Bawal. Hindi ka pupunta!"
"Pero,Mama! Anong gusto mong gawin ko? Magkulong habang buhay?!"
This is unbearable. I've been locked up in this house since I was a child.
"Bawal!"
"NAKAKAINIS NA!" Sigaw ko.
I walked out.
This is not fair. My bestfriend's birthday only happens once a year and I'm not going! This is unbelievable.
"SANA WALA NANG MAGBAWAL SAKIN!" Sinigaw ko lahat ng galit ko.
Umupo ako sa upuang kaharap ko. I'm in a park near us.
I saw my little sister running towards me. Oh look, she doesn't trust me to the point that she has to make my sister follow me.
"Alam ko yang iniisip mo, Ate. Hindi ako pinapunta ni Mama dito." Sabi nya at umupo sa tabi ko.
"Alam mo minsan gusto ko nalang s'yang mawala." Pag amin ko.
"I just feel so locked up."
"Ikaw? Hindi ka ba nasasakal sa paghihigpit niya?" Tanong ko sa kapatid ko. Siguradong maiintindihan n'ya ako dahil mas bata lang s'ya sa'kin ng isang taon.
"Naiintindihan ko naman sila." Mas mature pa s'yang mag isip sa'kin. Sinubukan ko rin naman silang intindihin 'di ko lang talaga matangap lalo na't nakikita ko ang mga kaklase kong malayang nakakagawa ng mga gusto nila.
"Ate, alam mo yan ang problema sa'yo, 'di mo makontrol yang bibig mo pag galit."
Hinampas ko s'ya nang mahina. "Hindi kaya!"
Gumanti rin naman s'ya ng hampas ngunit napalakas ng kaunti ang pag hampas n'ya kaya tumama ang likod ko sa puno. "Sorry,Ate." Tumingin sya sa puno at humingi ng tawad."Teka? Ba't ka nag sorry sa puno?" Kumakausap na ba s'ya ng puno ngayon?
"Hindi 'yan basta bastang puno kapag humiling ka daw d'yan matutupad ang hiniling mo."
"Sus! 15 ka na tas nagpapaniwala ka pa sa mga ganyan."
Pero paano nga kung nakakatupad ito ng mga kahilingan?
"Malay mo naman, subukan mo kayang humiling baka magkatotoo."
"Halika na nga bumalik na tayo sa bahay." Tumayo na kami sa pinagupoan namin at nagsimulang maglakad
Ngunit bago tuluyang makalayo nilingon ko ang puno at humiling.
"Gusto kong maging malaya."
Monday
"Ma, p'wede bang umuwi ako ng 6:00 pm ngayon? May celebration kasi si Zoe dahil nanalo s'ya sa Quizbee. "Bakit pa ba ako nagtanong alam ko namang 'di n'ya ko ako papayagan.
"Sige."
Tama ba yung pagkarinig ko? "Sige" ba talaga ang sinabi n'ya?
"Talaga po?"
Tumango sya saakin.
Totoo nga,pumayag s'ya. Himala.
Tuesday
Mama, inaya po ako ng mga classmate ko sa isang sleep over. P'wede po bang sumama ako?
"Basta huwag kang magulo ha?"
"Pinapayagan n'yo po ba ako?"
"Oo. Payag ako."
"Tulungan pa kitang magimpake."
Ano kayang nakain nito at ganto ang kinikilos n'ya.
Wednesday
Si mama ba talaga tong kausap ko?
I just asked her if I could put makeup on and curl my hair.
She agreed.
Madalas sasabihin nya "Di bagay sayo ang makeup lalo kang pumapangit."
Weird.
Thursday
Di ko alam kung paano ko sasabihin kay mama na 79 ang grade ko sa Math.
Baka mapatay nya ko!
Naalala ko yung nangyari 3 years ago 1 week ako hindi pinayagan magcellphone dahil bumaba ng 3 points ang avarage ko.
"Ma, k-kase,a-ano po.."
"Ano ba 'yon at natataranta ka?"
"Kase po...."
"7-79 lang po ako sa Math..." Inabot ko sa kanya ang report card ko.
Nagbago ang expression ng mukha nya.
I'm so dead.
"Sus! Yun lang pala. Ok lang yan bawi ka nalang next grading."
Huh? What?
Friday
"Ano ba ang problema at nakasimangot ka d'yan?"
"Ma..naaalala n'yo po ba yung Writing contest?"
"Oo, yung sinabi mo last month?"
"2nd lang po ako.."
"Lang?? Dapat proud kang 2nd ka, andami mong kalaban pero 2nd ka. That's something to be proud of."
Nagbago na nga si Mama. Siguro she changed for the better.
-
Tinawagan ko si mama balak ko s'yang itreat dahil lagi n'ya na akong pinapayagan.Balak ko s'yang dalhin sa isang restaurant.
Narinig kong ang ring ng cellphone ni Mama sa kwarto ng nakakabatang kapatid ko. Baka naiwan nya sa kwarto ni Abby.
Kapit ni Abby ang telephono ni mama na nagriring. "Oh, Abby, ba't mo hawak ang cellphone ni mama? Asan s'ya? Treat ko sana s'ya sa restaurant dahil angbait nya na sa'kin. Gumana nga yung paghiling sa puno."
Tinitigan n'ya ko, napakahabang titig.
"Ba't ka ganyan makatitig?"
"A-Ate... si Mama patay na....
last week pa...."
"N-nung gabing nagaway kayo n-narinig ko yung sigaw mo habang sinusundan kita......"
A realization hit me.
"SANA WALA NANG MAGBAWAL SAKIN!"
Sigaw ko sa harap ng puno na sinasabing nakakatupad ng kahilingan.
"A-ate pinatay mo s'ya."
YOU ARE READING
My Imaginations: A collection of one shot stories
De TodoDiverse stories collected in a book.