BLIXTH POV
'Wag na siyang tumawag dahil hinding-hindi ko naman sasagutin. Inis ko na namang pinatay nang magring ulit ang phone ko.
*Twink!*
Padabog kong dinampot ang phone ko nang may nagtext. At binuksan.
From: Hashimawa
"Bru! your not answering my calls!?"
Shit! akala ko si Yuriko parin ang tumatawag sa 'kin, si Hashim na pala. Tiningnan ko muna ang caller name bago sinagot ang tawag.
"Oh!?" iritadong tanong ko ng masagot ko na, si Hashim ang tumawag.
"Kamusta? hehehe," hindi ko siya sinagot. "Badtrip ka pa rin bro?"
"Mu'ka bang hindi!?" asik ko
"Sabi ko nga, it means 'di ka pa rin tinatawagan ni Yuriko!?" 'di makapaniwalang aniya
"He calls me many time, hindi ko lang sinasagot." walang ganang sabi ko
"What? Bakit naman, malay mo magso-sorry siya!"
Napapikit nalang ako sa inis. "Sorry niya mu'ka niya." walang emosyong sabi ko
"Hindi mo talaga siya mapapatawad!?" hindi ko siya sinagot. "C'mon bro! talk to him!" pagpupumilit niya
"Psh!"
"C'mon, may ibibigay ako sayo pang dagdag sa collections mo!" pang-uuto niya
Nakaramdam naman ako excitement. "Ano!?" curios kung tanong
"Model ni Pikachu galing pang korea!" masayang aniya. Starting last year ako nagsimulang mangolekta ng mga model of characters ng pokemon.
"Sa'n mo nakuha!?"
"Kakauwi lang ng beautiful sister ko hehe."
"Sa kanya galing?"
"O-oo! oh ano ayaw mo!?" panghahamon niya
"Maganda ba 'yan!?"
"O-oo naman mas maganda pa sa prinsesa mo!?" tukoy niya kay Eilish Fio Verlan my princess.
"Tch! wala ng mas gaganda pa sa kaniya!" depensa ko
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT REGRETS | SEASON 1
Novela JuvenilLOVE WITHOUT REGRETS "Nagmumultong ugnayan ng dalawang taong, palaging pinagtatagpo ng tadhana." 'Di inaasahang ang isang taong palaging wala sa tabi niya ang palaging nand'yan para iligtas siya. Sa isang iglap, puso ng isa'y tumibok sa kaniya. Pero...