BLIX POV
KAKATAPOS lang ng dalawang subject namin kaya recess na. Kasama ko ngayon ang tatlo kong kaibigan. Si Hashim Heil Drew na babaero. Si Yuriko Seo na maingay. At Yannick Won Trevon na matahimik, actually hindi naman siya ganito dati. Nang makabalik lang siya galing australia naging ganyan na siya, ewan ko kung anong nangyare hindi rin naman siya nagsasabi.
At syempre ako, si Lashin Blix Estagle ang pinakagwapo sa lahat at may nag-iisang prinsesa.
"Kaninong treat ngayon?" Biglang tanong ni Hashim habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Not me! kakatreat ko lang kaya kahapon!?" Mabilis na depensa ni Yuriko. "Ouch!" Napahilot siya sa batok niya nang batukan siya ni Hashim.
"Nagtatanong lang ako ulol!" Sigaw sa kaniya ni Hashim. "Depensa agad napakaburaot mo talagang koreano ka!!" Dagdag niya pa. Hindi na sumagot si Yuriko at basta nalang ngumuso. Mga isip-bata talaga!
Bumaling naman si Hashim kay Won na tahimik lang na naglalakad. "Not me. I'm done." Simpleng sagot niya kahit wala pang tinatanong o sinasabi si Hashim.
"Hindi 'yan ang tanong ko!" Biglang asik ni Hashim, napakunot naman ang noo ni Won.
"And what?" Tanong ni Won
"Ang tanong ko ay kailan aabot ng sampung salita ang bawat sinasabi mo!?" Sabi ni Hashim bago humagalpak ng tawa.
"Tsh!" Masungit na singhal ni Won
Napamaang ako ng bigla silang lumingon sakin ng sabay. "What!?" Masungit na tanong ko, sinamaan naman nila ako ng tingin maliban kay Won. "Psh! pay me first, then I'll treat." Nakangising sabi ko nagsilakihan naman ang mga mata ng dalawa. Problema na nila 'yon dahil palagi nila akong inuutangan kahit may mga pera naman sila. Bayad nalang nila sa'kin ang bawat treat nila.
"Ang daya mo talagang pokemon ka!" Napamaang ako ng marinig ko ang sigaw ni Yuriko.
Akmang babatukan ko siya ng itaas niya ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko at nakapeace-sign pa. Pigil naman ang tawa ang ginawa ni Hashim habang si Won ay tahimik lang. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
Bata pa lang ako favorite cartoon ko na ang pokemon. Hindi ako nagpapasok sa kwarto pero walang-hiyang koreano sinalisihan ako. Gumawa kami ng project sa bahay no'n. Sa guest room kami gumawa, pero bweset na Yuriko biglang nawala. 'Yon pala pinasok niya na ang kwarto ko at nakita niya nga ang design nitong pokemon nga.
Chinismis niya pa sa dalawa. Hindi naman sa kinakahiya sadyang malaki na ako kaya ayaw kong tinutukso ako dahil pambata ang pokemon.
"KYAAAHHHH!!!" Halos sabay-sabay na tilian ng mga students sa canteen ng makapasok kami. Lahat sila ay tinatawag ang pangalan namin. Pero wala ako ni-isang nilingon sa kanila. Hindi ko alam sa tatlong nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT REGRETS | SEASON 1
Teen FictionLOVE WITHOUT REGRETS "Nagmumultong ugnayan ng dalawang taong, palaging pinagtatagpo ng tadhana." 'Di inaasahang ang isang taong palaging wala sa tabi niya ang palaging nand'yan para iligtas siya. Sa isang iglap, puso ng isa'y tumibok sa kaniya. Pero...