Valeen's POV"
Doc, may naghahanap po sa inyo sa baba" sulpot ng nurse
"Ha? Eh sino daw?" tanong ko tsaka inayos ang mga gamit at bag ko."Susundo daw po sa inyo doc" sagot nito tsaka umalis, tumayo na lang ako tsaka inayos ang sarili ko't nagtungo sa parking lot.
"Ma'am " tawag saakin ng hindi ko kilala. Napakunot na lamang ako ng noo nang mapansing saakin palapit.
"Ma'am Valeen?" tanong nito saakin, agad naman akong napatango habang nagtataka.
"Ma'am pinapasundo po kayo ni boss Erroze" usad nito na ikinataas ng kilay ko. napangisi nalang ako tsaka inirapan.
"May sundo ako, actually iyan na siya oh" asik ko sabay turo sa kotseng susundo sa akin.
"Eh ma'am malalagot po kami kami kay boss kapag hindi ka sumama" nag aalalang saad nito saakin.
Alam ko ang pag uugali ni Erroze, maiksi lamang ang pasensya nito at dimo gugustuhing magalit at para saakin ay wala akong pakialam. Kung gusto niya akong patayin go lang, huwag lang akong makasal sa kagaya niya.
"Kuya, paki sabi diyan sa boss mo wala akong pakialam" asik ko. Bigla naman sumulpot ang isang lalaki na mukhang kasamahan nito tsaka bumulong sa lalaking kausap ko.
"Manong tara na" anyaya ko sa driver ko nang bigla akong hawakan sa braso ng lalaking kausap ko kanina.
"Anong ginagawa mo? Nasasaktan ako!" nang hawakan ng dalawang lalaki ang magkabilaang braso ko.
"Ma'am pasensya na pero ito ang utos ni boss" usad ng lalaking may hawak sa braso ko.
"Nababaliw naba kayo?! ayokong sumama sabi eh! Bitawan niyo ako!" nagpumiglas ako pero masyado silang malakas kaya wala din akong nagawa nang tuluyan akong ipasok sa van.
"Alam mo doc, hindi ka naman namin sasaktan kaya kung ako sayo sumama kana dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ni boss sayo kapag nagalit yon" inirapan ko nalang ang driver na nag salita tsaka tumahimik.
Humanda talaga sa akin ang Erroze na yon pag dating ko doon! Akala niya matatakot ako sa kanya? Oh ano papatayin niya ako dahil hindi ako kikilabutan sa sa kanya? Edi go!Patayin niya ako!
Kaisa naman maging magulo ang nananahimik kong mundo dahil sa letseng kasal na yan! Mas gusto ko pang mamatay kaisa ang mawala ang nag iisang kaibigan ko.
"Nandito na tayo" driver
Agad kong inayos ang bag ko tsaka huminga ng malalim, kapag aawayin ko ito malamang huling araw ko na ito.
"Nasaan ang Erroze na yon, mag uusap kami!" asik ko tsaka lumabas ng van tsaka nagtungo sa kung saan ko unang nakita.
"Doc, daanan po iyan papunta sa mga matatapang na alagang aso ni boss". agad akong napatigil sa paglalakad at mabilis na bumalik sa kanila.
"Dapat kay boss ka natatakot doc, hindi sa aso" usad ng isang lalaki sa likuran ko habang naglalakad. Agad naman silang nagtawanan.

YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceHindi ito PLAGIARISM guys. First account ko yung PRINCECUBILLAN na ginamit ko para i-published ito kaso nakalimutan ko yung password ko kaya diko na ma-open pa. Para naman hindi sayang efforts ko ay kinopya ko na lang mga stories ko doon at re-repub...