SAKI POV
Wala sa sariling bumaba ako mula sa Kwarto ni Zireign at dumiretso sa kusina para kumuha ng beer. Gusto kong Mainis kay Zire dahil parang may hindi siya sinasabi sa'kin.
( F l a s h b a c k )
"Ba't parang ako ang sinisisi niya?" nasasaktang tanong ko nang makarating kami sa kwarto ni Zire. Agad niyang ginagap ang kamay ko.
"Hindi ko alam kong may karapatan ba akong s-sabihin sayo to," taka ko siyang tiningnan
Bigla naman siyang natahimik at pekeng tumawa. "A-ano kasi...feeling ko may g-gusto sayo si B-blix hehehe," aniya pero hindi manlang ako naapektuhan dahil nararamdaman kung iba 'yon sa totoong sasabihin niya.
( E n d o f F l a s h b a c k )
Hindi ko na 'yon inisip pa at lumabas nalang. Hindi na rin gaanong marami ang bisita at mga kapwa students nalang na nage-enjoy. May nagsasayawan, nagi-inuman, at nagtsi-tsismisan.
Nahagip ng mata ko si Estagle na pinagkakaguluhan ng mga babae. Biglang nanliit ang mata ko at mabilis ko siyang pinuntahan at pinaghahawi ang mga malalanding babae. 'Di ko mawari pero may nagtutulak sa sarili kong hilahin siya kaya 'yon ang ginawa ko.
Wala din naman siyang ginawang angal sa paghila ko sa kaniya. Madaming mata ang nakasunod sa'min at halos lahat sila ay nagtataka at gulat ang mga ekpresyon. Hanggang sa nakarating kami sa pool area kaya binitawan ko na siya at kinuha ang dalawang beer na hawak ko at ang dalawa pa na nakasipit sa ilalim ng kilikili ko. At nilapag 'yon sa mesa.
Ibinaba ko muna ang mga nakakalat na bote ng beer na wala ng laman. Siguro ay may nauna na dito kanina dahil meron pang natirang case at may laman pa.
Naupo na ako at hinablot ang isang beer para buksan. 'Yon nga lang hindi ako marunong. Nilingon ko si Estagle pero pinanliitan niya lang ako ng tingin. "Psh," singhal ko at sinubukang buksan ang beer gamit ang mesa pero ayaw parin. Sumakit lang ang kamay ko.
"Tsh!" nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang beer na hawak ko. At tsaka siya ang nagbukas gamit ang pambukas na nakalagay sa case.
Napairap nalang ako. "Alam mo naman pala kung nasa'n ang pambukas 'di mo manlang sinabi," i said without looking at him
"Did you ask?" sarkastikong tanong niya
"Sorry then, Hindi ko naman alam na kailangan ko pa palang magtanong sayo kahit nakikita mo naman kaninang hirap na ako sa pagbukas," sarkastikong sagot ko rin
"Tsh, I don't care." aniya at nilapag sa harap ko ang beer. Mabilis ko iyong inisang lagok.
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT REGRETS | SEASON 1
Teen FictionLOVE WITHOUT REGRETS "Nagmumultong ugnayan ng dalawang taong, palaging pinagtatagpo ng tadhana." 'Di inaasahang ang isang taong palaging wala sa tabi niya ang palaging nand'yan para iligtas siya. Sa isang iglap, puso ng isa'y tumibok sa kaniya. Pero...