TayNew 💙

448 8 3
                                    

𝐓𝐚𝐲'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Nandito ako ngayon sa GMM building, ipapasa ko yung pinagawa sakin ni mae Godji.

Papasok na sana ako nang marinig ko yung pangalan ni New. Napagpasyahan kong makinig muna at magtago

"So New dahil tinanggap mo ang offer namin na bagong series, may mga bagay kang dapat sundin..."

Rinig kong sabi ni Mae Godji.

May bago siyang series? At di ako yung kapartner niya.

Sumakit yung puso ko na para bang may kumurot nito. Di ko alam kung bakit pero bigla akong nalungkot nung narinig ko yun.

Ayaw mo na ba akong kapartner New? Tanong ko sa sarili ko.

Mas lalo akong nalungkot nung narinig ko ang susunod na sinabi ni Mae Godji,

"Kailangan mong layuan si Tay..."

Di ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Kailangan ba talagang lumayo kami sa isa't isa?

Patuloy ako sa pag-iyak iniisip na hindi ko kayang lumayo kay New. Hindi ko kayang lumayo sa bestfriend ko.

Hindi ko kayang lumayo sa taong mahal ko.
Oo mahal ko ang bestfriend ko, alam kung mali pero di ko mapigilan.

"Sa dinami-dami ng taong magugustuhan mo, ba't yung bestfriend mo pa kasi" Sabi ko sa sarili ko na may halong galit.

Hindi ko namalayan na lumabas na pala si New.

"P'Tay!" Tawag niya sakin. Agad ko namang pinunasan ang luha ko bago humarap.

"Uy Hin, andyan ka pala" pagsisinungaling ko.

"Umiiyak ka ba P'Tay?" Tanong niya at hahawakan sana ang pisngi ko pero umiwas ako.

"Hindi! Na puwing lang" I lied again. He believed it.

"Nga pala P'Tay, may offer sakin na bagong series, di ko pa sinasagot kasi di ko alam kung okay sayo" Tanong niya sakin. Agad ko namang sinagot

"Oo naman okay lang sakin, wala naman ako kinalaman dyan, sige na may papasa pa ako, bye New" Di ko na hinintay ang sagot niya at umalis na agad.

Masakit para sakin yun. Gusto kong tumanggi pero sino ba ako para gawin yun? Wala naman diba?

~~~

𝐍𝐞𝐰'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Pagtapos nung usapan namin ni Mae Godji, sinabi ko sa kanya na itetext ko nalang siya kapag alam ko na ang sagot ni P'Tay.

Sakto naman nung paglabas ko ay nandun siya.

Agad ko siyang tinanong pero nasaktan ako sa sagot niya,

"Oo naman okay lang sakin, wala naman ako kinalaman dyan, sige na may papasa pa ako, bye New"

Bigla nalang siyang umalis na para bang iniiwasan ako.

Iniwan niya akong tulala, iniisip kung ano yung sinabi niya.

"Wala siyang kinalaman?" Tanong ko sa sarili ko.

Sumakit bigla yung puso ko dahil dun.

Akala ko pa naman na tatanggihan niya iyon pero bakit hindi?

Ayaw mo na ba sakin P'Tay? Ayaw mo ba akong kasama?

Nasaktan ako nung sinabi ni Mae Godji na kailangan kong layuan si Tay, dahil ayokong malayo sa taong gusto ko. Sa bestfriend ko na nagustuhan ko.

Nung una akala ko may gusto ka din sakin P'Tay. Akala ko lang pala.

Mabilis akong umalis habang umiiyak. Tinext ko na si Mae Godji at sinabing tatanggapin ko na yung offer at tuluyan nang lalayuan si P'Tay.

ʙʟ ғᴀɴғɪᴄsWhere stories live. Discover now