KABANATA 4

168 6 1
                                    

Blythe's POV

"Look who's here," napalingon kami sa likod ni Chin sa nagsalitang boses babaeng 'yun.

"Ikaw na naman" inis kong sambit dahil yung tatlong babae 'to. Yung nagtulak sa akin nung first day of school.

"Yes, and why?" pangtataray niya kaya tinignan ko siya mula uli hanggang paa.

"Look Lucille, si Francine oh. Yung nang-aahas ng boyfriend mo" ani nung isa kaya napakunot ako ng noo at nagtaka naman doon si Chin.

"Anong sinasabi mong inahas ko?" takang tanong ni Chin sa kaniya kaya umirap tong si Lucille.

"Oh come on, Francine. Huwag ka nang mag-maang-maangan pa. I know na may gusto ka kay Kyle" sambit nito kaya naguluhan ako.

"Ano bang sinasabi mo hah. Alam mo naghahanap ka lang ng kaaway mo eh. Tsaka si Chin, gusto si Kyle? Hindi nuh!" pagtatanggol ko kay Chin

"Talaga? Hahaha" tawa ni Lucille tsaka naman siya nagseryoso at hinawakan sa braso si Chin.

"Aray ano ba!" pilit na tinatanggal ni Chin yung kamay jiya sa braso nito.

"Pwede ba! Bitawan mo nga siya!" sigaw ko sa kaniya tsaka siya mahinang tinulak kaya napaatras siya.

"Palaban ka hah" inis niyang sambit tsaka ang sunod na nangyari ay kinuha niya ako sa buhok at kinaladkad

"Bitawan mo ko!" sigaw ko habang tinatanggal yun kamay niya sa buhok ko. Inextend ko ang kamay ko para kunin din ang buhok niya kaya nagsasabunutan kaming dalawa ngayon.

"Blythe, tama na yan!" na-corner ko siya at napaupo siya sa sahig habang nakasabunot pa rin ako sa kaniya.

"Ikaw sa susunod na babanggain mo kami ni Chin, hindi lang 'to ang abot mo!" sambit ko sa kaniya kaso palaban siya at hinila din ako sa buhok kaya nakatayo siya ngayon at ako naman ang nakaupo.

"Anong nangyayari dito!?" isang sigaw ng babae ang umalingawngaw.

"Blythe! Huy ano ba!" boses ni Seth yun. Humiwalay si Lucille at hawak siya ni Kyle. Habang ako hawak ni Seth.

"Blythe, okay ka lang?" tanong ni Chin sa akin habang inaayos yung buhok ko. Nakatingin lang ako kay Lucille ng masama at ganun din siya.

"Anong nangyayari dito hah? Ms. Lucille, and you Ms?" tumingin sa amin ni Chin yung babaeng nasa gitna.

"Blythe ang pangalan niya, Ceng" sagot ni Seth doon kaya tinignan ko si Seth na nakatingin sa akin.

"So anong nangyayari dito?" tanong nito sa amin. Winaglas naman ni Lucille yung mga hawak ni Kyle sa kaniya.

"Lucille, ano na naman 'to?" tanong ni Kyle sa kaniya.

"Hindi kami ang nauna sila," sambit niya kaya mas lalo akong nainis

"Wowww!! Kami ba talaga ang nauna hah? First of all, nanahimik kami ni Chin dito sa corridor" sigaw ko sa kaniya

"Can you please shut up your mouth!" sigaw niya rin sa akin kaya mas nainis uli. Susugod sana uli ako kaso hawak na ako ni Chin at Seth.

"Ganito na lang, sa Principal's Office na lang natin 'to ayusin" sambit nung babaeng nasa gitna

"What? Teka nga lang, sino ka ba?" tanong ko doon sa babaeng nasa gitna kaya parang nainis sa akin.

"Cien Elias, President of Student Council" sagot niya kaya napahiya ako doon ah.

"Makakarating 'to sa Prinicipal's Office. Ikaw Ms. Lucille, this is not the first na mangyari ulit 'to. And now, transferees naman binabangga mo"

"Kyle, Seth, dalhin nalang natin sila sa Office. Including yun, Ciela at Jinefer and Ms?" hindi niya alam ang pangalan ni Chin.

"Francine," sagot ni Francine kaya nagtungo na kami sa Office. Hawak ako ni Seth kaya winaglis ko 'yun dahil nauuna kaming naglalakad.

"You again, Ms. Lucille and Friends" yung head teacher yata 'yun. Nameet kasi namin 'to nung nagtransfer kami dito.

"Sir, may nag-away na naman. And sangkot na naman doon si Ms. Lucille"

Napatingin sa amin yun Head Teacher kaya napayuko kami ni Chin doon. Nahihiya kasi kami, kabago-bago namin dito.

"Wala dito ang Prinicipal, ako na lang ang kakausap sa inyo. Pasok kayo dito" sambit nila kaya pumasok kami.

Pagpasok namin nakaupo kami ni Lucille sa chair na nasa harap ng table ni Mr. D.

"Gusto niyo bang ipatawag ko ang mga parents niyo?" tela napantig ang tenga ko sa narinig kong 'yun

"Po?" gulat na tanong ni Chin

"We can settle things naman po, Sir. Pwedeng naman po namin 'tong ayusin" paliwanag ko at masamang tumingin kay Lucille.

"Ano bang nangyari?" tanong nila kaya nagsangsangan na namn kami ni Lucille.

"STOP!" sigaw nila kaya napatigik kami ni Lucille sa pagsisigawan.

"Ang sakit niyo sa taenga, para kayong mga lata!" mahinahong sambit nila sa amin.

"Ako na lang po magsasalita" sambit ni Chin kaya napatingin kaming lahat sa kaniya pati si Kyle.

"Nasa corridor lang po kami ni Blythe, hinihintay sina Seth at Kyle" salita niya kaya kumunot noo ni Lucille.

"Dumating po sina Lucille at sinabihan po  ako na inaahas ko DAW po yung boyfriend niya, which is si Kyle" tumingin siya kay Kyle na naguguluhan din.

"What? I'm not your boyfriend, Lucille" sambit ni Kyle kaya napaismid ako.

"Savage," bulong ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Lucille.

"To clarify things, Ms. Lucille. Hindi ko inaahas ang boyfriend mo. Oopss... Hindi mo pala boyfriend" sambit ni Chin.

"Magkaibigan kami ni Kyle, kami nina Seth at Blythe. At hindi naman ako ganun kalandi para agawin siya sayo, I'm in my words, I'm in my mind. I don't do boyfriends" sambit niya kaya kaunti na lang palakpakan ko 'tong si Chin.

"See, Sir? Hindi po kami ang nauna. We're here to learn po, hindi po makipag-away" pangco-convince ko sa kanila.

"Ms. Lucille," nakayuko na lang ngayon si Lucille.

"You can go now, Ms. Diaz and Ms. Goroztiza. Maiiwan na lang dito si Lucille and friends" sambit nila kaya tumango kami.

Paglabas namin doon ko napansin na naluha si Chin kaya pasimple niya 'tong pinunasan.

"Francine, are you okay?" tanong ni Kyle sa kaniya kaya tumango lang ito.

Napatingin sa akin yung babae kanina na President ng Student Council. Nginitian niya ako kaya nahiya ako.

"Ate, about po kanina. Sorry po, hindi ko lang po talaga napigilan galit ko. And I'm not like that rude naman po. Sorry po" pagpapaumanhin ko kaya tumango lang siya.

"Lakas naman makatanda yung 'Ate'. Ceng nalang. Magkaka-year level naman tayo" sambit niya kaya ngumiti ako.

"Blythe nga pala" salita ko sa kanila kaya tumango sila.

"Sa susunod na aawayin kayo nila, sabihan niyo lang ako hah. Akong bahala" ngiti nito kaya tumango ako.

"Blythe, tara na? Uwi na tayo," aya ni Chin sa akin kaya tumango ako.

"Seth, alis na kami. Kyle..." tumango naman silang dalawa tsaka na sinundan si Chin na naunang naglakad.

Habang hinihintay namin sundi namin nararamdaman kong umiiyak si Chin kaya hinaplos ko sa likod

"Huwag mo nang intindihin yun, Chin. Please, tahan ka na" sambit ko sa kaniya habang humihikbi-hikbi siya.

"Blythe..." iyak niya kaya niyakap ko na lang siya.

Sa ginawang pagsalita ni Chin kanina naging proud ako sa kaniya. She's been hiding in my shadows before sa tuwing may nang-aaway sa amin.

She's gaining her confidence now, yun yung gustong-gusto kong gawin niya before na unti-unti na niya nagagawa ngayon.

FATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon