Valeen's P0V
NANDITO na ako sa kwarto nang magising ako, hindi ko manlang namalayang nakatulog pala ako habang nasa byahe. Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa may gilid habang abala sa laptop nito.
Bumangon ako tsaka isinuot ang tsinelas ko at naglakad palapit sa pinto bigla akong nauhaw kaya kukuha sana ako ng tubig nang makitang napakadilim at patay lahat ng ilaw sa buong bahay maliban na lang siguro sa kwarto namin ni Erroze.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Erroze ng hindi nakatingin sa akin. Muli akong sumilip sa labas ng pinto ng kwarto namin, madilim talaga. Bakit ba kasi sarado ang ilaw?
Napakahilig talaga ni Erroze sa madilim, kasing dilim ng pag uugali niya. Bata pa lamang ako ay takot na ako sa madilim at mas lalo na ngayon na ni isang kislap ng ilaw wala kang maaninag sa sobramg dilim ng bahay.
"Nauuhaw kasi ako, kaso madilim. P-pwede bang pasama?" Nag aalangang tanong ko. Hindi ko lasi alam kung papayag. Eh kasi naman bakit ba kailangan madilim?
"Okay" saad nito tsaka naglakad patungo sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko at inalalayan palabas ng kwarto.
Napaka weird dahil sa pagdikit ng aming kamay ay isng malakas na kuryente ang aking naramdaman kaya't mabilis ko itong binawi.
"Bakit?" hindi ko nakikita ang mukha ngunit alam kong nagtataka ito.
"W-wala naman. Pwede bang pakibukas nalang ang ilaw? Nang may makita naman ako?" tanong ko.
"Hindi kaba nakakakita sa dilim?" tanong nito.
"H-hindi eh" sagot ko. Bigla na lamang natahimik at tanging yapak lang nito ang naririnig ko ng biglang bumukas ang ilaw. Hayy sa wakas.
"Pwede kanang bumalik sa kwarto, ok na amo dito. Thank you" usad ko pero hinawakan niya ang sa kamay at hinila papuntang kusina tsaka siya dumiretso sa ref at kumuha ng tubig sabay inabot sa akin.
" Thank you" sabi ko sbay kuha ng baso tsaka ito ininom. Nang maubos ko ang lan ng baso,inabot niya din ito tsaka nilagay sa lababo sabay akbay saakin at bumalik sa kwarto.
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko nang bumalik ito sa laptop.
"Mamaya na" tanging sagot nito.
Napatingin naman ako sa oras sa cellphone ko 2:37 am na pala. hindi pa siya tulog?
"Madaling araw na, hindi ka paba inaantok?" tanong ko pero hindi na ito nagsalita.
"S-sige, sunod ka nalang" sabi ko tsaka humiga at tumalikod sa kanya, ilang sandali nang maramdaman kong humiga ito tsaka isiniksik ang braso sa pagitan ng bewang at braso ko tsaka ako niyakap mula sa likod.
Napadilat ako ng mata nang maramdaman ito. Bakit ba siya ganyan sa akin? Ginagawa niya ba ito dahil sa gusto niya na matuloy ang kasal namin? Dahil sa mamanahin niya.
Nasasaktan ako eh. Mas okay pa sa akin yung cold siya, yung masungit siya, palaging galit kaysa yung ngayon na ako mismo ay gusto siyang yakapin pabalik.
Ayoko ng lambing mo Erroze, ayoko dahil maski ako hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko kayang pigilan ang unti-unting pagkahulog ko sayo.

YOU ARE READING
Unexpected Love
RomansHindi ito PLAGIARISM guys. First account ko yung PRINCECUBILLAN na ginamit ko para i-published ito kaso nakalimutan ko yung password ko kaya diko na ma-open pa. Para naman hindi sayang efforts ko ay kinopya ko na lang mga stories ko doon at re-repub...