CHAPTER 8

102 6 0
                                    

SABADO ng maisipan kong bisitahin ang coffee shop na pagmamay-ari ko. Hindi siya ganon kalakihan ngunit malapit ito sa isang tanyag na unibersidad kaya dinadayo ng mga estudyante.

"Cris, good morning!" nakangiting bati ko sa part time worker kong si Cristina. Nagpupunas ito ng mga lamesa dahil sampung minuto nalang ang natitira ar mag bubukas na kami.

"Oh, Miss Torah, good morning po ang aga niyo." Inayos niya ang salamin niya bago bumalik sa pag pupunas.

I named this coffee shop Avery's, regalo ko sa kapatid ko nung nakalapag bilang supporting actor sa isang pelikula.

Marami ka ding librong pwedeng basahin dito dahil may shelf kaming nakalagay sa corner ng coffee shop.

"Cristina, pag dumating si Laza at Sebby ay nasa office lang ako okay?" Ngumiti ito at sumagot at naglakad nako sa maliit kong office dito sa coffee shop.

Tamang-tama sa akin ang office dito dahil nakakapag sulat ako, medyo naka jackpot din ako sa pwesto dahil kitang-kita ang mga estudyanteng pumapasok sa unibersidad.

Binuksan ko ang aking dalang laptop at nagsimula ng mag type.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagsusulat ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok si Laza na bitbit si Sebby sa kaliwang balikat at may dalang paper bag sa kanang kamay.

Natatawa akong sumalubong sa kanya at kinuha ang paper bag.

"Sebby, wake up we're at ate Brie's coffee shop already." indayog niya batang tulog parin sa balikat niya. Inilapag ko ang paper bag at pumunta sa gilid ni Lazarus. Hinaplos ko ang pisngi ng batang natutulog.

"Sebby.."

"We slept late.." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Agad naman niyang tinuloy ang sasabihin. 

"Okay it's my fault. Naengganyo din ako sa pinapanood namin nakalimutan ko ang oras."

"Anong oras tayo pupunta sa talyer ng kaibigan ko?" Nagsimla ng bumukas ang mata ni Sebby. Kinuskos nito gamit ang dalawang kamay ang mga mata nito.

"Good morning, baby."

"After our breakfast." Sagot nito at nilapag si Sebby sa sofa ko. Sinave ko muna ung draft n librong tinapos ko bago ko ito sinarado. Inayos ko na din ang pagkaing dala ni Laza.

Pupunta kasi kami ngayon sa talyer ng mga magulang ni Emerald, mag papa detailed kasi ng sasakyan si Lazarus at naalala ko na merong ganoong service sila Tito Patch kaya na rekomenda ko kay Laza.

"Yung sasakyan ba natin ngayon ang ipapadetail mo?" Tanong ko. Pumwesto sa harapan ko si Laza at umupo sa bakanteng upuan.

"No, my assistant will drive it to your friend's car workshop."

Iba din si Lazarus, nito ko lang din napag-alaman na sobrang ma-impluwensiyang tao pala ang lalaking naglahad ng kamay sa akin sa gilid ng tulay.

Hindi ko din malalaman kong hindi ko pa nabasa sa Time's 100 most influential people ang pangalan niya at kailangan ko pa siyang tawagan para ikumpirma na yung mukha niya at kung siya ang nasa magazine na iyon.

"Maliit lang yung talyer nila Tito hindi pang RK." Wika ko habang kumakain kami.

"It's okay, sabi mo maganda service and I matter the result." I pouted to what he said.

"Bakit na pressure ako sa sinabi mo eh hindi ko naman talyer yun.. pero talyer ni tito patch yun eh!"

He laughed a little and drink his coffee.

Sorrowful SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon