Chapter 1On Checkpoint
< SHIANA >
"Wrapped up! Good job, girls!"
Napapalakpak ang music director nang matapos ang recording session namin. We're recording a short music clip for the commercial of DC new model na kami ang piniling mag-endorce.
"Be early in the station for the dance practice. Minamadali na ng DC Tech Company ang taping ng commercial. Kailangan pagdating ko rito, diretsong ensayo na agad. Understood?"
"Yes, Sir!"
Umalis kami sa recording room. Tuwang-tuwa sina Hara habang pinupuri si Irah. Ito kasi ang nagcompose ng short song.
"Maganda talaga 'yong lyrics, Rah! Bongga! Tingin ko magugustuhan ni Ms. Dela Cerna ang lyrics para sa DC model na ila-launch ng kompanya niya!" si Hara.
"Mas gusto ko 'yong tono. Ang harmonic! Kudos to Venn, huh?" si Irah.
Humalakhak si Venn. "Sa harmony lang din naman ako magaling,"
"Ako nga sa sayaw lang nag-eexcel! Si Irah sa pagco-compose rin. 'Buti pa 'tong si Shiana, magaling sa lahat!" Tumawa pa si Hara.
Tumango ako. Mayabang pa lang akong nagpagpag sa kwelyo ko ay nagtawanan na sila. "Ako lang 'yan, Hara. Ako lang."
They laughed harder. Natawa rin ako kasi hindi naman totoong magaling ako at alam nila 'yon.
I know how to sing, compose and dance pero hindi ganoon kagaling. Sakto lang para makapasa sa buwis-buhay na training. The only thing that I knew I excelled is the acting. Hindi pa nga rin ganoon kahusay dahil wala naman kaming training para roon.
Ang focus sa training namin ay ang paggawa ng kanta at pagsayaw. We were trained so hard for that kaya nahahasa rin ako kahit papaano.
I can sing but not as good as Venn.
I can dance but not as synchronize as Hara.
I can compose but not as good-handed as Irah.
Hindi ako ganoon kagaling pero marunong naman ako. Siguro dahil hindi ko rin talaga binalak na pumasok sa Show Business noon. I just pursue this career for one reason... for someone else.
And gladly, sa kabila ng struggles ko sa ilang taong training, nakapasok naman ako.
Parang ang dinala ko lang talaga sa grupong ito ay ang pagiging face of the group. I was being entitled by that because everyone says I'm the most loveliest among the members.
"Ano? Let's celebrate? Chicken and beer!" sabay taas ko pa ng kamay.
They laughed and agree cheerfully with me.
"Kahit ngayong gabi lang! Dahil bukas, gagawa na naman tayo ng cheoro para sa short dance action ng DC! Ano? Game kayo, Irah? Venn?" ani Hara.
"Sure!"
I smiled. "On the other hand, kayo na lang muna, ah? I have a dinner with my family tonight."
"What? Ano ba naman 'yan, Shan! Ikaw ang nagyaya tapos ikaw pala ang hindi dadalo?" reklamo agad ni Hara.
"Hindi ka pupunta?" si Venn.
I smiled and shook my head. "Sorry..."
"Tapos nagyaya ka? Abangan nga natin 'to sa labas!" si Vera.
"Tapos itumba natin! Madali lang hatakin ang buhok nito kasi kulot. Ano, Irah? Game? Ikaw hihila tapos kami ang sasambunot."
Sinimangutan ko sila. Irah only chuckled.

BINABASA MO ANG
Rains of Sparks (Celebrity Series #4)
RomanceSpark, even when only twinkles, is still a light. Iyan ang pinaniniwalaan ni Shiana Erry sa pag-asang magkikita silang muli ng kanyang childhood first love. That no matter how little the chance they'll see each other again, like the only sparks came...