Hide and Seek

43 9 0
                                    

"Balik na 'kong dorm ha?" Saad ni Cheska at nagsimulang magayos ng kanyang gamit.

"Uuwi ka na agad?" Tanong naman ni Mark sa kanya.

Napataas naman ang kilay ni Cheska. "Kayo di pa ba kayo uuwi? 6:30 na, magsisimula na ang curfew hours." Tinignan n'ya kaming lahat.

"Maglaro muna tayo." Tugon ni Mark.

"Anong laro?" Tanong naman ni Kyle na binitawan ang kanyang inaayos na bag.

"Hide and Seek."

"Jusko, mahuli pa tayo ng guards." Reklamo ni Sally.

"Tsk. Duwag ka lang." Sagot naman ni Mark. Pinaka ayaw ni Sally ang matawag na duwag.

"Anong sabi mo?!"

"Guys, tama na." Awat naman ni Cheska. "Pagkatapos maglaro makakauwi na ba kami?"

"Pag 'di ka nahanap ng taya sa loob ng 30 minutes, makakauwi ka na."

"Game!" Sabay sabay na tugon nila Kyle,Cheska at Sally.

"Ikaw, Angela?" Lahat sila ay naghihintay sa sagot ko kaya wala akong nagawa kung hindi sumama nalang.

Lumabas na kami sa Gym kung saan nagpractice kami kanina.

"Ang maiba, ang taya." Nagsimula na kaming maglaro upang malaman kung sino ang taya. Matapos ang ilang ulit ako lamang ang nakataas ang palad kaya ako ang naging taya.

Nagset na kami ng timer na 30 minutes sa aming cellphone at pinatalikod nila ako sa pader at nagsimula na silang magtago.

15....

14....

13....

Ang lamig, grabe.

Wait? What number am I at? Gosh, I have such a bad memory.
Nagsimula nalang ako magbilang sa 10.

9...

8...

Natapos ang aking pagbibilang at nagsimula nang maghanap. Una kong pinuntahan ang lumang restroom na ginawang bodega dahil malamang may nagtago dun dahil malayo layo yun.

Pumasok ako at dahil medyo madilim dun kaya binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko.

Nakarinig ako nang isang kaluskos. Sinasabi na nga ba may magtatago rito.

"Nahuli ka na, lumabas ka na d'yan. Balik na sa Gym." Nagsimula na 'kong lumabas ng bodega ng school at naghanap ng iba pa.

1 down.

Nagsimula na muli akong maghanap. Nagpunta ako sa library ngunit walang tao dun. Pumunta rin ako ng cafeteria pero walang tao dun.

Napunta ako sa hallway na may mga lockers at pinuntahan ang dulo nun.

"Bulaga." Nandoon si Kyle, nakasiksik sa dulo ng lockers

"Huli ka na Kyle, bumalik ka na sa Gym."

Sumimamgot naman si Kyle at lumabas sa pinagtataguan n'ya.

2 down.

"Ang bilis ko namang nahuli, ang sikip kaya dun." Nagsimula na kong maglakad palayo pero sumunod s'ya.

"Oh. Ba't ka nakasunod?"

"Sasabihin ko sayo kung nasaan si Cheska."

At sinabi n'ya nga kung asan si Cheska at natagpuan nga doon si Cheska.

3 down.

Nakaisip kami ng pwedeng pagtaguan ni Mark dahil member s'ya ng Science Club,baka nandoon s'ya.

Dahil clear doors and windows ang Science Club agad naming nakita si Mark sa ilalim ng lames

"Shh. Gulatin mo s'ya, sa likod ka dumaan." Bulong ni Kyle saakin at ginawa ko naman.

Nasa likod ako nang lamesa at binulongan ko ang tenga ni Mark.

"Sino yang kasama mo?"

Napabalikwas naman si Mark at lumagapak naman nang tawa sila Cheska at Kyle.

"Sira ka talaga Kyle." Saad ni Cheska habang tawang tawa pa rin sa reaksyon ni Mark.

"Tsk. Tumigil na nga kayo sa pagtawa. Hanapin na natin si Sally."

4 down.

Naglakad kami sa 2nd floor at nakakita kami ng bukas na classroom.

"Diba dapat nakasara 'yan?" Naglakad si Mark upang isara ang pinto nang may biglang lumabas dun.



"AHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Mark at tumakbo. Tumigil lamang s'ya sa pagtakbo nang marinig ang tawa ni Sally.

"Sige, sino ngayon ang duwag? HAHAHAHAHAH." Tawang tawa pa rin si Sally.

Sumimangot nalang si Mark.

5 down.

Nagpanick kami nang may flashlight na tumapat sa'min.

"Hoy! Curfew na, anong ginagawa n'yong lima rito?" Tanong ng guard.

5?

Ngunit 5 ang nahanap ko plus me, equals 6.

"Guys, sino ulit sa inyo ang nagtago sa bodega?"

"Bodega? Sa classroom ako." Sabi ni Sally.

"Ako sa dulo nang corridor tas si Cheska sa Art Club."

"Nagpunta ka sa bodega? Sa Science club ako."

Sino yung bababeng nakita ko?

Sino ang babae sa bodega?

My Imaginations: A collection of one shot storiesWhere stories live. Discover now