Chapter 3

0 0 0
                                    

  Valeen's POV

"Mabuti naman doc at gising kana,ikaw lang ang hinihintay bago kumain" usad ng babae nang magising ako. Nakaupo ito sa may kama at sa akin nakatingin habang nakangiti.

Napatingin sa damit ko, teka bakit nakasando lang ako? Naka uniporme lang ako sa pag kakaalam ko. Agad akong napabangon at napaisip sino ang nagoalit ng damit ko?

"A-ahmm doc, sabi po kasi ni boss erroze na palitan namin ang damit mo.?  sabi ng katulong. Mabuti na lamang pala at sila ang nagpalit ng damit ko.

"okay lang ate. Anong oras na ba?" Tanong ko tsaka napahikab.

"9:23 na po maam" nabigla naman ako sa oras na sinabi nito. Alas otso pa lang ay nasa hospital na ako. Napabalikwas na lang ako tsaka nag mamadali na pumunta sa banyo ngunit napabalik din nang marealize na wala ako sa bahay.

"ate may gamit ba ako dito na pinadala nila daddy?" tanong ko.

"Naku maam wala po eh" sagot nito. Napasapo nalang ako sa ulo ko. Kung ano ba naman kasi ang naisip ng gagong erroze na yun bakit kailangan akong kidnapin ng wala akong damit na dinala. Kung sabagaya saan kaba naman makakakita ng kidnap na may dalang damit, oh eh basta yun na yon!

"Nasaan si erroze?" tanong ko.

"miss mo ako agad?" Sulpot ni erroze sa pinto tsaka lumapit sa akin. Yumuko naman ang katulong tsaka lumabas ng kwarto.

"Ang kapal ng mukha mo. Uuwi ako, nasa bahay lahat ng gamit ko. May trabaho pa ako."

"hindi ka papasok" singit nito sa sasabihin ko, Anong problema ng gagong to? Pati ba naman pag pasok ko sa trabaho siya masusunod? Pagkatapos ko maging sunodsunuran kay daddy susunod kay erroze ganon? Mas gustuhin ko nalang na mamatay!

"hindi pwede, papasok ako dahil madami pa akong-"

"Ang sabi ko dito ka lang!" galit na sigaw ni erroze. Bakas sa mukha nito ang pagkairita kaya napatahimik nalang ako sa takot na baka saktan ako.

"Hindi ka papasok ayokong isipin ni daddy na hinahayaan kitang magtrabaho, baka kasi hindi ko tuluyang makuha ang mana ko? malamig na sabi nito tsaka ako iniwan.

Mahalaga sa kanya ang mana, yung naglalawakang lupain at  naglalakihang sikat na kumpanya at hotel and resort? Yung nag lalakihang restaurant na sikat na sikat dito?

Lahat ng yun makukuha niya kapag ako ang napangasawa niya. Kaya ganyan na lamang siya kahigpit sa akin? Tangina!

"Maam kakain na po tayo" tawag ng katulong mula sa pinto.

"Kayo na lang kakain, hindi ako gutom" sagot ko tsaka humiga at umiyak.

Pumikit na lamang ako at dinama ang skit sa dibdib ko. Napasakim niya sa mana. Napatingin na lang ako sa cellphone ko nang mag ring ito, si Jaya.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi, paano kung nalaman na niya ang totoo? Paano kung sumbatan niya ako? Sabihan ng masasakit na salita? Magagalit sa akin at kakalimutan ako?

"hindi mo ba sasagutin?" Biglang sulpot ni Renzo papasok sa kwarto dala ang pagkain.

Agad naman akong napapunas luha tsaka umupo.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now