Two

69 6 2
                                    

Nakatingin ako sa isang mahaba at manipis na lapis na hawak ko. Ano kayang gagawin ko ngayon? Nakakatamad maglaro sa labas. Sawa na kong matulog nalang. Gusto kong magluto pero hindi ako marunong.

Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga pinsan ko.

Tinignan ko ang magkapatid na si Ate Kim at Ate Shay na nakaupo sa couch kausap ang magkapatid din na sila Ate Zara habang si Kyla naman ay nakakandong sakanya.

I'm two years older than Kyla but it seems like mas gusto pa nila siya kaysa sakin. Medyo mature naman ako kumpara sakanya.

Si Kuya Lilo naman ay mukhang naiinis sa kalaro niya na si Jash. Habang si Fran naman ay tinatawanan sila. I wish I could play with them too. I like boys games.

Inikot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Kate kasama si Diana at Danica, si Thalia naman ay naunang naglalakad sakanila. Papunta sila sa kwarto ni Cynthia. Nasa pinto na sila ng bigla akong nakita ni Danica.

Nginitian niya ako. Nakakalungkot lang na my age is like their age pero kahit ganon parang hangin lang ako sakanila. I wonder what or why they treating me like I'm not their cousin.

Nginitian ko siya pabalik.

Sa aming magpipinsan. Si Danica at Thalia lang ang normal ang trato sa akin. Walang ginagawang masama sa akin. Sayang at hindi ako nakita ni Thalia. Sigurado akong bibigyan nanaman niya ako ng malungkot na ngiti.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto.

"Ano kayang maganda?" bulong ko sa sarili ko.

Nakatingin ako sa mga swimsuit na nasa walk in closet ko. Isang kulay pula at kulay lila na magkaparehas ang disenyo ang pinagpipilian ko. Sa huli ang pinili ko ay ang kulay pulang swimsuit.

"Okay na to," nakangiting bulong ko sa sarili ko pagkatapos isuot ang napili.

Kinuha ko ang bathrobe at sunblock na nasa ibabaw ng kama ko. At my age I learned how to dress nicely but sometimes my cousins doesn't like my taste. I'm also always wearing a swimsuit if I'm gonna swim at the pool in our house but sa public resort? Nahihiya ako.

Ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Walang tao sa pool area kaya malaya akong makakalangoy. Hindi ako marunong lumangoy pero matutunan naman siguro iyon.

Dahan-dahan akong naglakad sa stairs ng pool. Sa gilid lang ako. Baka malunod ako dahil hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Paano nga ba lumangoy? Sa aming magpipinsan ako at si Kyla ang hindi marunong lumangoy. Halos lahat sila ay nag s-swimming lessons kada linggo.

Sinubukan kong lumangoy pero hindi talaga ako marunong. Nung una akala ko umaalis na ako sa pwesto ko but pag-ahon ko nasa gilid pa din ako ng pool. Pangalawa, muntik na akong malunod! Buti nalang ay nasa gilid lang ako kaya mabilis akong kumapit sa gilid ng pool. Paulit-ulit lang na ganon ang nangyayari.

Susubukan ko na sana ang pangatlo kong ideya ng may narining akong nagtatawanan. Agad na naagaw ng mga mata ko ang lalaking malapit sa kinaroroonan ko. Nakaupo siya sa isang lounge chair. Ang kanyang kanang paa ay nakapatong sa kanyang kaliwang paa. Ang mga kamay naman niya ay naka crossed.

Ang mga kulay abo niyang mata ay matiim na nakatingin sa akin. Guess who? Si Grey, syempre.

Nakaramdam agad ako ng hiya kahit na nasa ilalim ng tubig ang katawan ko ng makitang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Mabilis kong tinakpan ng mga kamay ko ang tinitignan niya.

"Oh, Andito ka pala, Rhyme." si ate Zara.

Tinignan ko siya at nakitang nandito na din pala silang lahat. May dalang mga pagkain at mukhang dito sila maghahapunan. Tinignan ko ang kalangitan. Malapit ng dumilim hindi ko man lang napansin. Umaahon ako at aakmang pupunta na sa lounge chair ng biglang marinig ko si kuya Lilo na nagsalita.

Sweetness of the Ocean (Cousin Girls Series)Where stories live. Discover now