Four.

62 5 0
                                    

Jam’s POV

Yah. Tumuloy pa rin kami ng mall kahit wala siya. To be honest, nasanay na rin naman kami na wala siya e, na hindi na siya sumasama sa’min.

“Guys, minsan lang naman ‘to e. Pagbigyan niyo na ko, please?”

“Para makapagbonding kami ni Jake tska nung barkada niya. Dali na, mahal niyo naman ako e.”

Iyan. ‘Yan ang mga dahilan niya. Minsan nga gusto ko nalang sagutin e. I mean, gaano ba kadalas yung “minsan” para sa kanya? Tska sa barkada ni Jake, game na game siyang makipagbonding, tas sa’min, ano? Pa’no naman kami? Pero syempre, hindi ko sinasabi. Baka may masabi pa akong pagsisisihan ko sa huli. Dapat kasi kami nalang yung mag-adjust para hindi na magkagulo. Sana nga i-try niya naman minsan na tignan kung nababalewala na yung mga kaibigan niya, diba?

Anyway, habang nagsho-shopping kami ng walang dalang pera, or “window shopping” as some would like to call it, nakita ko yung kaklase namin. Ano ngang pangalan nito?

“Uy, si Bianca oh!” OO! Tama, si Bianca. Bianca Mae Wilson nga pala yung name niya. Buti nabanggit ni Anne, haha.

“Oh, shit.” I cursed when I saw that she almost tripped because of the materials she’s holding.

“Oh, double shit.” I heard Yan curse. We asked her why and..

“Guys!” tawag sa’min ni Bianca. Tinulungan na naming siyang magbitbit since parang bigat na bigat na siya sa hawak niya. At dahil naudlot yung sagot ni Yan, we asked her again and she said..

“May project tayo sa Science! Deadline tomorrow at kagroup natin si Ms. Pres.” Project?

“That’s right. Kaya ako nandito kasi namili ako ng materials and pupuntahan ko sana kayo sa bahay niyo dahil di ko alam ang mga cellphone numbers niyo.” Bianca smiled. “But luckily, nandito kayo so, tara na?”

“Tara na saan?” we asked.

“Sa bahay niyo? Para maaga tayong matapos and—” she paused and looked down. “—this is kinda embarrassing but gusto ko kayong makabonding since you seem like a really cool group.” Wow, just wow. Buti pa siya gusto kaming makasama di katulad nang iba diyan. Aish, nevermind. But to be honest, gusto ko rin talaga siyang makaclose. Wala lang, I just find her interesting. Pa’no kasi, ang seryoso niya sa room. Malay ba natin kung may tinatagong kakulitan din ‘tong class president namin. I like her.

Wait, bago kayo mag-isip ng kung ano-ano, curious lang ako. I’m a girl. Ang hanap ko boys. Hindi kapwa kong girls, haha. I would just like to know more about her. Masama ba yun?

“Cool. Let’s go?” the three of us said in chorus. Ngiting-ngiti pa kaming tatlo, haha.

While driving, naisip ko, di man lang ba nakaramdam si Ash na may tampon a kami sa kanya?

***

Ashley’s POV

I was walking my way home at naalala ko yung barkada ni Jake kanina. Grabe, ang saya nilang kasama. I’m pretty sure na if it weren’t for my friends, sa  kanila na ako sumama e. Ang saya talaga kanina. I enjo - -wait. Did we just talk about friends? My friends?!

Malapit nap ala ako sa bahy pero bakit parang ang ingay sa bahay nila Jam? May party ba? At hindi nila ako sinama?

Para masagot yung mga katanungan ko, I decided na silipin nalang kung anong meron. Dumiretso na ako sa loob since bukas naman yung gate at sanay naman si Tita, haha. Binukas ni Tita yung pinto. As she let me in,  tinanong ko kung nandoon sa loob sila Jam.

The Fate's Game [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon