Valeen's POV
NANDITO kami ngayon sa harap ng mall ngunit kasalukuyang nasa sasakyan pa. Unang bumaba si ate Minda at ate Anna na katulong ni Erroze, sumunod ang dalawang tauhan nito bago si Erroze. Sumunod naman si Renzo tsaka ako.
Bababa na sana ako ng ilahad ni Renzo ang kanyang kamay upang alalayan ako bumaba ng sasakyan. Ngumiti naman ako tsaka iniabot ang aking kamay at tsaka bumaba.
"tss" iritang usad ni Erroze tsaka naunang naglakad papasok ng mall.
"saan tayo?" tanong ni Renzo kay Erroze nang makarating kami dito sa loob.
"Kami lang ni Valeen hindi ka kasama" masungit na sagot nito. Kami lang dalawa? so bakit isinama niya pa mga katulong at tauhan niya kung kami lang dalawa?
Mas gusto ko pa ngang kasama si Renzo kesa sa mokong na ito! kala mo naman kung sino!
"Doc?" sulpot ng pamilyar na boses ng lalaki.
"Kamusta-wow ang ganda mo lalo sa simpleng suot mo" papuri ni Edwin sa akin. Doctor din yan eh, actually katrabaho ko.
"Thank you! ahmm okay lang naman ako" ngiting sagot ko.
"ah ganon ba, pinupuntahan kita sa office mo grabe hindi manlang kita naabutan. Ahmm free kaba tonight?"
"ehem"
"a-ahm busy ako eh, pasensiya kana. Marami pa akong dapat sikasuhin"
Palusot ko. Isa si doc Edwin sa mga masusugid kong manliligaw.
"Ehem!!"
"ganon ba?-mr Valdez?! n-nice to meet you po. Im Edwin Galanza-"
"wala akong pakialam, bitawan mo kamay ng asawa ko" Masungit na bulalas nito.
Agad naman nitong binitawan na maging akoy hindi ko alam na hawak pala nito.
"asawa?" halata ang lungkot at pagkagulat sa mukha nito.
"A-ah e-ehh... hehehe, b-biro niya lang yon doc. S-sige po mauuna na po kami" pag iwas ko.
mabilis kong hinila ang kamay ni Erroze tsaka nagtungo sa kung saan.
"Bakit mo naman sinabi yon sa kanya? nirerespeto ka ng tao kaya respetohin mo din"
Sermon ko sa kanya habang nakapamewang sa harapan nito.
"eh ako? nirerespeto mo din ba nararamdaman ko? asawa mo ako nakikipaglandian ka sa iba?! sa mismong harapan ko?!"
Iritang sagot nito tsaka ako iniwan. Nirerespeto nararamdaman niya? Nagseselos ba siya?
hinabol ko ito tsaka humarang sa harapan niya.
"Kahit na! hindi parin tama yung bastusin mo yung tao. Tsaka hindi pa tayo mag-asawa para ipaalam sa lahat na asawa moko dahil pinaplano ko pa lang kung paano lusutan ang pesteng kasal na 'to!" sumbat ko.
Kita ko ang pagtalim ng tingin nito at akmang magsasalita nang dumating si Renzo.
"Valeen!" tawag nito sa pangalan ko.
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceHindi ito PLAGIARISM guys. First account ko yung PRINCECUBILLAN na ginamit ko para i-published ito kaso nakalimutan ko yung password ko kaya diko na ma-open pa. Para naman hindi sayang efforts ko ay kinopya ko na lang mga stories ko doon at re-repub...