"Isang karangalan bilang prinsesa na mapanood ang isang katulad mo"
Panimulang bati ni Alliah ng lapitan nya si Eris na nakasakay sa kabayo.
Agad naman itong bumaba upang lumuhod sa prinsesa.
Tapos na ang pakikipagpalakasan,Ang susunod naman ay patalinuhan.Isa si Eris sa sampong napili ng reyna para sa pangalawang pagtatapat.
Ang mga di naman napili ay tuluyan ng uuwi sa kanilang kaharian.
Nalagpasan ni Eris ang lahat ng pagsubok,Ang pagpapana sa mansanas sa ulo ng isang inosenteng tao.
Pakikipaglaban ng walang armas,Lahat na yon ay kanyang nalagpasan,Natamo nya ang onting sugat ngunit wala lang iyon sakanya.
"Pumunta ka sa palasyo,May regalong ihahandog para sayo"
Bigla namang napaangat ang ulo ni Eris ng marinig ang nagsalita,Ang reyna na nasa likod ng prinsesa.
Tuwang tuwa na tumingin si Alliah sa reyna.Agad sumakay ang reyna sa gintong karwahe.
Sumunod naman ang isa pang kulay asul na karwahe at isinakay nito si Prinsesa Alliah.
"Magkita nalang tayo sa palasyo"
Sigaw nito at kumaway sa nakaluhod na binata,Tipid itong ngumiti sa prinsesa.
Nang masigurado na wala na sa paningin nya ang prinsesa,Ay agad syang tumayo papunta sa kabayo nya.
Lulan ng puting kabayo,Maririnig mo ang tunog ng bawat pagtapak nito,Ang matuwid na pagupo ni Eris at ang tindig nya bilang lalaki.
Naabutan ang dalawang karwahe,Itinapat naman nya ito sa asul na karwahe ng prinsesa.
"Eris!"
Tuwang tawag ng prinsesa,At pinanood ang paghihinete nito sa kabayo.
Nilagpasan nya ang karwahe ng reyna,Sa kabilang banda ay pinagmamasdan sya nito.
Tila ba isang magandang pangitain ang kanyang natatanaw,Ang binata na nakasakay sakanyang puting kabayo.
Naguguluhan ang isip nya,Simula palang ng makita nya ang mukha ng binata,Iba na ang nararamdaman nya.
Nang makapasok sa palasyo,Ay palihim nyang pinagmasdan ang pagbaba ng binata sa kabayo.
Hinubad nito ang sandata na kanyang suot,At iniluwa ang kabuuan ng kanyang katawan.
Maliit lamang ang katawan nito,Sa periperal na kanyang isip ay iisipin nyang isang babae ito dahil sa hugis ng kanyang katawan.
"Mahal na reyna"
Tawag ng kanyang hinete na pumukaw sakanyang atensyon,Dahan dahan naman syang bumaba sa karwahe.
Malapit na sya sa pintuan ng palasyo ng bigla na lamang syang may natapakan,Dahilan upang mawalan ngbalanse ang kanyang katawan.
Akala nya'y sa lupa sya babagsak,Ngunit ganon na lamang ang akala nya ng may malambot na braso ang sumalo sakanya.
Napagmasdan nya ang mga mata nito,Namumutawing gray ang kulay nito at may mahahaba na pilik mata.
"Ehem"
Agad tumayo ang reyna ng marinig ang tikhim ng prinsesa na nasa kanilang likuran lamang.
Hindi na lumingon ang reyna at aligaga na pumasok sa palasyo.
"Nakita ko yun,May nararamdaman ka ba para sa reyna?"
Pangaasar ng prinsesa,Ngunit bahid sa boses nito ang pagkalungkot.Kasabay na pumasok ng binata ang prinsesa,Parang bata ito kausap.
BINABASA MO ANG
The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)
Historical FictionBOOK 2: Living in a merciless kingdom,Eris Romero found herself seeking for justice about her parents death.She become a man to put on a false appearance to enter the castle.In her journey,she found herself falling in love with the no mercy queen. W...