Chapter 6.

1 0 0
                                    

Valeen's POV

DUMAAN kami ni Renzo sa bahay upang mamasyal. Miss na miss ko na si daddy at mommy kaso hindi kami pumasok sa loob. Panigurado kasing magagalit nanaman si daddy dahil hindi si Erroze ang kasama ko.

Pinagmamasdan  ko na lang ang buong bahay mula dito sa labas. Nakita ko din si mommy na masayang kausap ang mga amiga nito. Base sa aura nito parang sobrang saya.

Masaya ba siya kahit ilang araw na niya akong hindi nakikita? Ni hindi manlang ako tinatawagan mula ng kay Erroze na ako umuuwi. trinay kong tawagan noon kaso hindi makontak.

"Hindi mo ba pupuntahan?" tanong ni Renzo Umiiling nalang ako habang malungkot.

"Bakit naman? okay lang, mag hihintay nalang ako dito sa kotse" usad nito.

"Papagalitan din naman ako kapag hindi si Erroze ang kasama ko kaya okay na yung ganito. Tara na, baka magalit nanaman si Erroze kapag wala nanaman ako sa bahay" sagot ko.

Tumango na lamang ito tsaka maingat na nagmaneho, nang makauwi kami ni Renzo. Agad itong lumabas ng pinto tsaka umikot at pinagbuksan ako ng pinto, hinawakan din nito ang kamay ko tsaka napatitig sa mga mata ko.

Nagandahan ako sa brown eyes nito kaya nakipag titigan na din ako. Agad umiwas si Renzo ng tingin sabay ngiti ng pagkatamis tamis. Napansin ko ang lalaking nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa amin.

Si Erroze na halos  hindi na kayang ipinta ang mukha sa galit . Matalim ang tingin nito sa amin at sa anumang oras pwede na kaming mapino sa talim ng titig nito.

"Tara?" Tawag sa akin ni Renzo tsaka ako sinabayan maglakad.

Nang magkatapat kami ni Erroze hindi ko ito kinibo tsaka ko ito nilagpasan. Rinig ko ang pag mura niya ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kwarto ni Erroze.

Pagkarating ko dito wala na ang mga gamit ko. Nagtaka ako kaya agad akong lumabas at nagtanong sa mga katulong.

"Maam  pinalinisan po ni sir Erroze ang kwarto sa tapat ng kwarto niya para daw po sa inyo. Nandoon na po lahat ng gamit mo maam" sagot nito. Gusto ko ito pero bakit nasasaktan ako? Nasaktan ako na pumayag siyang maghiwalay kami ng kwarto

Ito naman ang gusto ko pero bakit nasasaktan ako ng ganito. Pag pasok ko ng kwarto, namangha ako dahil gayang-gaya nito ang design ng kwarto ko sa bahay. Mga kurtinang tatak spongebob ganon na din ang bedsheet,pillows at blanket ko.

Ang makapal na carpet sa sahig na si patrik at spongebob ang nasa picture, ganun na din ang mga spongebob stuff toys. Maging ang wallpaper ng dingding spongebob din.

Sa saya ko ay agad akong napatakbo sa kama ko tsaka dumamba at niyakap ang unan ko. Napaka adik ko talaga sa spongebob kahit kailan.

"Nagustuhan mo ba?" biglang sabi ni Erroze sa pinto kaya napalingon ako sa kanya.

"Y-yeah thank you" sagot ko tsaka tumahimik.

Naglakad ito papasok tsaka nilock ang pinto at umupo sa sofa kung saan spongebob din ang tatak tsaka seryosong tumingin sa akin.

Hinayaan ko na lamang siya at hindi kinibo, inayos ko na lang ang gamit sa bag ko at tinanggal ang nagbalatan ko ng biscuit kaninang break time tsaka nilagay sa basurahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now