Chapter 3: Sino ang taong nalugi?

2 0 0
                                    

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

SINO ANG TAONG NALUGI?

🐝 Sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ: “Alam ninyo ba kung sino ang taong nalugi?”

At sagot ng mga Sahaabah (mga kasamahan) ng Propeta رضي الله عنهم:

💵 “Ang nalugi sa amin ay sinomang walang pera at walang mga kagamitan.”

Sagot ng Propeta ﷺ:

🍯 “Ang tunay na nalugi mula sa aking Ummah (Nasyon) ay sinoman ang sa Huling-araw ay dala-dala niya ang kanyang mga Salah (Pagsamba), Pag-aayuno, Zakat (Obligadong kawang-gawa), ngunit (dala-dala rin niya ang mga -masasamang- nagawa niya); kanyang pinagmura ito (ang isang tao), kanyang pinagbintangan ito, kinain o inagaw niya ang kayamanan nito, pinatay niya ito, at sinuntok niya ito.
♻️
Kaya, kukunin ang kanyang mga nagawang mabubuti at ipamimigay ito sa mga nagawan niya ng masama. ⌛ At kapag maubos na ang kanyang mga mabuting nagawa (at hindi pa natatapos ang paghuhukom sa kanila) ay ibibigay sa kanya ang mga masasamang nagawa ng mga taong ginawan niya ng masama, hanggang sa siya ay maitapon sa Apoy ng Impyerno 🔥.” [Muslim]

🗒️ Ang Hadith na ito ay nagsasabi kung ano ang tunay na pagkalugi; sinong tao ang nalugi.

Na kung saan, hindi ang taong nawalan ng kayamanan, pera, o negosyo ang totoong na-bankrupt o nalugi tulad ng pinaniniwalaan ng maraming tao.

🌱 Dahil katotohanan, na pwede siyang makabangon ulit at pwedeng ang kanyang pagkalugi ay pansamantala lamang at kalaunan ay siya’y makakabawi, InshaaAllah.

⏳ Bagkus ang tunay na pagkalugi, matindi, masidhi, at kumpletong pagkalugi at kasawian ay ang sinomang gumawa ng napakaraming mabubuting bagay at pagsamba ngunit kukunin ito mula sa kanya at ibibigay sa ibang tao.

⌛ Hanggang sa maubos ang kanyang mabubuting gawa, at wala siyang magagawa kundi ang ibigay sa kanya ang masasamang gawa (mula sa mga nagawan niya ng kasalanan).

Ito’y dahil sa kanyang pang-aabuso, pang-aalipusta, at pandaraya sa napakaraming mga tao.

❗At maaaring maisip ng iba ang Ayah na nagsasabing hindi ka pwedeng mag-hirap dahil sa kasalanan ng iba.

📖 ﴿وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىَٰۚ﴾
📖 "At walang isang nagpapasan ng mga dalahin [o kasalanan] ang maaaring magpasan [o managot] sa mga dalahin [o kasalanan] ng iba."

⛔ Ang pag-iintinding ito ay mali, dahil ang taong nalugi na nabanggit sa Hadith na ito, ay ang pagpaparusa sa kanya ay dahil sa kasalanang ginawa ng kanyang sarili mismo sa ibang tao.

⭕ Ang pagbibigay sa kanya ng masamang gawa o kasalanan ng iba ay parusa sa kanyang mismong kasalanan, na dahil sa dami nito (ng nagawa niyang kasalanan sa maraming tao), ay naubos ang kanyang mabubuting gawa bilang kabayaran; at dahil hindi pa natapos ang paghuhukom sa kanya habang wala na siyang maibabayad ay ibibigay sa kanya ang masamang gawa ng ibang tao; bilang kaparusahan sa kasalanang ginawa ng kanyang sarili.

Ito ang hatol na ibinagay ng Allah sa kanyang mga alipin. Na ang bawat isa ay makakakuha at makakaharap niya ang gantimpala o resulta ng kanyang mabubuti at masasamang gawain.

⚜️ Na ang isang tao ay bibiyayaan dahil sa kanyang mabuting ginawa, at siya ay paparusahan kapalit ng ginawa niyang kasalanan at hindi ng ibang tao.

🛡️ Kaya naman, nararapat sa bawat Muslim na pangalagaan ang mga mabubuti niyang gawa at mga pagsamba sa Allah, dahil maaring makuha ito mula sa kanya at di-niya ito mapapakinabangan.

🧯 Kanyang iwasan na mangyari ito sa pamamagitan ng pag-iwan sa mga gawaing tulad ng nabanggit sa Hadith; pagmumura, paninirang-puri, panlilibak, pang-aagaw ng kayamanan, pandaraya at iba pa.

[Nakumpleto mo nga ang 30 araw na pag-aayuno at Taraweh/Tahajjud sa nakalipas na Ramadhan, ngunit gumagawa ka naman ng kasalanan sa ibang tao ❌]

🌏 Katotohanan, mas mabuti pang malugi ka dito sa mundo, kaysa sa malaman mong kabilang ka sa mga nalugi sa Araw ng Paghuhukom.

..................

© From Phil Kafaat (on Facebook)

Lectures / Muhadarāt on IslamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon