lang ako dito sa kwarto maghapon. Ayokong lumabas at mas lalong ayokong makita si daddy habang kausap ang daddy ni Erroze tungkol sa nalalapit naming kasal.

Gusto kong tumakas pero mahal ko si daddy. Lahat ng utos niya sinusunod ko. Maski kursong gusto ko isinantabi ko masunod lang ang gusto niya.

Pagiging guro ang gusto ko ngunit doctor ang gusto niya kaya kahit labag sa kalooban ko sinunod ko ito dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

Noong nag-aaral ako, siya parin ang nasunod sa university na papasukan ko and until now? siya parin masusunod sa lalaking pakakasalan ko!

Napaka unfair niya!

Nakakasama siya ng loob. Anak niya ako hindi alila na kung anong gustuhin niya ay yun dapat ang masusunod. Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang naaalala ko lahat ng masasayang moment namin ni Jaya mula bata kami hanggang sa nagkahiwalay kami dahil sa pag-aaral niya sa ibang bansa.

Paano na lang kami ng kaibigan ko?

Sa basurahan na lang ba pupulutin lahat ng pinagsamahan namin?!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now