Ano ang Imaan (Paniniwala)?

3 0 0
                                    

ANO ANG IMAAN (PANINIWALA)?

❗ Nakokonsensya ka ba?

🐝 Naiulat ni Abu Umaama رضي الله عنه, na may isang lalaki na tinanong ang Propeta Muhammad ﷺ;

❓ “Ano ang Imaan?”

🍯 At sagot ng Propeta ﷺ:

❗ “(Ang Imaan ay) kapag natuwa ka at napasaya ka ng mabubuti mong gawain, at kapag nalungkot ka o nadismaya ka (nakonsensya ka) sa mga masasama (kasalanan) mong ginawa, ay ikaw ay Mu’min (may Iman o paniniwala).”
[AHMAD]

❗ Lahat ng tao (angkan ni Adam) ay nagkakamali at nakakagawa ng kasalanan.

Nagkakamali ang Mu’min (mabuting tao) tulad ng pagkakamali ng masamang tao.

Nagkakamali ang isang Muslim tulad ng pagkakamali ng isang Munaafiq (Hipokrito).

❗ Ngunit ang pinagkakaiba lang ng dalawa ay ang mga Muslim o mabubuting tao, dahil sa kagandahan ng kanilang puso, ay sa tuwing sila’y nagkakamali ay sila’y nalulungkot, nakokonsensya, natatakot, at pinangangambahan nila ang kanilang mga pagkakamali.

❗ Habang ang mga Munaafiq naman o masasamang tao ay kapag sila’y nagkamali at nakagawa sila ng kasalanan, dahil sa tigas at kasamaan ng kanilang puso, ay sila’y natutuwa, minamaliit nila ang kanilang kasalanan, sila’y nagpapatuloy sa paggawa nito, at hindi sila nakakaramdam ng konsensya o pagkadismaya sa masama nilang nagawa.

📜 Tulad ng nabanggit sa Hadith, ay sa oras na matuwa ka o gumaan ang pakiramdam mo kapag nakagawa ka ng mabuting bagay, at makaramdam ka ng pagkalungkot, pagkadismaya, at konsensya kapag nakagawa ka ng masamang bagay, kahit gaano man ito kasimple, ay senyales ng iyong Imaan o paniniwala.

‼️ Kahit gaano kasimpleng kasalanan;
🎭simpleng pagsabi ng kasinungalingan,
🗣️simpleng pagmumura,
🧢pagnanakaw ng maliit na bagay,
🚶🏻‍♂️ pagiging huli sa pagsa-Salah,
🙅🏼‍♂️hindi paggawa ng iniutos ng magulang,
👗pagpapakita ng Awrah,
👘 hindi pagsusuot ng Hijab,
👀 simpleng pagtingin sa mga Haram,
🎂 Birthday = Eid Milad!,
📵 pandaraya sa pagtitinda,
👎pangungutya/pambu-Bully,
🍔pagkain ng junkfoods na hindi Halal,
⌛pagsasayang ng oras,
🕹️ paglalaro maghapon,
📱 social media maghapon,
🛌🏻katamaran,at marami pang maliliit na masamang bagay na iyong nagagawa;
‼️ NAKOKONSENYA KA BA?

Sinabi Ibn Mas’ud رضي الله عنه,

⛰️ “Katotohanan na ang isang Mu’min ay nakikita niya ang kanyang kasalanan, na parang isang bundok na nasa kanyang itaas na anomang oras ay mahuhulog sa kanya.
🦟 At ang masamang tao naman ay nakikita niya ang kanyang kasalanan, na parang isang langaw na dumaan (dumapo) sa kanyang ilong, at kanya lamang itong simpleng binugaw.”

❗ Ngunit, maaaring sabihin ng iilan na lahat naman ng tao ay natutuwa kapag nakagawa sila ng kabutihan, at kapag nakagawa sila ng kamalian o kasamaan ay sila’y nalulungkot at inaamin nila ang kanilang nagawang mali.

👍🏻 Maaaring tama nga ito, subalit hindi naman nagtatapos dito ang lahat.

👍🏻 Ang bagay na ito ay titignan natin kung ang isang tao ay kapag natuwa at naging masaya sa kanyang mabubuting ginagawa ay ipagpapatuloy niya ito. Kung mas pipiliin niya ito kaysa sa anomang walang kwentang bagay o nakakasamang bagay.

👎🏻 Titignan natin ang isang tao, na kapag siya’y nakagawa ng kamalian o kasamaan ay hindi niya ito mamaliitin, kakamuhian niya ito, at hindi kakayanin ng kanyang konsensya kung mananatili siya at ipagpapatuloy niya ang paggawa nito. Titignan natin kung iiwan niya ito at iiwasan, at kung determinado siya na hindi na niya babalikan ang paggawa ng kamalian o kasamaang ito.

❗ Ikaw, kailan ka mangangamba sa mga kamalian at kasamaan na iyong nagawa at patuloy na ginagawa?

HINDI KA BA NAKOKONSENSYA?

‼️ Hindi pa huli ang lahat. Ngunit baka mahuli na ang lahat kapag biglaang dumating sa atin ang ating oras, o ng kamatayan!

⁉️ Kumusta ang iyong Imaan (Paniniwala)? Nakokonsensya ka ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lectures / Muhadarāt on IslamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon