Gawa na Pinakagusto ng Allah

0 1 0
                                    

❓ ANONG GAWA ANG PINAKA GUSTO NG ALLAH?

❗ MARAMING DI-GUMAGAWA NITO!

🐝 Naiulat ni Abdullah Bn Mas'ud رضي الله عنه, na kanyang tinanong ang Propeta Muhammad ﷺ;

❓ "O Sugo ng Allah, anong gawa ang pinaka gusto ng Allah?"

🍯 At sagot ng Propeta ﷺ:

"Ang (pagtatayo ng) Salah sa nakatakda nitong mga oras."

"Pagkatapos ay ano?" tanong ni Abdullah;

"(Pagkatapos ay) ang pakikitungo at pagsunod ng mabuti sa mga magulang," sagot ng Propeta ﷺ.

"Pagkatapos ay ano?" muling tanong ni Abdullah,

"(Pagkatapos ay) ang Jihad (pakikipabaka) sa landas ng Allah." sagot ng Propeta ﷺ.

At sinabi ni Abdullah, "Ang lahat ng ito'y sinabi sa akin (ipinaliwanag) ng Propeta ﷺ, at kung itinuloy ko pa (ang pagtatanong) ay dadagdagan niya (at itutuloy niya rin ang pag-sagot)."
[AL-BUKHARI]

📜 Sa Hadith na ito, tinanong ni Ibn Mas'ud رضي الله عنه ang Propeta Muhammad ﷺ sa kung anong bagay ang pinaka gusto ng Allah, at sa ibang ulat ay kung ano ang pinakamagandang bagay (na gawin).

⭕ Ganito dapat ang gawin ng isang Mu'min o totoong naniniwala -tulad ng mga Sahaabah-, ang magsumikap sa pag-alam kung ano ang pinakamagandang bagay na gawin.

❗ Dahil katotohanan nga na ang mga kautusan sa Islam ay napakarami at ang buhay naman ng tao ay napakaikli.
Kung saan, mauubos ang oras ng isang Muslim sa paggawa ng mga mabubuting bagay at kanyang naiiwan ang mga mas maganda at mabuti pang mga bagay.

❗ Kaya, hindi siya makakakuha ng mas marami pa kaysa sa kanyang kapital, hindi lalago ang kanyang negosyo dito sa mundo.

⭕ Halimbawa, ang pag-alis ng mga nakakasama at nakakapinsalang mga bagay sa daanan ay isang nakapabuti at dakilang gawain. Ngunit ito ba ang nararapat gawin sa buong maghapon?

⭕ Ang sagot ay hindi. May mas maganda pang gawin kaysa rito. Ang pananaliksik ng kaalaman ay mas mabuti pa kaysa sa pag-alis ng mga nakakasamang bagay sa daanan.

⭕ Ang pagtulong sa kapwa para makuha o magawa niya ang anomang bagay na kanyang kinakailangan ay mas mabuti pa at mas maganda pa kaysa sa pag-I'tikaf (pamamalagi) sa Masjid.

📜 Tulad ng nabanggit sa isang Hadith ay mas gugustuhin pa ng Propeta Muhammad ﷺ na gawin at tulongan ang isang tao sa kanyang pangangailangan kaysa sa mag-I'tikaf siya sa kanyang Masjid (sa Masjid An-Nabawiy sa Madina) ng isang buwan.

‼️ At maaaring ang hindi aabot sa 15 minuto na pagtulong mo sa iyong kapatid o kapwa tao sa kanyang pangangailangan ay iyon ang mas hihigit pa, mas mabuti at mas maganda pa, kaysa sa pamamalagi mo sa Masjid ng Propeta ﷺ ng buong isang buwan.

Katotohanan na ang bagay na ito ay nangangailangan ng Fiqh o lubos na pag-intindi. At ito rin ay isang gabay mula sa Allah para sa Kanyang alipin.

Tandaan natin na araw-araw ay binabanggit natin ang

اهْدِنَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ

"Gabayan mo kami sa matuwid na landas" [ Surah Al-Fatiha: Verse 6 ]

At kasama sa Gabay na makukuha natin sa Du'a na ito ay ang magabayan tayo tungo sa paggawa ng pinaka mabuti at pinaka magandang gawain.

❓ At dahil ang mga gawain ay napakarami, ay ngayon, ano ang pinaka maganda at mabuting gawa?

Lectures / Muhadarāt on IslamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon