Kabanata 7

159 6 1
                                    

Ceng's POV

"Ano nang oras hah?! Maga-ala saes na ah, bakit ngayon ka lang?" bungad sa akin ni Tita pagtapak ko palang sa bahay.

"Overtime po kasi ang school, Ti— Aray" sambit ko nung kunin nila ako sa taenga at kinaladkad papuntang kusina.

"Masakit po, Tita" sambit ko habang paiyak na. Binitawan nila ako kaya hinawakan ko ang masakit na parteng yun.

"Maglinis ka dito. Magluto ka, tsaka hugasan mo ang mga plato. Wala ka na ngang ambag dito eh, tapos ganitong oras ka pa darating ng bahay?! Aba, senyorita!" paninigaw nila kaya tumango-tango na lang ako.

Nilapag ko naman ang bag ko sa lamesa at nag-umpisa nang linisin ang kusina. Ang daming kalat, yung mga plato sigurado akong kaninang tanghali pa 'to.

"Ate Ceng..." boses ni Ellie yun, anak ni Tita na babae. Siya lang yata yung kaclose at kakampi ko sa bahay na 'to.

"Oh, Elli?" nginitian ko siya tsaka ako nagpunas ng kamay dahil basa iyun. Lumapit naman ako sa kaniya at ngitian siya.

"Okay ka lang po? Nakita ko kasi yung ginawa sayo ni Mama" tanong niya kaya pinigilan kong tumulo ang luha ko tsaka tumango tango.

"Okay lang ako, Ellie. Huwag mo na akong alalahanin, ganun talaga si Mama mo sa akin pero mabait yun" kitang-kita ko sa mata niya ang pang-aalala sa mukha niya.

"Huwag ka po mag-alala sasabihin ko po kay Mama na huwag ka nang saktan" hinawakan ko siya sa ulo

"Huwag na, Ellie. Okay lang naman ako, Okay lang si Ate Ceng" ngiti ko kaya niyakap niya na lang ako.

Sinabay ko sa panghuhugas ng plato ang pagsasaing. Nagvibrate naman cellphone ko kaya tinignan ko.

Anndrew Blythe sents you a friend request.

"Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan? Sabi daw ni Mama, igawa mo 'tong ulam" si Ate Val na anak rin ni Tita. Babaeng akala mo'y prinsesa.

"Sige" tanging sagot ko tsaka na hiniwa yung ampalaya.

Pagkatapos kong gawin lahat yun ay lumabas ako at tinawag na sila para kumain. Ako naman nagbihis na muna dahil naka-uniporme pa ako.

"Tita, nasaan po yung ulam ko?" tanong ko sa kanila. Tapos na yata silang lahat kumain, ayoko namang sumabay sa kanila.

"Kung may nakita ka diyan, edi meron. Kung wala, edi malas mo" sagot nila kaya tumango ako.

Tinignan ko yung kawali na pinaglutuan ko kanina kaso wala na. Binuksan ko rin yung pantakip sa gitna ng lamesa kaso wala rin.

"Yawa," tanging sambit ko kaya nagsandok na lang ako ng kanin ko at kumuha ng alamang para iulam.

Ilang beses na akong umiyak noon sa ganitong trato nila sa akin, pero dahil sa ilang taong paninirahan ko dito naging immune na ako. Manhid na.

Tumingin ako sa orasan at maga-alas-otso na. Nagbihis ako nang uniporme namin sa pinagtatrabahuan ko tsaka na ako naglakad papunta roon.

"Hi Mamang!" bati ko sa kanila nung nakarating na ako. Si Mama Vien, yung ina-inahan ko at siya rin ang manager sa bar na 'to.

"Okay ka lang? Mukha kang nalubog sa utang" tanong nila kaya umiling ako tsaka ngumiti.

"Okay lang ako, Mamang" sagot ko tsaka dumiretso sa Quarters para kunin ang apron ko.

"Kunin mo order nung nasa table 4, Ceng may ginagawa kasi si Emil. Ikaw muna" utos ni Mamang kaya dali-dali din naman akong nagpunta roon.

Puro naman mga lasinggero ang nandito eh. Mga panay rich kid, minsan may mga taga GCA na umiinom dito.

FATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon