Simula

114 9 4
                                    

"Where is she?"

Hindi ko nakita pero ramdam ko na tinuro ng mga lalaki ang lugar kung nasaan ako.

Kahit may takip ang mga mata ko, Nakikita ko pa din ang sahig gamit ang kaunting butas sa telang nakalagay sa akin. Isang pares na itim na sapatos. Madumi at madaming putik pero makikita pa din dito ang kamahalan ng sapatos.

Mahigpit niyang hinatak ang buhok ko.

"Ang dapat sayo ay sinasaktan," mahinahon na sabi niya.

Hindi ako sumagot.

"Asan ang last will?"

Hindi ulit ako sumagot. Alam ko kung sino siya. Alam ko ang balak niya. Kaya hanggat maaari pinipilit kong hindi magsalita.

"Hindi ka talaga magsasalita?" malakas na sigaw niya at mas hinigpitan pa ang pag kakahatak sa buhok ko.

Sinipa niya ako sa sikmura. Sinuntok sa mukha. Sinabunutan. At sinampal ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Paulit-ulit nalang. Pagod na ako..

Sobrang sakit ng katawan ko. Pain vs Pain? Oh god, Wala na bang mas pa sasakit dito?

Pinilit kong wag dumaing kahit na gustong gusto ko ng sumigaw. Pinilit kong wag umiyak. Pinilit kong tiisin lahat ng sakit kahit na sawang sawa na ko!

Huminga ako ng malalim. Dumura ako at nalasahan ko agad ang pamilyar na lasa ng metal. "Are you done?" mahinahon na sabi ko.

"Ano sa tingin mo? Kill you first,"

Ngumisi ako. Akala niya ba ay kapag pinatay niya ko mahahanap niya ang last will?

"Then do it! I wonder kung makita mo ang hinahanap mo."

"Gusto ko lang makita ang last will. Kapag pinatay kita, Sigurado akong sa akin ipapasa ang lahat." nakangiting sabi niya at naglakad paalis.

Sa halos isang linggo ko dito ganyan siya palagi. Kakausapin ako saglit at paulit ulit akong tatanungin. Kapag hindi ako sumagot sasaktan niya ko. Pinapakain naman nila pero minsan ay may lasa na. Minsan naman ay binabastos ako ng mga taga bantay. Wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko sa kinauupuan ko. Ang mga paa ko naman ay nakatali din. Hinahalikan sa leeg. Hinahawakan sa maseselang parte ng katawan. At kung ano ano pa.

Feeling ko ang dumi dumi ko na. Para bang mga babae na binabayaran. Prostitutes.

"Kumain kana!" sigaw ng isa sa mga nambabastos sa akin.

Isang saging. Kaunting kanin at sardinas ang nakalapag sa harapan ko.

Pinilit kong kumain kahit na wala akong gana. Pinilit kong kumain kahit hindi maganda ang lasa. Pinilit kong kumain kahit gustong gusto ko ng umiyak dahil sa lahat ng sakit.

"Pre! Galawin na natin ng tuluyan to! Wala naman sinabi si boss na bawal galawin to! Ang kinis pa naman!" nagising ako dahil sa pagtatalo ng dalawang tao sa harapan ko.

"Sino ba mauna pre?" sagot ng isa.

"Ako na!"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Gagawin nanaman nila? Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. Para bang bumalik ako sa dati. That fourteen year old Rhyme.

Lumapit sa akin ang isa at akmang tatanggalin ang suot kong damit ng mabilis ko siyang sinipa gamit ang natitirang lakas ko. Mabuti nalang at nakahiga ako sa higaan na karton.

"Don't you dare!" malakas na sigaw ko.

Tumayo siya. "Masakit yun ah. Palaban pala 'to pre!" sigaw niya.

"Naiinip na 'ko! Gusto ko ng marinig ang mga ungol mo." nakangiting sabi niya at mabilis akong sinikmurahan at pinagsasampal.

Ang sakit.

Sweetness of the Ocean (Cousin Girls Series)Where stories live. Discover now