CHAPTER 7

125 6 1
                                    

Chapter 7

"ATE! ATE!" Mula sa pagkakabuhat ng isang malaking box ay hirap na hirap akong hanapin kung saang banda ang tumatawag kahit hindi ko sigurdo kung ako nga ba ang ate na iyon. 

Biglang kumawala ang ngiti sa mga labi ko ng makilala ko ang batang lalaki na papalapit sa akin. Agad kung naibaba ang kahon bago ito tuluyang makalapit sa akin. 

"Jax!" He raised his both hands asking me to carry him. 

Napangiwi ako ng konti ng maramdaman ko ang bigat niya. Hoo! This kid surely eats alot. 

"Baby bab--" Napatigil ako ng biglang may humawak sa likod ko na tila ba inaalalayan ang likod kong anytime ay bibigay na sa sobrang bigat ng batang ito. 

"Sebby, didn't I tell you to not let anyone carry you aside from me? You're getting heavy now baby." Isang malalim na boses ang biglang nagsalita sa likod ko. Nakita ko naman na nag make-face si Jax bago ko siya ibaba sa akin. Humawak nalang ito sa aking kamay at sabay naming nilingo ang kuya nito.

"Hello, Mr. Maguire. Kamusta ka na kayo?" Pormal kong tanong sa kanya habang nakangiti. 

Mahigit tatlong buwan na din ang nakalipas nung una at huli kong kita sa kanila at masasabi ko na medyo konti lang ang nagbago kung sa pisikal na katangian lang ang tatanungin. 

Last time he doesn't have stubbles. 

Wait.

Napatigil ako saglit. Wow! Naalala ko pa talaga ang itsura niya noon. 

"We're doing good. I.. guess." Mahinang wika nito habang nilingon si Jax na nakatingala sa amin. 

Ramdam ko sa boses niya ang sakit pero sino ba naman ang makakamove-on agad? Tiningnan ko muna ang relo ko bago magsalita. 

"Nagmamadali ba kayo? Or gusto mo bang magkape muna tayo?" Pansin ko din kasi ang uniporme ni Jax mula sa kilalang montessori school malapit dito sa bagong nilipatan namin. Habang si Lazarus naman ay naka black suit pa.

"Gusto ko sana kayo imbitihan sa amin kaso bagong lipat lang din kami tapos hindi pa nakakapag-ayos." Tinuro ko ang two-storey na magiging bago namin bahay. 

"It's okay, Sebby's bugging me now for some cookies." Napangiti ako at nilingon si Jax na parang nagliwanag ang buong mukha ng marinig ang 'cookies' sa bibig ng kuya nito. 

Tinulungan naman ako ni Lazarus na buhaton iyong malaking kahon at nilagay namin sa tapat ng pintuan. Nabanggit ko din sa kanya na wala ang daddy ko dahil nasa bahay ng parents nila Emerald. 

Binabaybay namin ang daan gamit ang sasakyan nito hanggang sa makakita kami ng coffee di kalayun malapit sa subdivishopsion namin. 

Naunang bumaba si Jax habang pinagbuksan naman ako ni Lazarus ng pinto. 

"Thank you." Ngumiti naman ito sa akin. 

"Mauna nalang kayo sa upuan. What do you want?" Tanong nito sa akin. 

"Cold brew nalang tas...." Tinignan ko ang nasa display cabinet. 

"Macarons..." 

"Okay," Tinawag niya ang pansin ni Jax na ngayon ay nakatingin sa cookies na naka display. 

"Sebby, hold ate's hand and behave. I'll buy the drinks okay?" Jax nodded and holds my hands. Giniya ko naman ang bata at nauna kaming maghanap ng upuan na hindi naman kahirapan dahil wala masyadong tao sa loob ng coffee shop. 

Ginulo ko ang buhok ni Jax pagkatapos ko siyang maiupo ng maayos. 

"Ang gaan ng loob ko sa inyong mag kuya." Natatawang napapailing ako, hindi makapaniwala na nag imbeta ng estranghero sa isang coffee shop para makipag-usap. 

Sorrowful SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon