CHAPTER 2
Jam's POV
Another day. Naglalakad ako papuntang room. Mag-isa. Guys, mag-isa. Uulitin ko, MAG-ISA. Alam niyo ba yung feeling na ganun?
Pisti. Sisihin niyo yung mga kaibigan ko. Tch.
Isipin mo, napakalapit lang ng bahay namin sa isa't isa, iniwan pa nila 'ko. Ang usapan kasi, 6:30 aalis na kami ng bahay. Pero kasalanan ko bang napuyat ako at 6:20 na ako nagising?! Hindi naman, diba? DIBA?!
Anyway, while I was walking, I heard two girls talking. Lalagpasan ko na sana nang..
"Girl, diba kaibigan 'yan nung girlfriend ni Jake?" sabi ni Girl 1 kay Girl 2 tapos bigla akong tinuro. Pero I walked past her. Wala namang boyfriend yung mga kaibigan ko. At yun nga, I continued walking. Stupid girls, pa'no ako magiging kaibigan ng isang babaeng may boyfriend (na nagngangalang Jake daw) kung wala naman kaming boyfriend? Well.. unless 'di sila nagsasa--
"JAM! JAM!" tawag sa'kin ni Arriane. Take note, tumatakbo pa sila ni Anne mapuntahan lang ako. I feel so special haha.
"Bakit, Yan?" I asked her since nauna siya kay Anne na puntahan ako.
"Si Ash!" Luh. Anyare kay Ash?!
"Bakit?!" tanong ko ulit.
"SiAshMayBoyfriendNaHindiNiyaManLangSinabiSaAtinJuskoSaMgaFellowChismosaKoPaNalaman." Tuloy-tuloy na sabi ni Yan. Ano daw?
"Kalma! Bagalan mo naman. 'Di ko magets?!"
"Eh kasi.. Anne! Ikaw na nga!" pinasa pa ni Yan kay Anne oh -__-
"Inhale, exhale. Baka kasi magulat ka. Inhale, exhale." Okay, breathe in, breathe ou-- Sandali nga!
"Ano ba kasi yun?! Go straight to the point! Andami niyo pang sinasabi e." nakakabwiset kasi. Paligoy-ligoy pa.
"Si Ash may boyfriend na." kalmadong sabi ni Anne. Sus! Parang yun lang may breathing exercises pa siyang nalalaman. May boyfriend lang pala si--
"WHAT?! May boyfriend na si Ash?!"
"Inulit mo lang yung sinabi ni Anne e." Oh fudge! So totoo nga yung mga narinig ko sa dalawang chismosang froglets na yun? Ugh. Letche naman si Ash, 'di man lang sinabi sa'min. 'Di na ako nakapagtimpi.
"Guys, tara na. Mukhang may kailangan tayong kausapin."
~x~x~x~x~
"So you're saying na may boyfriend ka na?! At hindi mo sinabi sa'min?!"
"And sinasabi mo rin ba na hindi ka niligawan?!"
"You mean sinabi lang niya na may gusto siya sa'yo tapos kayo na?! Agad?!" Kainis 'tong bruhang 'to, oo. Natadtad tuloy siya ng tanong.
Kinulong kasi namin siya sa isang 'di ginagamit na classroom para mag-imbestiga. Adik kasi 'to. Paano kung di naman pala marunong, maalaga, o mabait yung boyfriend niya?! Pano kung gaguhin lang siya?!
"Sandali. Chill lang kayo, guys. Andami niyong tanong e. 'Di ko malaman kung sino yung una kong sasagutin. Eto na, yes, may boyfriend na ako. Hindi ko lang nasabi dahil kahapon lang naman. Niligawan ako pero sa fb lang. You know, text, chat, call chuchu. Pero I never said na ganun ganun lang yun, syempre nagpakipot muna akong konti." litanya niya. Hay, may magagawa pa ba kami?
"Mahal mo ba?" maikling tanong pero mahalaga ang magiging sagot niya. Sasagot na sana siya ng--
"Mga bata kayo, bell na." sabi ni Manong Janitor.Nakaligtas siya dun ah. Ang laking palaisipan. Mahal niya ba? Tska mahal ba siya? Pa'no nalang kung hindi?