Kabanata 6

153 5 1
                                    


Seth's POV

"Samahan mo nga ako dito, Yancy!" tawag ni Ceng sa akin nasa tapat kami ng bulletin board ngayon.

"Saan ba ikakabit 'to? Tsaka bakit ikaw ang nagkakabit?" tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin na nakabusangot.

"Malamang, Presidente ako kaya sa akin lahat kapag hindi nagawa" irap niya sa akin habang kinakabit yung kabilang dulo nung tarpaulin.

"Oh siya, umalis ka diyan at ako na magkakabit. Baka mahulog ka pa, wala dito yung boyfriend mo para saluhin ka" biro ko sa kaniya kaya nahampas na naman ako.

"Aray naman, Ceng. Bigat ng kamay mo eh" reklamo ko habang himas himas yung hinampas niya.

"Hindi ka pa ba naglalunch?" tanong niya sa akin kaya tinignan niya ako.

"Tapos na kaya nga nandito ako eh," sagot ko tsaka na kinabit yun. Tinignan ko siya nung naikabit ko na yun.

"Ikaw, kumain ka na?" balik kong tanong sa kaniya kaya umiling siya.

"Hindi pa, daming ginagawa ng Student Council ngayon. Alam mo tama ka eh, sana hindi na ako tumakbo last election" may halong pangsisisi sa sinabi niya yun

"Nagsisisi ka?" tanong ko sa kaniya kaya nag-isip muna siya.

"50/50" sagot niya tsaka naman siya tumingin sa tarpaulin. Recruitment na pala ng mga bagong Journalist eh.

"Sali ka uli diyan?" tanong ko sa kaniya kaya agad siyang umiling. Natawa na lang ako sa kaniya.

"Ayoko na nuh, sobrang pinadugo niyan ang utak ko last year. Kaya nga sabi ko kay Ma'am Arlene, tutulong na lang ako para pumili sa mga magpapasa ng application e" tuloy tuloy na sambit niya.

"Eh diba sina Blythe at Francine, baka want nilang magpasa ng application form?" tanong niya kaso nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam, tanong mo na lang mamaya sa kanila" sagot ko tsaka na kami umakyat sa second floor.

"Alam mo Yancy, kung sasali si—"

"Tama na, please—" boses babae yun na parang sinasaktan. Agad naman naming binilisan na umakyat.

"LUCILLE!" sigaw ni Ceng tsaka dali-dali silang inawat. Dahil sa sobrang palaban niya kinuha siya ni Ceng sa kwelyo ng uniporme niya at hinila.

"Ano ba! HINDI KA BA TALAGA TITIGIL!" sigaw niya kay Lucille nung nabitawan niya na si Francine na umiiyak dahil dinaganan niya ito at pinagsasampal.

Tinulungan ko namang tumayo si Francine. Gulong-gulo na ang buhok nito, hinahanap ko kung nasaan si Blythe.

"Anong masakit sayo, okay ka lang ba Francine? Si Blythe, nasaan?" tanong ko sa kaniya na panay pa rin siya hikbi.

"And now, kakampihan mo na naman sila Miss President of STUDENT COUNCIL!" sigaw ni Lucille kay Ceng kaya sinampal ito ni Ceng.

"Alam mo! Hindi ko alam kung bakit ganiyan ka pinalaki ng mga magulang mo! Last year ka pa hah!" gigil na sambit ni Ceng sa kaniya. Hawak nito ang mukha niya na sinampal ni Ceng.

"Oh my god! What's happened?!" si Blythe na dali-daling bumababa at nilapitan si Francine.

"Bakit dumudugo ang labi mo, Chin?" tanong nito tsaka niya tinignan si Lucille ng masama at sinugod nito.

"Ikaw na bwesit ka!" sigaw nito at kinaladkad sa buhok si Lucille at kinorner nito sa sulok.

"Get your hands off of me!" sigaw ni Lucille habang pinaghihiwalay silang dalawa ni Ceng.

FATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon