"Rhyme, Tara!" tawag sa akin ni Danica.
Liningon ko siya at tinignan ng may pagtatakang mga mata.
"Bakit?"
Nakakapagtaka naman. Minsan lang niya akong tinatawag nito kapag wala ang mga pinsan namin. Nakaupo ako sa sofa ngayon habang kumakain.
Ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. Birthday ni kuya Lilo nung nakaraang linggo kaya sobrang na pagod ako. Puro utos kasi sila sa akin. May mga katulong naman dito pero ako pa din ang gusto nilang utusan.
"Kunin mo nga yung carbonara don Rhyme!" utos ni ate Zara.
Mabilis kong kinuha at ibinigay sakanya. Hindi pa ako nakakaupo ng may mag utos nanaman.
"Yung cake paki kuha naman Rhyme." utos ni Ate Kim.
Dali dali ko naman na kinuha at nilagyan na din ng kandila, baka may masabi pa.
Napabuntong hininga nalang ako ng utusan akong muli. Hay.
"Ano ba? Paupo upo kalang jan ah! Kunin mo yung fries at iba pang cake!" sigaw ni Ate Shay.
Huminga ako ng malalim at nagpunas ng pawis. Kanina pa ako pabalik balik sa dining room at dito sa pool area. Nakakapagod. Wala man lang naglakas loob na tulungan ako.
Kinuha ko ang pinapakuha ni ate Shay sa lamesa. Paano ko bibitbitin lahat to? Ang laki ng tatlong cake.
Nilagay ko sa kanang kamay ko ang fries at sa kaliwa naman ang dalawang cake. Babalikan ko nalang yung isa. Napakabigat! Bakit kasi ang daming cake ni kuya Lilo?
Maglalakad na sana ako ng may kumuha ng isang cake sa kamay ko. Napatingin ako kay Grey na hawak na ang dalawang cake.
"Bakit mo kinuha?"
Tumingin siya sa akin pero hindi sumagot.
Hinabol ko siya. Mapapagalitan siya kapag nakita siya na dala ang dalawang cake! Siguradong papagalitan din ako ni ate Shay.
"Grey! Akin na yan! Mapapagalitan tayo."
Hindi ulit siya sumagot.
"Greysen!" sigaw ko.
Tumigil siya sa paglalakad. Sa mga pinsan ko hindi ko sila masigawan ng ganito. Ewan iba talaga si Grey. Parang nakababatang kapatid na pwedeng utos utosan.
Humarap siya sa akin. "Hindi kita tinutulungan." si Grey na feelingero.
Wala naman ako sinabi na tinutulungan niya ako ah?
"Eh, Ano yang ginagawa mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Inutusan ako ni Lilo. Nakakaawa ka naman kaya dinala ko na."
Lilo? Walang kuya ah. Bakit nagiba ugali niya? Akala ko pa naman magiging mabait siya. Nung nakaraan lang tinutulungan niya pa ako tanggalin yung thumbstack ah.
"Oh, Okay." nakangiwing sagot ko.
Inilahad ko sakanya ang daan. Susubukan kong makipaglapit kay Grey. Baka kapag mabait na siya sa akin, mahawa ang mga pinsan ko.
Buti naman at hindi kami pinagalitan ni ate Shay ng makitang magkasabay kami pumasok sa pool area. Tinignan niya lang ako at bumalik na sa ginagawa.
Pagkatapos non, Hindi na ulit kami nakapagusap ni Grey. Sinusubukan kong lumapit pero lumalayo siya. Sayang naman! Gusto ko mapalapit sa pinsan kong 'yon! Sana..
Lumapit ako kay Danica.
"Samahan mo'ko. Ayaw ako samahan ni Thalia."
"Saan?" tanong ko.