Chapter 4: Ang mas nakakatakot kay Dajjal

3 0 0
                                    

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

❓ ANO ANG MAS NAKAKATAKOT PA KAYSA SA DAJJAL?

❗ MAG-INGAT! MARAMING NASA PALIGID.

🐝 Naiulat ni Abu Sa'eed Al-Khudri رضي الله عنه, na isang beses na kanilang pinag-uusapan ang tungkol sa Dajjal at dumating sa kanila ang Propeta Muhammad ﷺ at kanyang sinabi sa kanila;

❗ "Hindi ko ba sasabihin sa inyo kung ano ang mas kinatatakutan ko para sa inyo kaysa sa Dajjal?"

At sagot ng mga Sahaabah (mga kasamahan) ng Propeta رضي الله عنهم: "Sabihin mo sa amin, O Sugo ng Allah."

🍯 Sagot ng Propeta ﷺ:

"(Ang mas kinatatakutan ko para sa inyo kaysa sa Dajjal ay) ang SHIRKUL KHAFIY (ang nakatagong Shirk o pagtatambal sa Allah). Ang isang lalaki ay magsasagawa (magtatayo) ng Salah at kanya itong pagagandahin dahil nakikita siya ng isang lalaki (tao)."
[IBN MAAJAH]

⁉️ Bago ang lahat, ay SINO SI DAJJAL?

👁️‍🗨️ Si Dajjal ay isang lalaki mula sa mga anak ni Adam عليه السلام, siya'y may malaking katawan at malaking ulo.

👁️‍🗨️ At kasama sa kanyang mga katangian ay siya ay binata na may maputing balat, putot, may makapal at magulong buhok (hindi kulot at hindi naman tuwid), ang kanyang kanang mata ay bulag at parang namamagang ubas, at nakasulat sa pagitan ng kanyang mga mata (noo) ang salitang 'Kafir'.

👁️‍🗨️ Siya ay ang Maseeh o Messiah. At ang Maseeh ay ang literal nitong kahulugan ay pumupunas o ang napunas. At tinawag siyang Maseehud Dajjal dahil ang kanyang kanang mata ay napunas o nawala, o dahil kanyang pupunasin o dadaanan ang buong kalupaan sa loob ng apatnapung araw (40).

👁️‍🗨️ Siya ay lalabas mula sa silangang bahagi ng Khurasan, mula sa mga Hudyo ng Asbahaan, at sasama sa kanya at susunod ang pitumpong-libong mga hudyo (70,000).

👁️‍🗨️ Pagkatapos ay kanilang lilibutin at pupuntahan ang bawat sulok ng mundo maliban sa Makkah at Madinah, dahil bawal nila itong pasukin at mayroong nakabantay rito na mga anghel.

👁️‍🗨️ At ang marami sa magiging tagasunod niya ay mga hudyo, mga Turk, mga taong may mabibilog na mukha at maliliit na mga mata, at iba't-ibang mga tao na ang karamihan sa kanila ay mga taong taga-desyerto o bundok, at mga kababaihan.

👁️‍🗨️ At pagkatapos ay sa kapahintulotan ng Allah ay makakagawa si Dajjal ng mga hindi pangkaraniwang mga bagay na magiging dahilan ng pagsunod sa kanya ng mga tao.

👁️‍🗨️ Gagawin niya ang mga ito at siya ay mananatili sa kalupaan sa loob ng apatnapung (40) araw; na kung saan ang isang araw ay kasingtagal ng isang taon, at isang araw na kasingtagal ng isang buwan, at isang araw na kasing tagal ng isang linggo, at ang ibang mga araw ay tulad ng mga normal na araw.

👤 At pagkatapos ay darating ang kanyang katapusan at siya ay matatalo sa mga kamay ni Isa na anak ni Maryam عليهما السلام.

*Ang pagbabasa ng Surah Al-Kahf sa araw ng Jumuah ay dahilan ng pagkaligtas mula sa Dajjal.

📜 At ngayon naman, ay ano ang mas nakakatakot pa kay Dajjal? Dahil maaaring hindi natin maabutan si Dajjal ngunit ang bagay na ito ay maabutan natin! Ang Shirkul Khafiy!

❗ Ang Shirkul Khafiy o nakatagong pagtatambal (sa Allah) na nailarawan sa Hadith na ito ay ang "Riya" o pakitang-tao. Na kung saan, ang isang tao ay gagawa ng isang bagay (halimbawa ng pagdarasal) at kanya itong pagagandahin dahil nakikita siya ng mga tao, o kanya itong ginagawa dahil sa isang tao at hindi dahil sa Allah.

❗ Mayroon namang tinatawag na "Sum'ah" o parinig-tao. Ito'y katulad din ng Riya, na kung saan ang isang tao ay gagawa ng isang bagay para lamang marinig ng mga tao na ginagawa niya ang bagay na iyon.

‼️ Sa Islam, kapag ang Riya o Sum'ah ay nagamit sa mga gawaing 'Ibaadat o mga pagsamba ay maituturing itong Shirkul Khafiy.

👀 Kung saan, ang isang tao ay gagawa ng pagsamba, halimbawa ay pagsa-Salah, at sasadyain niya na makita siya o marinig ng mga tao (pakitang-tao) para siya ay puriin ng mga tao o hangaan nila siya. At ginagawa ng taong iyon kung anomang 'Ibaadah ang kanyang ginagawa dahil dinadakila niya ang mga tao, at gusto niya na mahalin nila siya, o natatakot siya sa kanila.

❗ At dahil dito'y nagkakaroon ng Shirkul Khafiy dahil sa mga 'Ibaadah na ating ginagawa ay dapat na ang Allah lamang ang dapat nating dinadakila, ang inaasam natin ang Kanyang pagmamahal, at ang dapat nating kinakakatakutan at wala ng iba pa.

👀 Para maiwasan ang Riya o Sum'ah, ay ito ang iilan sa mga palatandaan na dapat nating tandaan upang maiwasan ang masamang gawaing ito;

1️⃣ Ang pagkagusto ng kasikatan,
2️⃣ Ang pagmamalaki at hindi pagpapakumbaba sa mga tao,
3️⃣ Ang paggawa ng mga bagay-bagay para sa mga tao o dahil sa takot sa kanila,
4️⃣ Ang mabilis na pagbibigay ng opinyon o Fatwa sa mga (Islamikong) bagay-bagay,
5️⃣ Ang hindi pagtanggap sa katotohanan, at kung anoman ang napagkasunduang desisyon.

⚠️ Ang mga palatandaang ito ay huwag nating hanapin sa ibang tao upang sabihin na sila'y nagpapakitang-tao lamang, bagkus, ay hanapin natin sa ating sarili.

👀 At kung magkataon na maramdaman natin ang mga palatandaang ito, o maisip natin na tayo'y nakakagawa ng bagay para magpakita o magparinig lamang sa mga tao ay ito ang ilan sa mga dapat nating tandaan;

1️⃣ Ang isipin na ang Allah ay palaging nandyan at nakamasid sa ating mga ginagawa. Alam niya ang nasa ating mga kalooban at kung bakit natin ginagawa ang mga bagay-bagay.

2️⃣ Ang paghingi ng tulong mula sa Allah, sa pamamagitan ng Dua, na ilayo niya tayo at protektahan mula sa Riya at Sum'ah.

3️⃣ Ang pagsasaisip ng negatibong resulta ng Riya o Sum'ah. Ito ay ang pagiging walang saysay ng ating mga ginagawa o pagsamba, at ang pagkagalit sa atin ng Allah.

4️⃣ Ang isipin ang kaparusahan ng Riya o Sum'ah dito sa mundo. Kung saan, sa takdang panahon ay mabubunyag ang masasamang intesyon ng mga taong nagpapakitang-tao o nagpaparinig lamang.

5️⃣ Ang sikapin na hindi gumawa ng mga gawaing pagsamba sa harapan ng maraming tao, o sa lugar na pinagtitipunan ng mga tao. At ang mga gawaing pagsambang ito ay ang mga pagsamba na nararapat lamang na itago, tulad ng pagbibigay ng Sadaqah at pagtatayo ng Salah sa gabi.

⚠️ Mag-ingat!

..................

© Phil Kafaat (at FB)

Lectures / Muhadarāt on IslamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon