CHAPTER ELEVEN

0 0 0
                                    

HASHIM POV

BUMUSINA ako kasabay ng 'di gaanong pagbukas ng gate. Sumilip do'n si Manong Ylion at tinanong ako kung sino ako. Binuksan ko naman ang bintana ng kotse ko para makilala ako ni Manong Ylion. Ang isa sa mga guard nila Blix. Nginitian niya lang ako at tinanguan bago mas nilakihan pa ang pagkakabukas ng gate.

Nakita ko naman agad si Tita Shinleigh at Tito Hilex na naghihintay sa labas ng pintuan. Mabilis nila akong sinalubong pagkababa ko.

"Hey Drew!" Pagbati ni Tito Hilex at tinapik ang balikat ko. "Ngayon lang ulit kita nakita. How's your father?" Tinutukoy niya ang stepfather ko. Zikoli Drew ang pangalan niya.

"He's fine Tito. Li'l bit busy sa company," Nakangiting sabi ko. Ngayon ko lang din ulit siya nakita dahil palagi siyang nasa company nila.

"I agree, handling company is really sucks you know." At tumawa siya. Tito Hilex owned a publishing company. Ang lolo niya naman ay may-ari ng university which is Dean Dalton Estagle.

"Yeah Tito, kaya ngayon lang ulit kita nakita." Natatawang sabi ko

"Your Right, you look good now huh."

Napasimangot naman ako. "Ngayon lang Tito, 'di ba matagal na."

Tumawa naman siya. "I mean your more looking good!"

Napalingon kami ni Tito sa likod niya nang may tumikhim. Si Tita Shinleigh pala.

"Oh, you're here pala honey," May bahid ng pang-aasar na sabi ni Tito. Ngayon ko lang din namalayan na nasa tabi pala namin si Tita. Napakamot nalang ako sa batok ko.

Inirapan lang siya ni Tita. "Don't try to sleep beside me." Mahinang bulong ni Tita. Bigla namang umamo ang mukha ni Tito at mabilis na niyakap si Tita sa likod. 'Di ko akalaing ganito pa rin sila ka sweet sa isa't-isa. Minsan ko lang din nakikita na naglalambingan ang parents ko.

"I love you honey." Bulong ni Tito Hilex.

Damn! So awkward.

Siniko naman siya ni Tita at mabilis na lumapit sa 'kin at nginitian ako. "Where's Blix? handsome Drew," Tanong ni Tita. Tsk! Muntik ko pang makalimutan si Blix.

"A-Ahh, nasa backseat po Tita, lasing." At saka ako pumunta sa backseat para buksan 'to. Tulog pa rin si Blix.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE WITHOUT REGRETS | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon