Lumipas ang mga araw na palaging nag nonotif iyong Red purple.E di ko na rin naman inabalang kilalanin siya dahil kahit istalk ko siya e wala din naman akong nasasagap na impormasyon sa timeline nya! Hindi rin jeje iyong timeline niya ha in all fairness.
"Tara na bilis.Start na" excited na aya samin ni Cherry.
Andito kami ngayon sa bahay nila Cherry.Nag aaya kasi sila mag movie marathon.Gusto daw nilang masulit ang mga natitirang araw na bakasyon kasi for sure madalang na naman naming gawin to dahil ang rinig nakin e busy daw sa Senior High School dahil way daw ito to preparw you to college.
"Kuha lang ako snacks habang wala pa" si Cherry.
Kakasimula lang ng palabas.English parang romance or something sabi e nakakaiyak daw to.Si Ash nag suggest nito nakita niya daw eto sa facebook may nagpost na friend niya.
"Ghorl alam mo ba, madami raw pala pogi sa school na yun? " - pagdadaldal nito ni Ash sa akin habang inaayos ko iyong throw pillow sa hita ko.
"Tapos?"
walang ganang sagot ko" Wala lang share ko lang!"
-aniya"Nakaka inspire siguro mag aral dun hehe "
Maradami pa siyang sinasabi kaya hinayaan ko na lamang siyang magkwento ng magkwento.Sa sobrang daldal nun e akala mo wala ka nang lugar para sumagot sa sinasabiy niya kaya mananahimik ka nalang talaga.
At isa pa hindi naman kasi ako interesado sa pogi pogi.Basta ang akin lang e matinong lalaki yan.Kesa naman sa pogi tapos lolokohin ka lang sa huli diba? Mostly ganun e mga bilib na bilib sa sarili tapos manloloko naman amp.
Maya maya lang rin ay dumating na si Cherry dala ang mga chips na kinuha niya.Syempre tumigil na din kakadaldal si Ash dahil ayaw ni Cherry na may madaldal kapag nagmomovie marathon kami.Gusto niya iyong naka focus kami sa pinapanood na akala mo e magkakaroon kami ng quiz after the movie.
*bzzzt * bzzzzt*
Purple Red commented on your post
Eto na naman siya! Araw-araw may notif iyong facebook ko galing kay Purple Red.
Binuksan ko iyong notif about sa comment niya at "wow" lang iyong sinabi doon.Yung post pala na yun e sunset from the rooftop.Maganda naman talaga yung view.Nakaka inlove
"Tama na cellphone sis" pagsusuway sakin ni Cherry.
Napa focus nalang ako sa pinapanood namin kaya nilagay ko muna sa gilid iyong cellphone ko.I was just wondering kung magkakilala kami nito ni Purple Red or kung hindi man saan niya nakuha iyong pangalan ko?
2 Hours din iyong pinanood namin.Iyak ng iyak si Cherry sa palabas at talaga namang nakakaiyak! kahit ako nga ay naiyak din pero mas malala iyong iyak ni Cherry.
Isipin mo yun 7years sila pero pinagpalit siya doon sa 3months niya lang nakilala.Pero hindi iyon yung nakakaiyak na part hihi. Share ko lang bakit ba.
"Akala ko pa naman di na niya itutuloy! " pagrereklamo ni Cherry.Tinutukoy iyong nangyare sa movie na pinanood namin.
"Anukaba ghorl move on na.Palabas lang yan " si Ash
Kapag talaga maganda iyong movie nadadala din yung emosyon mo.Lalo eto si Cherry akala mo kasama siya sa movie makapag emote.Hindi naman na bago sa amin iyong ganyang reaksiyon ni Cherry after movie marathon.Nakakatawa nga yan e iba iba ang emosyong pinapakita.Pwede na mag artista choss.
YOU ARE READING
Perfect Paradise
Ficção AdolescenteWhen two people feels something special towards each other.They feel like it's the best part having them in your life.Having you beside your only love feels like a Perfect paradise