KABANATA 1

380 8 3
                                    

Blythe's POV

"Chin, ano okay na ba mga gamit mo?" tanong ko sa kaniya nung pagkasakay niya kaagad sa sasakyan.

"Okay na, Blythe" ngiti nito sa akin kaya umayos na ako ng upo sa van. 10 mins lang yung biyahe papuntang school.

"Teka lang," pigil ni Chin sa akin nung pababa na sana ako. Hindi maipaliwanag yung mukha niya na 'tila ba natatakot.

"Come on, Chin. I'm here, huwag kang matakot. I always got your back!" ngiti ko sa kaniya tsaka siya hinawakan sa mukha.

"Let's go baka malate na tayo" aya ko sa kaniya kaya bumaba na kami. Sinwipe namin yung ID namin doon bago pumasok.

"Mas malawak yata dito kaysa sa SCA" sambit niya tsaka ko naman nilibot ang mga paningin ko.

"Yeah, pero mas maganda pa rin sa SCA" I pout kaya natawa si Chin sa akin.

"Weh? Ayaw mo lang iwanan si Nathaniel doon eh" tukso niya kaya tumawa ako at nilagay sa likod yung buhok ko.

"Wow, Chin ah! Hahahaha" sa tawa niya ako natawa na mala-witch kaya napapailing akong natatawa.

"Tara na nga" aya niya kaya nag-umpisa na kaming naglakad para hanapin yung room namin.

"Sa sobrang lawak nito mukhang malalate tayo sa first period natin, Blythe" pagod na kaming dalawa sa kakahanap ng room namin.

"Sabi kasi nila 11- Victorious yung section nating dalawa. Eh Grade 7 rooms palang 'tong nahanap natin" maktol ko sa kaniya nung huminto kami malapit sa hagdan.

"Pagod na ako, Blythe" reklamo niya na nanguso pa kaya luminga-linga ako sa paligid. Sumabay pa ang init ng araw.

"Excuse me, get out of my way" parehas kaming napalingon sa likod namin ni Chin. Tatlong babae na nakataas ang kilay sa amin ni Chin.

"Ang laki-laki ng daan oh, eh di dumaan ka" singhal ko sa babaeng nasa gitna. Ngayon naman tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"I said get out of my way!" pasigaw nitong sambit tsaka ako tinulak na mahina dahilan upang maipagilid ako.

"What the!" "Blythe!" sigaw ni Chin tsaka ako inalalayan.

Dire-diretsong naglakad yung tatlong babae at umakyat na. Hahabulin ko sana sila kaso pinigilan ako ni Chin.

"Tarantado 'yun ah! Makakabawi rin ako sa babaeng yun" naiinis kong sambit habang inaayos yung uniform ko.

Nagpatuloy na lang kami na hanapin yung section namin. Nasa third floor pala, salamat na lang at may aircon 'tong room namin.

"Goodmorning, Class! So I'm Ms. Sigrid Hale, your adviser and your English Teacher" pagpapakilala nila kaya tumango-tango kami.

"Kilala ko na yung iba sa inyo maliban kina Ms. Gorostiza and Ms. Diaz" nagkatinginan naman kami ni Chin.

"Mauna ka," she mouthed kaya kumunot noo ko. Bakit ako, Chin?

"So kindly introduce yourself. Start with Ms. Goroztiza" dahan-dahan naman akong napatayo dahil doon.

"Hi..."

"I am Anndrew Blythe Daguio Goroztiza, but you can call me Andrea or Blythe, 16 years old, from SCA. Nice to meet you all" ngiti ko sa kanilang lahat.

"Nice name" tatango-tangong sambit ni Ms. Hale. Sumunod naman si Chin.

"I am Francine Carrel Saenz Diaz, my friends usually call me Chin or Chinny. 16 years old from SCA also"

"Gaganda ng name niyo. Well, welcome to Gospel of Christ Academy" ngiti nila kaya ngumit kaming dalawa ni Chin at sinabing 'thank you'

Babanggitin na sana ni Ms. Hale yung babae sa harapan ko kaso biglang bumukas yung pinto. Nakasara aircon kasi.

FATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon