PerthSaint AU

373 5 3
                                    

Title: 𝓘'𝓵𝓵 𝓖𝓸 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓨𝓸𝓾

𝐏𝐞𝐫𝐭𝐡'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Nandito ako ngayon sa harap ng klase bilang transfer student.

Pinapakilala na ako ng prof namin pero sa iisang tao lang ako nakatingin. Naka tungo siya at halatang tinatamad.

"Hi I'm Perth, hope we can all be friends."

Pagkasabi ko non ay biglang napa-angat ang ulo niya at napatingin sakin. He looks so confused and shocked. Ngumiti nalang ako sa kanya.

Tumabi ako sa kanya at inakbayan siya,

"Anong ginagawa mo dito Perth?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala.

"Diba promise ko sayo na wherever you go, I'll go with you?" Sabi ko at napa-iling nalang si Saint. Tinawanan ko lang siya.

Pinangako ko yun sakanya matagal na, and I haven't broken it yet.

Nung uwian ay sabay kaming naglalakad pauwi. We were talking to each other nang bigla siyang napatigil.

"Saint? Okay ka lang?"

Di siya sumasagot at tuloy lang sa paghawak sa ulo niya.

Muntik na siyang matumba buti nalang at nasalo ko siya.

"Huy Saint anong nangyayare sayo?"
Tarantang tanong ko sa kanya.

"Saint! Saint!... tulong!" Sigaw ko nung tuluyan na siyang nawalan ng malay.

3 years ago na nung nangyari yun, at simula noon ay hindi na nakalabas ng ospital si Saint. Noon namin nalaman na may k*nser pala siya sa utak.

For the past 3 years hindi ko siya iniwan. Lagi akong nandito sa ospital kasama niya.

Naka upo ako ngayon sa tabi niya at nagbabasa ng libro, nang tinawag niya ako,

"Perth, wala ka bang balak na umuwi pa?" Tanong niya

I placed the book down and looked at him.

"Ako nga ang dapat magtanong niyan sayo eh" sabi ko at lalong lumapit,

"Kelan mo ba balak na gumaling ha Saint? Para naman makauwi na tayo oh. Ayoko naman dumating sa point na itong ospital na yung tatawagin kong bahay"

Sabi ko ng pabiro, ngumiti siya pero halatang nalungkot din siya.

In those 3 years walang nagbago sa kondisyon niya. Nawawalan na din siya ng buhok dahil sa therapy niya.

Walang improvement yung kondisyon niya kaya minsan ay nawawalan na din siya ng pag-asa.

Pero lagi kong pinapaalala sakanya na kailangan niyang lumaban. Kahit na pati ako ay nahihirapan din sa tuwing nakikita siyang nahihirapan sa sakit niya.

Kailangan kong maging malakas para sa kanya.

----

"Perth?"

"Hmm?"

Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.

"Pano kung di na ako gumaling?"

Tanong niya at kumirot yung puso ko. Yan ang pinaka ayaw kong mangyari.

"Tsk ano bang sinasabi mo Saint?" Galit na tanong ko.

"Perth, alam mo naman kung anong kondisyon ko diba?" Sambit niya

"Oo alam ko, kaya nga nandito ako eh, hinihintay ko na gumaling ka na para makalabas na tayo dito."  Yun talaga ang gusto ko. Ayoko siyang iwanan kaya gusto ko sabay kaming lalabas dito.

ʙʟ ғᴀɴғɪᴄsWhere stories live. Discover now